Chapter 64 After 7 Years
7 years later...
Sharie Faye Pov.
"Sharie!, hindi ka pa ba diyan tapos? tara na at maglu-lunch na tayo!", sigaw sa'kin ni Mhia.
"Pwede wait?! tatapusin ko lang 'to, mauna na kayo at susunod na lang ako", at nauna na silang umalis. Palagi niya kasi akong pinupuntahan dito para yayain lang maglunch, eh alam niya naman na palagi akong busy?
Pagkaraan ng pitong taon, Grabe! ang bilis talaga ng panahon, Si Mhia ay isa nang manager ng Restaurant nila, at balita ko unti-unti nang lumalago at patuloy pa itong lumalaki. Si Sharmaine, isang secretary ng isa sa pinakamalaking Companya dito sa lugar namin, at alam niyo ba kung sino yung amo niya, edi sino pa ba edi si Max, ipinamana na sa kanya ng daddy niya yung Company at sa tingin ko kayang kaya yun ni Max i-handle basta magkasama silang dalawa. Si Erick naman, isang Seaman at balita ko, nasa Brazil ang barko nila ngayon pero ipinangako niya naman kay Mhia na babalik siya pagkatapos ng kontrata niya doon.
At dahil sa natanggap kong scholarship sa napanalunan ko doon sa Competisyon namin ni Scarlet, nakapagtapos ako ng College at teacher yung kinuha kong kurso, kaya heto ako ngayon, teacher at Member Staff of East Berlin University. At naging guminhawa na din ang buhay namin dahil sa tulong ng mga Garcia.
Speaking of Garcia, mula nung nilipat nila si Ronmart doon sa State, wala na kong balita tungkol sa kanya, sabi daw nila, hindi daw siya naka-abot at yung iba naman naka-abot siya pero hindi daw siya naka-survive sa operasyon, pero hindi ako naniniwala sa kanila at patuloy pa rin akong uma-asa na babalikan niya ako.
Ewan ko ba, pero parang naluluha ako sa tuwing iniisip ko siya at sa tuwing sinasabi nila na wala na daw siya, ***sniffed*** sana naman bumalik na siya,
"Uhmm... Ma'am! pwede po bang makahingi ng requirements for enrollment?"
"Naku! pasensya ka na ha, nagmo-moment kasi ako, hehe", sabi ko at mabilis ko na rin pinahiran yung luha ko mula sa mata ko, Anubayan! nakakahiya.
Kumuha ako ng form kung saan diyan na nakalagay ang lahat ng kakailanganin niya pati na rin ng schedule para sa entrance exam for para sa mga bagong estudyante.
"Ikaw ba yung mag-eenrol?", sabi ko sabay abot sa kanya. Nang tumingin na 'ko sa kanya, biglang tumigil ang paligid.
***Dug-dug*** ***Dug-dug***
'Di ko alam kung bakit ganito ang tibok ng puso ko, parang pakiramdam ko malapit ang loob ko sa kanya pero hindi ko maipaliwanag.
"Hindi, yung kapatid ko. May sakit kasi siya kaya ako na lang ang kumuha ng form para sa kanya. Salamat po", at tuluyan na siyang umalis.
"S-Sige....."
*sighed*
Guni-guni ko lang yun siguro, kung anu-ano kasi ang iniisip ko, o sadyang gutom lang talaga ako. =_=
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...