Epilouge

2K 38 4
                                    

Epilouge

Sharie Faye Pov.

"Ronmart, ba't mo ko dinala dito sa cemetery?, akala ko ba maglu-lunch na tayo?"

"Sabi kasi sa'kin ni Dad, pagnagkita na daw tayo ulit, pumunta muna tayo dito para magpasalamat sa pagligtas niya sa'kin."

"Magpasalamat? kanino?"

Lumakad siya papalayo sa'kin habang dala-dala niya yung isang bouquet na bulaklak at inilapag sa isang puntod.

"Sharie, pwede bang pumunta ka muna dito para ipagdasal natin siya?", anyaya niya sa'kin.

Hindi ko alam kung sino yung nakaburol pero dapat din ako siguro magpasalamat sa ginawa niya para kay Ronmart. Habang papalapit ako sa puntod, bigla akong napatigil nang nakita ko yung pangalan na nakasulat sa lapida.

"Si M-Mark? yung nakalibing?!", hindi ako sinagot ni Ronmart, alam niya kung ano yung nararamdaman ko kaya hinayaan niya akong humagulgol sa iyak. Hindi ko akalain na siya pala ang nagligtas kay Ronmart sa gitna ng kamatayan, pero sobrang nalulungkot ako dahil nawalan ako ng isang kaibigan, isang kaibigan na kailanman hindi na kami ulit magkikita.

Nagsindi kami ng kandila para ipagdasal siya at pasalamatan siya sa lahat ng mga nagawa niya, nalaman ko din na siya pala yung nagdala sa'ming dalawa ni Ronmart sa ospital nung oras na na-aksidente kami. Sinabi kasi ni Mark bago siya mamatay na ilibing siya dito sa Pilipinas kasama yung mga magulang niya, dito din kasi sila inilibing kaya heto siya ngayon, kasama na niya yung mga magulang niya at sa tingin ko masaya na siya ngayon kung saan man siya naroroon.

"Mark, a-alis na kami, pero pangako namin sa'yo hindi ka namin malilimutan at dadalawin ka rin namin paminsan-minsan.

"Rest In Peace Mark.", sabi ni Ronmart at tuluyan na rin kaming umalis.

Mark Santillan (19XX-20XX)

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon