Chapter 34 We’re Home
Sharie Faye Pov:
“It’s Sunday!” sabi ko pagkagising ko ng umaga. Bumangon na ko at pumunta ng banyo para maghilamos.
Nagbihis na ko ng masusuot ko para lumabas, bubuksan ko na sana ang pinto kaso bigla namang may kumatok.
Tok! – tok! – tok!
Pagkabukas ko ng pintuan, As usual yung butler lang naman. “Miss. Sharie paumanhin po sa istorbo pero kailangan niyo po maghanda ngayon.”
“Ha? Bakit po?” hindi ko alam kong bakit ako maghahanda, may bisita bang darating?
“Darating po kasi ang Mommy ni Ronmart kasama yung anak niya.”
Nang sinabi niya yun, bigla naman akong nataranta. Hindi ko pa kasi siya nakikita at hindi pa ko nakapag ayos ng sarili ko. Inayos ko na yung higaan ko, nilinis yung mga kalat at alikabok at pumunta na din sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo, pumili na ko ng isusuot kong damit. Nakita ko mula sa bintana na may dumarating na puting kotse. “Naku! Sila na nga yan siguro!” at dali-dali na talaga akong nagbihis at nag suklay. Dapat maging maganda ako sa harapan nila.
Pagkalabas ko, nakalinya na yung lahat ng katulong sa gilid ng dadaanan nila pati na yung butler. Ako naman dali-daling bumaba sa hagdanan para makalinya na din. Magkaharap kami ng butler at nakangiti lang sa’kin. Pagkabukas ng pinto biglang natulala na lang ako sa nakita ko at may sinabi silang,
“WE’RE HOME!!!”
Isang napakagandang babae ang nakikita ko sa harapan ko. Parang isang Professional Business Woman yung dating niya. Napakaputi ang kutis at mukhang strict, at may kasama siyang bata. Nang nakita ko yung kapatid ni Ronmart, Aba! Magkahawig na magkahawig yung mukha nila pwera lang sa buhok, medyo kulot kasi si Ronmart pero yung sa kanya straight at wavey. Gwapo na, sobrang cute pa! Kung magkasing edad lang kami siguro, siguradong ma-iinlove ako sa kanya talaga ng sobra.
Pagkapasok niya, napatingin siya bigla sa’kin habang nagtataka. Bakit niya ako tinitingnan, sa dinami-dami ba naman ng tao dito ako lang yung napansin niya? Napatingin na lang ako sa katabi kong maid, kaya pala ako lang yung napansin niya kasi naman lahat sila nakayuko habang ako naman nakatayo lang pwera lang sa butler.
Nang nalaman ko yun, bigla na lang akong napayuko habang nag ‘Good Morning’ ako sa kanya. Pero alam kong tumitingin pa rin siya sa’kin. Naku naman! Nakakahiya na naman yung ginawa ko. Sino ba naman ang hindi matulala kapag may nakita kang isang magandang babae sa harapan mo?
“Maligayang pagdadating po Mrs. Garcia”, biglang sabi ng butler sa kanya, kaya naman napatingin siya sa kanya.
“Salamat. Sino ‘tong magandang babae na ‘to?” ako na yata yung tinutukoy niya, naku patay! Pero teka, sinabihan niya ba ako na MAGANDA? Wheee... nagpapatawa lang siya siguro.
“Siya po yung tinanggap ni Master bilang Guardian ni Ronmart habang wala po kayo dito sa bahay.”
“Ganun ba,” at bigla niya kong nilapitan. Kinakabahan talaga ako, ano kaya yung gagawin niya sa’kin? Ipapakain niya ba ako sa lion? Pupugutan ng ulo? Paupuin sa Electric Chair? Ipagasa sa Pison? Grabi Sharie ang OA mo na talaga ha.
“Ms. Pwede ka bang tumayo?” Nakatayo naman ako ha, pwera lang nakayuko. Pagtingin ko sa kanya ng harapan, Wapak!!! Nakakasilaw siya, parang mabubulag na yata ako sa kaputian niya!
“Sumunod ka sa’kin.” at lumakad na siya para sundan ko. Nakita ko naman yung mga maid na unti unti nang uma-alis sa pwesto nila pero ang naka-agaw pansin sa’kin ay yung gwapo niyang kapatid.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...