Chapter 62 Life in Death
Sharie Faye Pov.
"Uy tingnan niyo, gising na siya!", rinig na sabi ni Cherry habang nakahiga ako sa kama. Pagkagising ko, pinagkakaguluhan na nila ako habang sina Mhia at Sharmaine naman umiiyak sa sobrang saya.
"Anak, okay ka na ba?, nag-aalalang tanong sa'kin ni Nanay.
"Okay lang po ako, nasa'n ako?"
"Nasa hospital ka, sabi ng doctor konting galos lang ang natamo mo pero nawalan ka ng malay dahil sa malakas na impact sa pagkakatulak sa'yo", pagkarinig kong 'yon, medyo naalala ko na yung mga nangyari, tinulak pala ako ni Ronmart nung muntik na akong masagasaan, TEKA...
"NASA'N SI RONMART?! ANONG NANGYARI SA KANYA?! KAMUSTA NA SIYA?", tarantang pagkakatanong ko sa kanila pero tahimik lang sila at partang ayaw pa nilang sabihin sa'kin.
Tiningnan ko si Mhia, "MHIA! PWEDE BANG SABIHIN MO SA'KIN KUNG NASA'N SI RONMART, GUSTO KO SIYANG MAKITA!"
"Best, nasa emergency room siya, nag-aagaw buhay", mangingiyak na sabi niya habang hindi siya nakatingin sa'kin.
Bigla na lang akong napatakip ng bibig at pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga ko, ayokong humiga na lang dito habang nag-aagaw buhay naman yung taong mahal ko. "Mhia, tulungan mo ko dito, gusto ko siyang makita!", habang pinipilit kong makatayo pero pinigilan nila ako.
"BEST, TAMA NA! MAGPAHINGA KA MUNA!", sigaw niya sa'kin habang umiiyak siya. Hindi ko rin napigilan yung sarili kong umiyak. "BAKIT PA 'TO NANGYARI SA KANYA?! SANA AKO NA LANG YUNG NABANGGA! AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAG-AAGAW BUHAY NGAYON! AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT BUMALIK YUNG SAKIT NIYA! AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NASAKTAN SIYA NG LUBUSAN! SANA AKO NA LANG YUNG MAMATAY!!!"
***PAK!!!!***
Bigla na lang akong sinampal ni Sharmaine, "ANO BANG PINAGSASABI MO?! ***huk*** INILIGTAS KA NGA NI RONMART SA GITNA NG KAMATAYAN TAPOS GUSTO MONG MAMATAY?! ***huk*** ANONG SILBI NG PAGSASAKRIPISYO NIYA?! ***huk*** MAHAL KA NI RONMART KAYA GINAWA NIYA YUN DAHIL AYAW KA NIYANG MAWALA ***huk*** KAYA SANA MAHALIN MO RIN ANG BUHAY MO KATULAD NG PAGMAMAHAL NIYA SA'YO!!!", sabi niya habang umiiyak siya.
Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko, sa kabila ng pagmamaltrato ko, ganito pa yung nangyari sa kanya, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pagnawala siya sa'kin, "UWAAAAAAAAAAAH!!!!! HUHUHU!!! RONMAAART!!!!!", at humagulgol na talaga ako sa pag-iyak.
Mga tatlong araw ako nagpahinga sa Hospital at maya-maya ay dumating na yung doctor para kamustahin ako, "Iha, kamusta ka na?" tanong niya sa'kin.
"Okay na po, kailan po ba ako makakalabas?"
Tiningnan niya yung record ko mula sa nurse at naging masaya yung reaksyon niya, "Well, wala naman kaming nakitang injured sa x-ray mo at hindi naman grabe yung natamo mo kaya pwede ka nang umalis kung kailan mo gusto".
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
Любовные романыPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...