Chapter 18 A New Loveteam
"Sharie, hintayin mo muna ako dito, may pupuntahan lang ako." Sabi niya habang nagmamadali siyang umalis.
"Sige, hihintayin na lang kita dito sa bench basta bilisan mo ha."
"Sige,sige".
Saan ba yun pupunta at parang nagmamadali siya masyado? Galing kasi kami ng Gym, at magbibihis na sana kami kaso may nagtext sa kanya at yun nagmamadali na siyang umalis. Sa inip ko sa kahihintay sa kanya, naisipan ko munang magmasid. Nakita ko mula sa kalayuan si Erick na nakaupo at parang malungkot.
Nilapitan ko siya para naman matulungan ko kung may problema man siya o wala.
"Erick! Ba't ka nag-iisa dito at bakit parang malungkot ka? May problema ka ba?"
"Oh ikaw pala Shar.", mahinang pagkakasabi niya at parang wala siya sa sarili. "Wala toh, maliit lang na bagay to"
"Sabihin mo nga, maliit na bagay lang yun di' ba?"
"Ayoko nga", ano ba to si Erick, masyadong pakipot pa eh kitang kita sa mukha niya na parang ang laki ng dinadala niya.
"Heartbroken ka noh?" nang sinabi ko yun, bigla siyang nanlumo at parang nadagdagan yung bigat na nararamdaman niya. Patay heartbroken nga siya.
"Shar. mabait naman ako di ba? Ba't palagi akong sinasaktan ng mga taong mahal ko? Minahal ko naman sila at hindi naman ako nanluluko ng ibang babae, pero bakit nangyayari toh sakin?"
Parang nalungkot ako sa sinabi ni Erick, hindi ko kaagad masagot yung mga tanong niya. Naranasan ko rin yung naranasan niya ngayon pero matagal na yun. Iniwan ako ng first crush ko pero hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa nakilala ko si Ronmart at nagkaroon ako ng crush sa kanya. Siguro ngayon wala ako sa lugar para kumbinsihin siya na magmahal ulit, kasi sa pagkaka-alam ko, lalaki yung mahirap mag move on kaysa babae.
"Alam mo kasi may mga babae talaga na hindi kuntento sa isa lang, katulad din sila ng mga lalaki. Pero pag nalaman mo kung sino talaga ang karapat dapat sa'yo, sigurado mawawala ang lahat ng hapdi at sakit na nararamdaman mo mula nung una hanggang ngayon."
Ngumiti lang si Erick sa'kin at niyakap ako, kahit papa'no nawala din yung lungkot niya at unti-unti bumabalik na siya sa sarili niya, pero andiyan pa rin ang lungkot sa mga mata niya kahit pinipilit niyang sumaya.
Maya-maya ay dumating si Mhia at sinusundo ako, "Sharie, tayo na at aalis na tayo", lumapit siya sa amin at nakita niya si Erick na nanlulumo sa lungkot. "Best, sino siya?" ay hindi pa nga sila magkakilala.
"Mhia, eto pala si Erick bestfriend ko din maliban sa'yo".
"Hi Erick kamusta ka?"
Hindi siya pinansin ni Erick, parang may sariling mundo ata siya."Hoy Erick, kinakamusta ka ni Mhia, magsalita ka naman diyan," bulong ko sa kanya. "Hi", yun lang? ni hindi man lang siya tumingin kay Mhia, nakakahiya naman.
"Ano bang problema niya Sharie?" tanong na pagtataka ni Mhia sa'kin.
"Heartbroken kasi kaya nagkakaganyan siya, tulungan mo naman siya Mhia ho, kung may magagawa ka para sa kanya." Syempre concern lang naman ako sa isa kong bestfriend.
Tumayo si Mhia sa harapan ni Erick, habang si Erick naman nakayuko lang. Tiningnan lang siya ni Mhia habang nakatayo pa rin siya sa harapan niya, hinihintay niya siguro na tingnan din siya at pansinin ni Erick. Nang medyo napansin na siya ni Erick tiningnan niya din si Mhia at nagkatinginan silang dalawa.
Parang nakikita ko sa kanilang paligid na may mga nakakasilaw na liwanag. Grabi ang lakas ng dating nilang dalawa, parang matutunaw ako sa sobrang liwanag. Maya-maya nagsalita na din si Mhia sa kanya, "Erick? Okay lang yan pag iniwan ka ng taong mahal mo, di ba sabi nila pag may umalis na tao sa iyong buhay, may makilala ka ring bago? Marami pa diyang babae na mas babagay sa'yo hindi lang siya. Subukan mo lang hanapin at makikita mo rin siya."
Sa sinabi yun ni Mhia, parang hindi na makagalaw si Erick. Sobrang namangha siya siguro sa kagandahan ni Mhia at hindi niya na masarado yung baba niya. Nawala na yung lungkot niya at pinalitan ng hindi maipaliwanag na saya. Kilala ko na si Erick mula pa noong mga bata pa kami, basta gusto niya ang isang bagay o tao, palaging nakanganga siya at ang mga mata niya parang christmas light na kumikislap-kislap katulad ngayon na nakikita ko sa kanya.
Nang tapos na siyang tulungan si Erick, pinuntahan na ako ni Mhia at iniyayahan na akong umalis, "Tayo na Best".
"Sige, mauna ka na at kakausapin ko lang to sandali yung kaibigan ko." Tumingin siya muna kay Erick at sinabi, "Bye Erick!!!" nagsmile siya sa kanya at umalis na, ako naman pinuntahan ko na si Erick para magpaalam din. "Uy, parang naging semento ka na diyan at hindi ka na humihinga ha, aalis na kami".
"Sharie, sino yun?" uy himala nagsalita din, akala ko lumipad na yung boses niya at hindi na nagsasalita.
"Si Mhia yun, bakit type mo? Ayieeeh!!!" ayos toh! Pwede ko nang tuksuin si Mhia kay Erick, baka magkadevelop silang dalawa.
"Hindi ko siya type," wheee... hindi daw, e parang malalaglag na yung panga mo sa kamamangha sa kagandahan ni Mhia tapos ssabihin niya na hindi niya type? "Gusto ko siya", BOOOM!!! Yun oh!!! Akala ko hindi niya gusto si Mhia, yun naman pala lakas din ng pagtingin niya sa kanya.
"Sharie, may boyfriend na ba siya?"
"Naku, sayang meron na eh, naunahan ka", di niya alam ginu-good-time ko lang siya, ayan tuloy balik ulit sa pagiging EMO niya, hahaha!!!
"Ah ganun ba, sayang naman", naku nanlulumo siya ulit sa lungkot. "Joke lang! ikaw naman hindi na mabiro". Seryoso talaga siya kay Mhia ha.
"Totoo ba yan Shar.?" parang excited siya sa reaction niya.
"Oo, bakit parang excited ka diyan? Ano bang nakain mo?"
"Lucky Me Instant Pares lang, pwede mo ba 'kong tulungan sa kanya para manligaw?"
"Bakit ako? Di ba pwedeng ikaw lang?"
"Sige na, Pleaseeee, total ikaw naman yung bestfriend niya at tsaka madali lang sa'kin pagkinuwento mo yung mga bagay na tungkol sa kanya."
"Oo na oo na, tutulungan kita basta tulungan mo rin ako pagkailangan kita para patas na tayo okay ba yun?" Unfair naman sa'kin kung siya lang yung tutulungan ko.
"Sige sige, promise mo yan ha, tutulungan mo ako."
"Oo, promise tutulungan kita," wala na kong magagawa, pinilit ako eh. "Sige Erick, aalis na ako, hinihintay na ako ni Mhia, Bye na!!"
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomansaPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...