Chapter 65 END
Ronmart June Pov.
"Ano?! malapit na ang pasukan, ba't ngayon ka pa nagkasakit?!"
"Pasensya na kuya, hindi kasi ako sanay sumakay ng eroplano. Pwede bang ikaw na munang kumuha at mag asikaso ng requirements ng School na papasukan ko? malay mo baka makita mo dun si Ate Sharie, sasabay na lang ako sa'yo pagkukuha na ko ng Entrance Exam, sige na kuya....Pleaseeeeeeee..........", at nagpuppy-eye pa siya sa'kin.
"Haist! Sige na nga, buti na lang at hindi ako busy.", biglang sumakit kasi ang ulo ni RJ nung gabing yun. Sobrang pagod kasi kami sa byahe at biglaan pa yung pag-alis namin doon sa State. Apat na araw na lang bago yung pasukan ni RJ, at wala naman akong magawa kundi sundin ang gusto niya.
Nung una hindi ako pumayag pero nang sinabi ni Mommy na titser pala si Sharie sa magiging School ni RJ, doon na 'ko nagdalawang isip. Ayoko namang pumunta doon sa bahay niya, masyadong nakakahiya lalong lalo na na makikita ko doon ulit yung mga magulang niya. Matagal na kasi kaming hindi nagkita syempre parang naiilang na 'ko.
Pagka-umagahan pumunta na nga ako sa East Berlin University, dito daw kasi mag-eenrol si RJ sabi ni Mama, hindi ko alam kung saan ako unang pupunta, masyado kasi itong malawa.
"Nasa'n ba dito yung Information Area?", sabi ko habang nagmamasid. Nakita ko yung dalawang estudyanteng babae na nakasuot ng School i.d kaya minabuti ko nang magtanong sa kanila.
"Miss, saan dito makikita yung Information Area?"
Biglang napanganga silang at parang natulala nung makita nila ako, "Wow, ang gwapo!!!!"
"Oo nga! anong pangalan mo?! pwede ko bang makuha yung number mo? o di kaya'y account mo sa FB, or pwede mo bang sabihin kung saan ka nakatira?"
Ano ba 'tong mga babaeng na 'to, ako na nga ang nagtatanong tapos sila pa yung nagtatanong sa'kin. Parang baliktad ata ah, makahanap na nga lang ng ibang pagtatanungan. =_=
Buti na lang at nakakita ako ng estudyanteng lalaki na pwede kong pagtanungan, useless talaga pagbabae. Tinuro niya sa'kin kung saang deriksyon at sa wakas, nakita ko rin yung hinahanap ko.
"Ma'am pwede po ang makahingi ng requirements for enrollment?", tanong ko sa babae na naka incharge pero parang hindi niya 'ata ako narinig.
"Nagmo-moment ba siya? parang ang lalim yata yung iniisip niya", sabi ko sa sarili ko. Matanong nga ulit.
"Uhmm... Ma'am! pwede po bang makahingi ng requirements for enrollment?"
"Naku! pasensya ka na ha, nagmo-moment kasi ako, hehe", sabi ko na nga ba, pero hindi pa rin siya nakatingin sa'kin.
"Ikaw ba yung mag-eenrol?", pagkasabi niyang yun, tumingin siya sa'kin.
***Dug-dug*** ***Dug-dug***
"Si....si Sharie!", sabi ko sa sarili ko. Okay Ronmart, kalma lang, kalma lang pero ang ganda pa rin niya! na-miss ko siya talaga!
"Hindi, yung kapatid ko. May sakit kasi siya kaya ako na lang ang kumuha ng form para sa kanya. Salamat po", at tuluyan na muna akong umalis.
"S-Sige.....", mahinang narinig ko mula sa kanya, pero tumigil ako pansamantala, heto na ulit ang pagkakataon ko para magkabalikan kaming dalawa. Go Ronmart!!!
Sharie Faye Pov.
"Uy, ang gwapo ng lalaking yun noh?, Sharie, nakuha mo ba yung pangalan niya? Type ko talaga siya!".
"May Girlfriend na ba yun, kung wala siguro ako na lang ang manligaw sa kanya! Ayieeehh!", sabi ng mga kasamahan kong titser.
"Umayos nga kayong dalawa, parang ngayon lang kayo nakakita ng gwapo ha!", inis na pagkakasabi ko. Gayun pa man, nalulungkot pa rin ako, pero bakit kanina tumibok yung puso ko dahil sa lalaking yun?
"Ma'am! sorry sa abala pero pwede bang ulit magtanong?", biglang bumalik yung lalaki! at parang hinihingal siya, tumakbo ba siya papunta dito?
"A-Ano yun?", bakit ako nauutal sa lalaking 'to?
Bigla siyang ngumiti na parang nakakaloka, at tiningnan niya ako sa mata,
"Pwede ka bang ulit mag-apply bilang GUARDIAN ko?"
Hindi ako makapagsalita, at pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa sobrang saya, "RONMART?! IKAW NA BA YAN?!"
"Ay hindi-hindi, si Enchong Dee 'to", sabi niya habang nakangiti.
"IKAW NGA!!", at nagmadali na kong tumayo para yakapin siya. Habang papunta ako sa kanya, abot tenga yung ngiti ko at walang katumbas talaga ang saya ko ngayon!
Napayakap ako sa kanya ng mahigpit, habang yakap-yakap niya din ako. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero wala akong paki-alam, basta magkasama na ulit kaming dalawa.
"Alam mo na-miss talaga kita",
Pagkarinig ko yun mula sa kanya, tumigil muna ako sa pagyakap at,
***POK!***
"Aray ko! ba't mo naman ako binatukan?!", inis na sinabi niya.
"Ba't ba kasi ngayon ka lang nagpakita?! alam mo bang matagal na kong naghihintay sa pagbalik mo?! bakit hindi na kulot yung buhok mo?! ayan tuloy hindi kita nakilala, at bakit napakap---"
***TSUP!***
Hindi ko na natapos yung pagsasalita ko dahil bigla niya kong hinalikan sa labi pero mabilis lang, baka kasi tumagal pa at hindi ko pa mapigilan yung sarili ko na humalik din sa kanya pabalik, hehe ;P
"Pasensya ka na at pinaghintay kita, pero alam mo ba hanggang ngayon mahal pa rin kita, ikaw lang yung babaeng minahal ko at mamahalin ko habang buhay.", sabi niya at nilagay niya yung palad niya sa gilid ng mukha ko.
"I LOVE YOU SHARIE".
"I LOVE YOU TOO RONMART", at naghalikan ulit kaming dalawa, but this time tumagal yung paghahalikan namin kaya naman naghiyawan ang lahat ng nakinood, estudyante, mga kasamahan kong titser, maski security guard tsaka janitor nga nakisuyo din. Wala na'kong pake-alam kung ano ang sasabihin nila basta makapiling ko lang ang mahal ko, masaya na talaga ako.
After 10 seconds...
"Uy, tama na nga yan. Nakaka-inggit naman kayo!!!"
"Oo nga! Ang sobrang gwapo pala ng boyfriend mo Sharie pakilala mo naman siya sa'min oh", sabi ng mga kasamahan ko kaya napitigil kaming dalawa. Mga Epal talaga =_=
"Gusto niyo ba talaga siyang makilala?"
"OO!!!", sigaw nilang dalawa.
"Ito si Ronmart June Garcia, ang pinakamamahal kong lalaki and the one and only 'My Transferree Boyfriend'.
The END.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...