Chapter 41 Love Her

1.1K 25 0
                                    

Chapter 41 Love her

Sharie Faye Pov:

Tinawag na kami ng teacher namin dahil tapos na daw ang Practical Exam namin. Habang nagtitipon kaming lahat ng mga kaklase namin, bigla na lang akong may napansin, "Nasa'n kaya si Ronmart pati na yung binabantayan niya?"

Habang nakikinig kami sa sinasabi ng titser ay bigla na lang kaming nagulat lahat at dahilan na din sa pagtigil sa pagsasalita niya dahil may lumabas na isabg batang babae na mula sa isang room habang may hawak-hawak na cellphone, Maya-maya ay may lumabas na isang lalaki na parang nakamake-up at sobrang kapal pa nagpagkakamake-up sa kanya.

"Hoy bumalik ka diyo bata ka!" sigaw niya.

"Teka si Ronmart ba yun?!" sabi ko sa sarili ko, nang nakita niya kami, bigla siyang nagulat at sinirado niya yung pintuan ng dahan-dahan.

Moment of Silence

 

 

Whahahaha!!!! Lahat kami nagtawanan! Hindi kami talaga makapaniwala na ganyan yung itsura niya, parang bakla na nasagasaan ng pison at naging ganyan ka panget yung mukha niya! Whahaha!!!! Hindi na ko makahinga!!! Whahaha!!!

Nang tapos na kami sa pagtawa, nag umpisa ulit mag announce si teacher tungkol sa mga grades namin kung mataas ba o mababa. Syempre, babae yung unang tinawag dahil marami ang babae kaysa lalaki.

"Sharie Faye Alcala, your grade is 95% passed!"

"Yahooo!!!" at nakakuha ako ng pinakamataas na score. Basta sa pag-aalaga ng bata, expert talaga ako.

At isa-isa din niyang tinawag yung pangalan ng mga klase ko pati na rin yung mga grades nila hanggang sa matapos na, at ako lang ang nakakuha ng pinakamataas na grade. Oh! Kaya niyo yun?

Tinawag niya naman yung mga pangalan ng mga boys, hanggang sa tinawag niya yung pangalan ni Ronmart. "Ronmart June Garcia", sabi ng teacher namin habang si Ronmart naman, tinatanggal yung make-up niya ng basang bimpo, "Your Grade is 95% passed!".

"Wow, dalawa lang kaming nakakuha ng pinakamataas ng Score", sabi ko sa sarili ko habang pinapalakpakan siya.

"Class, yung mga grades niyo ay hindi nanggaling sa'kin kundi sa teacher ng mga batang estudyante na binabantayan niyo. Yung kay Sharie, yung binabantayan niyang bata ay yun daw ang pinakamakulit niyang estudyante. Pero ngayon dahil sa pagbabantay niya, biglang bumait daw siya kaya mataas ang binigay sa kanyang grade."

Well, hindi ko nahalata na makulet pala siya. Para sa'kin kasi normal lang yun sa mga bata, kaya ang kailangan mo lang talaga ay ang mahabang pasensya.

"At ang kay Ronmart naman", biglang napahinto siya at napangiti sa kanya yung teacher namin. "Sobrang natuwa sa kanya yung teacher ng binabantayan niya, Class si Rowena kasi ay yun ang pinakamatahimik, nai-iba at napakamalungkot na estudyante sa kanilang klase. Hindi na nga alam ng teacher niya kung paano niya babaguhin yung ugali ni Rowena pero dahil daw kay Ronmart, nagbago na yung ugali at pananaw ni Rowena kaya malaki talaga ang pasasalamat ng teacher sa kanya sa ginawa niya."

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon