Chapter 36 Ba-Bye!!!
Halos napagod na ko sa pakikipaglaro kay RJ, pero siya sobrang energetic pa rin. Grabi talaga pagbata, sobrang kulit pero talagang ganyan lang sila.
Napansin namin na may bumababa sa hagdanan. Kaya napatingin na lang kaming dalawa sa kanya, guess what kung sino? Edi ang masungit kung amo.
“Oh Ronmart, Ahhhh........” ano nga ba yung sasabihin ko?
“Nasa’n si Mommy?” Ayan tuloy siya na lang ang nagtanong, bagal ko kasi...
“Nasa kwarto niya, natutulog. Bakit?”
Hindi niya sinagot yung tanong ko sa halip ay tumingin lang siya sa relo niya. Napakabato naman ng puso niya, minamadali niya siguro yung pag-uwi nila.
“Hello kuya!” sabi ni Rj sa kanya.
Nilagpasan niya lang kaming dalawa at hindi pinansin, kung nasa School lang siguro kami, kanina ko pa ‘to binatukan. Ni hindi man lang niya binati pabalik yung kapatid niya. Yan tuloy nalungkot ulit.
Pumunta siya sa silid kainan at uminom ng tubig, pagkatapos nun babalik na sana siya sa kwarto niya pero dumaan siya muna sa’min at......, ano kaya sa tingin niyo ang ginawa niya?
a.) Pinagalitan si Rj at sinigawan siya
b.) Tumingin sa’kin na parang nagagalit siya
c.) Sinira niya yung mga laruan ni Rj
d.) All of the above
Sa totoo po, None of the above yung sagot. At bakit? Ganito po kasi yun, babalik na sana siya sa kwarto niya kaso dumaan siya muna sa’min at tiningnan niya yung kapatid niya. Nakita niya na malungkot si RJ kaya,.............. Ginulo nito yung buhok niya habang nakangiti.
Nagtaka naman si RJ sa ginawa niya kaya tiningnan siya nito, “Kuya?”
Ngumiti lang si Ronmart sa kanya at alam niyo ba yung sinabi niya? “ Alagaan mo yung Mommy na’tin ha.”
“Opo!” sabi niya at niyakap niya yung kuya Ronmart niya. Akala ko bato na talaga yung puso niya yun pala may natitirang pang mamon. Tama ba yung grammar ko? Mali ata eh.
Habang nakayakap sa kanya si RJ, niyakap niya din ito ng mahigpit. Tapos tiningnan niya naman ako na nakangiti. Parang maluluha ako sa ginawa niya, ngayon lang kasi ako nakakita ng dalawang lalaki na magkapatid na nagyayakapan. A very touching scene ba ‘tong nakikita ko? Na miss niya din siguro yung kapatid niya kaya ginawa niya yun.
“Umiiyak ka ba?” tanong naman ni Ronmart sa’kin.
Agad ko naman pinahiran yung luha ko, nakakahiya naman kasi na makita niya ako na umiiyak sa harapan nilang magkapatid. “Hindi ha! Napuling lang ako.”
Ngumiti lang siya at may sinabi pa siya sa kapatid niya bago siya umalis. “Patahanin mo nga yung Ate Sharie mo, umiiyak kasi eh.”
At tinawanan lang ako ni RJ, ano ba yan! Magkapatid nga sila, ang kukulit lang talaga! Pagkapasok ni Ronmart sa kwarto niya ay bigla naman akong tinanong ni RJ na pinagtataka ko naman.
“Ate Sharie, pina-iyak ka na ba ni Kuya Ronmart?”
Ba’t niya ako tinatanong niyan? Ipagtatanggol niya ba ako sa kuya niya? Hindi naman siguro pero ba’t yan yung tanong niya?
“Uhmm... Oo eh,” habang kinakamot ko yung ulo ko.
Sa hindi ko inaasahang magiging reaksyon niya, ay ngumiti siya sa’kin. Ba’t siya nakangiti sa’kin na parang abot tenga yung ngiti niya? Kinikilabutan ako ha, ngumingiti ba siya dahil gusto akong piyakin ng kuya niya? How weird.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...