Special Chapter 2
Ito po yung pinag usapan ni Mhia at Sharmaine tungkol doon sa Wrong Subject na pinasukan niya. Nagalit si Sharmaine sa kanya dahil pinalitan nga ni Mhia yung Subject na pinili niya. Pero nagtaka ba kayo kung bakit bigla na lang nawala yung galit niya? ito po kasi ang pinag-usapan nila.
Sharmaine Pov:
“Bakit mo pinalitan yung Subject na pinili ko?! Anong dahilan mo para gawin yun?! Sabi ko na galit na galit sa kanya.
“Bago ka magalit sa’kin, ba’t may tinatago ka sa’min na sekreto ni Sharie?”
“Sekreto? Anong sekreto?”
“H’wag ka nang mag ma-ang ma-angan pa, ba’t tinatago mo sa’min na may gusto ka pala kay Max?” Pa’nu niya yun nalaman? Si Ronmart lang yung pinagsabihan ko at wala ng iba, sinabi niya ba yun sa kanya?
“Pa-Pa’nu mo nalaman yun? Sinabi ba ni Ronmart yun sa’yo?”
“Hindi, nalaman ko lang.”
“Pa’nu mo nga nalaman yun eh?”
“Naalala mo pa ba nung una kang binati ni Max kasama kami? Halos parang matutunaw ka dahil lang sa kanya, hindi ka pa nga nakipagkamayan sa kanya. Kaya inimbistigahan kita ng mabuti, at nagtaka din ako kung bakit naging close na kayo kaagad ng pinsan ko eh isang araw pa lang naman kayo nagkakilala.”
Ang talas din naman ng utak nitong si Mhia ha, hindi na talaga ako magtataka kung bakit kabilang siya sa Star Ace Section katulad namin.
“Nung nakita kitang may tinatawagan, pinakinggan ko ng mabuti at nalaman kong si Ronmart pala yung kausap mo sa Phone, at sa hindi ko inaasahan tinanong mo siya kung kamusta na si Max at kung ano yung ginagawa niya. Sa maikling salita, may secret feeling ka sa kanya tama ba?”
Ang galing niya! Ano na? Alam na niya eh, pwede na siguro akong magpakamatay. “Uhmmm...”, hindi na ko makapagsalita, alam niya naman siguro yung isasagot ko.
“H’wag ka nang magalit, magpasalamat ka nga sa’kin kasi kung hindi dahil sa ginawa ko, magiging anino ka na lang niya habang buhay.” Sabi niya with an evil smile.
“Eh kaya lang panu naman yung mga kaklase ko? Puro lalaki sila at tsaka wala akong alam sa subject na binigay mo.”
“Andiyan naman siya siguro para ipagtanggol ka di’ba? At may kutob naman akong siya ang tutulong sa’yo sa mga problema sa subject mo. Magiging magkasama na kayo araw-araw at hindi ka na magiging anino niya kahit kailan.”
Biglang nawala yung galit ko, tama lahat yung mga sinabi niya. Binigyan niya ko ng pagkakataon para mas makilala ko pa si Max, at higit sa lahat makakasama ko na siya!!! AHHHHHH!!!! Inspired na ko!!!
Yan po ang dahilan kaya h’wag na po kayong magtaka. PEACE (O_O)V TAYO!!!
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomantikPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...