Chapter 29 The Final Plan
Sharie Faye Pov:
“Ayan na nakikita ko na siya”, sabi ko habang nakatago kami ni Mhia at Sharmaine sa gilid ng room nila para hindi kami makita ng iba niyang kaklase.
Pagkalabas niya, agad na talaga ako lumapit sa kanya. “Ronmart pwede ba tayong mag-usap?” sabi ko na nakapuppy-eye sa kanya.
Alam ko na yung susunod niyang gagawin, As usual hindi niya ko papansinin. Nasa plano na namin yan kaya kampante na ko na magagawa ko ‘to.
Pagkasabi ko nun nilampasan niya lang ako kaya hinablot ko na yung kamay niya. Alam kong titingin siya ng masama sa’kin kaya pagtingin niya binitawan ko na kaagad yung kamay niya. Pagkabitaw ko inalis na niya yung tingin niya at nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Heto na yung plano namin. “UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” ang lakas pa naman ng iyak ko nun, halos lahat ng kaklase niya nakatingin lang sa’kin pero kasama na din yan sa plano namin.
Binuhos ko na talaga lahat ng boses ko sa kaiiyak ko kaya naman, napahinto siya at nakatingin sa’kin. Pagkatingin niya nilakasan ko pa lalo para lalo siyang mataranta.
Heto kasi yung plano namin, Iiyak ako ng malakas para maraming tao ang makapansin sa’kin. Alam ko na hindi matitiis ni Ronmart na magpapa-iyak siya kaya mataranta ito. Gagawin niya lahat para mapatahimik ako para hindi siya pagtitinginan ng mga tao ng masama.
Rhea Mae Pov:
PAKSHET!!! Ang galing talaga umarte ng bestfriend ko! Daig niya pa yung mga artista na pinapanood ko sa t.v.
“Sharie! Ba’t ka umiiyak? Tumahan ka na nga.” Concern na tanong ng pinsan ko sa kanya. Kaya mo yan bestfriend, umakting ka pa para lalo siya talagang magworried sa’yo.
“Eh ikaw k-kasi hindi mo ko pinapansin, nalulungkot ako pag gumaganyan ka sa’kin, Uwaaaaaaa!!!!!” Ang galing mo talaga best! Pang best actress ka na.
Hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko habang pinapanood ko yung kadramahan ng bestfriend ko. Heto naman yung pinsan kong timongoliod, sobrang natataranta na, hindi alam ang gagawin. Buti nga sa kanya.
“Uy tumahan ka na ho, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito.” Kulang pa yan best! Magdrama ka pa!
“Uwaaaaa!!! Ayoko! Ayoko! Ayoko! AYOKO!!!!” Whahahaha!!! Lalo pa siyang nataranta. Ang galing talaga yung naisip ni Sharmaine, hangang-hanga talaga ako sa kanya! Speaking of Sharmaine, ano kaya yung ginagawa niya?
“Pfffffft!!!”, halata naman na pinipigilan niya din yung tawa niya. Sobrang mahinhin talaga ‘tong babae na ‘to, pero malaki yung utang na loob namin sa kanya ha. Kung hindi dahil sa kanya, nawalan lang talaga kami ng pag –asa.
“Please naman Sharie ho, tumahimik ka na, please lang...” Nakaka-awa naman pala tingnan yung pinsan ko kapag desperado na, pero ano kaya yung gagawin ni Sharie?
“Basta kailangan pansinin mo na ako ha?,” Ayiiieeeehh!!!! Si Bestfriend talaga ho, pinagsamantala niya pa yung pagkakataon.
“Oh sige na, sige na basta ipangako mo lang sa’kin na h’wag ka nang iiyak ha?” Oh ayan na best, papansinin ka na niya, wala ka nang problema. Problem Solve!!!
“Ibili mo muna ako ng Ice cream” Wuhaat!!!! Wala yun sa planu ha, Aba nag request pa ha, nang aabuso na siguro ‘tong bestfriend ko. Papayag naman yung pinsan ko? parang ang sama ulit yung pagkatingin niya.
“Haizzzt!!! Oo na, tumayo ka na diyan.” Awww..... yun naman pala, akala ko magagalit siya ulit.
Pagkatayo nila, sabay na kaagad silang lumakad at naiwan na lang kami ni Sharmaine na masaya. “Ang galing natin, High five!!!” at masaya na kaming umalis. Pero may pahabol pa akong narinig sa pag-uusap nila.
“Anong gusto mong flavor, Chocolate o Vanilla?”tanong ni Ronmart sa kanya.
“Vanilla na lang, yun yung paborito ko eh”.
“Vanilla? ang panget naman nun, Chocolate na lang.
“E ba’t pinapili mo pa ako?”
“Baka kasi piliin mo yung Chocolate.”Wushu!!!! Ang sweet naman nila, buti na lang at bati na sila. Ang sarap nilang tingnan pagnagkakasama, para silang magsyota. Ako kaya, sino kaya yung para sa’kin?
“Sige Mhia, aalis na ko.” Sabay kaway sa’kin habang papalayo na siya.
“Sige, salamat ulit sa tulong mo ha. Kung gusto mo sama ka na sa’min ni Sharie.”
“Talaga? Sige Salamat.” At tuluyan na siyang umalis.
Aalis na rin ako sana pero biglang may tumawag sa’kin mula sa likod.
“Mhia!”
“Oh, di ba ikaw si---“ Hindi pa ko tapos magsalita ay siya na yung tumuloy.
“Erick, kaibigan ni Sharie”
“Erick, kamusta ka na pala? May problema ba?”
“Wala naman, nakita mo ba si Sharie?”
“Umalis na eh, kasama yung amo niya.” Maliban sa pamilya ni Sharie, si Erick, ako at si Sharmaine lang ang nakaka-alam ng sekreto na tinatago-tago namin ni Sharie kaya hindi na ko nababahala na sabihin sa kanya.
“Ah ganun ba, eh ikaw pa-alis na rin ba?”
“Pa-alis na sana, bakit?”
“Ha kasi, pwedeng ba tayong lumabas?” Naks!!! napa-blush ata ako nang wala sa oras ha. Hindi ko alam kong bakit niyaya niya ako pero gusto ko rin naman. Ayieeehh!!!!
“Sure!!!” ang lakas pa yan na pagkakasabi ko ha, hindi ko pa naman gustong umuwi at tsaka para na rin makilala ko ng maayos ‘tong si Erick.
“Talaga? So tayo na, ako na rin pala magdadala ng bag mo.” Napaka-gentleman naman masyado ‘tong si Erick. Nahihiya tuloy ako sa kanya.
“H’wag na, nakakahiya naman sa’yo, mabigat ‘to”, Hindi naman mabigat yung bag ko, hindi ko lang kasi gusto na siya yung magdala kasi ngayon ko lang siya medyo kakilala at hindi pa naman kami close.
“Okay lang, ayaw ko rin naman kasi nahihirapan ka sa pagdadala.” Wushu!!!! Grabi na talaga ‘tong kilig toda Max na nararamdaman ko. Parang namumula na yata yung mukha ko ngayon.
“Sige, ikaw ang bahala.” Mapilit naman siya at wala din akong magagawa. Ang sweet naman niya, hehehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/6949645-288-k889738.jpg)
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomansPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...