Chapter 45 You Can Stay

1K 24 0
                                    

Chapter 45 You Can Stay

Ronmart June Pov:

Lumabas na kami ng kwarto para makapagpahinga na rin yung Nanay niya. Dumiretso na kami pababa ng hagdan at....

"BOOOM!!! SURPRISE!!!" sigaw ng kapatid niya at tatay niya.

Bumulaga sa'kin ang isang malaking lamesa at punong puno ng pagkain. "Ano bang nangyayari dito? May birthday ba?" tanong ko sa kanila.

"Mr. Ronmart, nagpapasalamat kami sa'yo at sa magulang mo dahil sa pagtulong niyo sa'min. Malaki talaga ang utang na loob namin sa inyo kaya naghanda kami para sa konting pasasalamat lang." sabi ng tatay niya sa'kin.

"Ah, ganun ba" hindi ko talaga alam kong ano yung nangyayari pero isa lang ang alam ko, "H'wag po kayong magpasalamat sa'kin. Kung may gusto man kayong pasalamatan", inakbayan ko si Sharie kaya naman siya nabigla sa'kin, "Ay yung anak niyong si Sharie, kung hindi po dahil sa kanya, hindi po ito lahat mangyayari kaya dapat sa kanya kayo magpasalamat hindi sa'kin."

Hindi ko alam kung ano yung pinagsasabi ko pero parang umubra naman eh, niyakap siya ng Tatay niya at kapatid niya. Siguro ma-swerte nga sila dahil may anak sila na katulad niya samantalang ako, hindi ko alam ang sasabihin. Oras na rin siguro para patawarin ko rin yung mga magulang ko, ayan tuloy parang maluluha na ako.

"Ronmart tara na, kain na tayo ng mga inihanda ni tatay." anyaya sa'kin ni Sharie. Busog pa naman ako eh, pero bahala na total ngayon lang din naman ako nakakain ng mga inihanda nila eh. Kaya lubus-lubusin ko na bago pa ko umalis.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami, pagkatapos nun ay naglaro kami sa labas. Yung bunsong kapatid niya kasi walang kalaro kaya sinamahan siya ng tatay niya. Si Sharie naman busy sa pag aalaga ng Nanay niya kaya minabuti ko na lang na lumabas na rin para manuod sa kanila. Nakaka-inggit nga sila mag ama eh kaya pinasali din nila ako sa laro.

Halos nag enjoy nga ako sa pakiki-bonding sa kanila. Matagal na kasi akong hindi nakaranas ng ganito kasaya, pakiramdam ko unti unti akong bumabalik sa pagiging bata. Yung laro? habulan, ang bilis nilang tumakbo pag ako ang taya, at mabilis din naman nila ako nahuhuli. Parang ang daya ah.

"Pwedeng sumali?" Napatigil muna kami sa paglalaro ng lumabas ng bahay si Sharie para makisali. Nasa harapan lang kasi namin yung bahay nila kaya makikita namin kung may pumasok ba na tao o wala.

"Kamusta na si Nanay?" tanong sa kanya ng kapatid niya.

"Natutulog na siya ng mahimbing."

"Kung ganun," lumapit ako sa kanya at pinatong ko yung kamay ko sa ulo niya, "Ikaw ang taya." pagkatapos nun kumaripas na ko ng takbo.

"Ang daya mo!" pahabol niyang sigaw sa'kin.

Kaya nagpatuloy na kami sa paglalaro. Habulan dito, takbo diyan hanggang sa mapagod na kami sa paglalaro. Grabi, ngayon lang ako ulit nakaranas ng ganito ka saya. "Mag gagabi na ah, siguro kailangan na natin pumasok ng bahay."sabi ng tatay niya.

Pagkasabi niyang yun isa isa na kaming pumasok, si Sharie naman dumiretso sa itaas para tingnan ang kalagayan ng Nanay niya, Maya maya din ay bumaba din siya para tumulong sa Tatay niya.

Gusto ko rin sanang tumulong kaso hindi din naman sila pumayag kaya napa-upo na lang ako sa Sofa nila. Habang pinapanuod ko sila napatingin na lang ako sa orasan. "Naku mag a-alas syete na pala, kailangan ko ng umalis." sabi ko sa sarili ko.

Tumayo na ko at nilapitan ko na silang tatlo, "Mr. Alcala, Sharie Cherry," at napatingin naman silang tatlo sa'kin, "Pasensya na po sa istorbo pero kailangan ko na pong umalis"

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon