Chapter 19 Sickness

1.4K 26 0
                                    

Chapter 19 Sickness

"Yummy!!! ang sasarap ngayon ng mga pagkain ha", dito kasi kami ngayon sa Restaurant kasama si Ronmart at Mhia. Lunchbreak ngayon at palagi na naming kasama si Ronmart, pero hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako sa kanya.

"Ano bang meron kung bakit iba na yung mga pagkain sa Menu?" pagtatakang tanong ko kay Mhia.

"Alam mo kasi, may mga visitor's kami ngayon galing sa ibang bansa, at ito ang napili nilang Restaurant na pagkakainan nila. Kaya medyo iniba nila para naman maiba rin ang lasa nila bukod sa Filipino Dish ay dinagdagan din namin ng iba pang pangkaraniwang Filipino Style Food."

"Ganun naman pala, halos parang lahat na binago niyo sa menu parang nagustuhan ko. Katulad nitong adobo at kare-kare, napaka-filipino talaga ang dating." Sa totoo lang, gusto ko na itong bagong dish nila, bukod sa simple lang, hindi pa pangsosyal.

"Pinsan, okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi dyan tahimik." Ako rin eh, kanina ko pa napapansin na parang wala ngayon sa kondisyon si Ronmart.

"Okay lang ako", parang hindi ako sigurado kaya hinaplos ko nang dahan dahan ang ulo niya, kaya naman, "Ang init mo ha, may lagnat ka ba?"

"Wala toh, iinum lang ako mamaya ng gamot, mawawala na din 'to"

"Sigurado ka? H'wag ka na lang kaya pumasok? Baka lumala pa yang sakit mo." Nag aalala lang ako sa kalagayan niya, parang hindi na siguro kaya ng katawan niya ang pumasok pa.

"Ano ba kayo? Okay lang talaga ako."

At yun nga, nagsi-tinginan lang kami n Mhia, parang may nararamdaman kami na may masamang mangyayari. H'wag naman sana mangyari yung iniisip namin.

Ronmart June Pov:

"Ano ba 'to, ang sama na talaga ang pakiramdam ko, sana nakinig na lang ako kay Mhia at Sharie", pumasok kasi ako kahit hindi ko na kaya, ayan tuloy ito ang napala ko.

"Dude, okay ka lang? parang masama ata ang lagay mo ha."

"Oo nga tol, mag-excuse ka na lang kaya", panay ang concern nila sa'kin na hindi muna ako pumasok. Medyo kaya ko pa naman, pero ewan ko lang kung hanggang kailan.

"Hi Ronmart, pwede ka ba mamayang hapon?", ang sama na nga yung pakiramdam ko, dadagdagan pa ng babaeng ito. "Pasensya na ha, wala ako ngayon sa mood eh".

"Waaahhh... sayang naman yung ticket ko dito." Nalungkot yung babae at pumunta siya kay Sm, "Uhmm, Sm pwede ka ba mamaya?"

"Syempre naman, sino ka nga???" eto talaga si Sm, basta babae mabilis talaga at matinik. Kahit hindi niya kilala, palaging hindi tumatanggi sa mga anyaya sa kanya.

"Ewan ko sa inyo, pupunta muna ako sa clinic para humingi ng gamot." Para na rin mabawas-bawasan yung sakit ng ulo ko.

"Dude, gusto mo samahan kita?"

"H'wag na, kaya ko na 'to", tumayo na ako at pupunta na sana sa clinic kaso parang biglang dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung ano ang nangyari.

*BOOOGSH*

"Dude!!!"

Sharie Faye Pov:

"Mhia, ano nga ba yung libro na kakailanganin natin mamaya?" andito kasi kami ngayon sa library, hinahanap namin yung libro na makakatulong sa'min mamayang hapon kaso hindi namin mahanap sa sobrang dami ng mga libro na nakalagay sa bookselves.

"Hindi ko alam, basta related ata yun sa Livelihood",

*Beep beep*

Narinig ko mula sa bulsa ni Mhia na nagba-vibrate yung phone niya, hindi pwede kasi naka turn-on yung ringtone eh andito nga kami sa library at baka pagalitan kami ng librarian pag nag-ingay kami.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon