Chapter 16 Friend or Foe

1.4K 27 0
                                    

Chapter 16 Friend or Foe

Nakakabagot talaga pumasok kapag lunes. Hindi ko pa rin malilimutan yung nakita kong magkasama si Ronmart at Mhia. Medyo Heartbroken nga ako eh, gusto ko na munang mag isa.

"Shar! May ibabalita ako sa'yo, tiyak magugustuhan mo 'to", na ano? Na kayo na ni Ronmart? Ayoko ko na munang marinig yung mga sasabihin niya. Siya rin naman ang dahilan kung bakit nanlulumo ako dito sa lungkot eh.

"Pasensya na Mhia, wala ako ngayon sa mood eh", sa totoo lang, hindi ko kayang magalit kay Mhia dahil isa siya sa Bestfriend ko at isa pa wala akong karapatang magalit sa kanya kasi crush ko lang naman si Ronmart eh, kaya may karapatan din siyang magkagusto sa kanya.

"Uy, ano bang nangyayari sa'yo dyan at parang nag E-Emo ka dyan? May problema ka ba?" Oo, ikaw ang problema ko, inagaw mo sa'kin yung taong gusto ko, pero syempre hindi ko 'yan sinabi :P

"Ah wala, medyo masama lang yung pakiramdam ko, kamusta pala ang lakad natin kahapon?"

"Naku, masayang masaya talaga ako nang nakilala ko siya, nagulat nga ako na siya pala yung pinsan ko, ang gwapo niya!" Yeah right, ang gwapo nga ng kasama mo, magkamukha sila ng crush ko. Hindi talaga ako nakikinig sa kanya kasi sa tingin ko nagsisinungalin siya eh.

"Sharie, ba't ganyan ka makatingin? Parang gusto mo ata akong tuklawin." Nahalata niya siguro na medyo naiinis ako sa kanya kasi nagsisinungalin siya sa'kin. Kaya inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya para hindi ko siya pansinin.

"Shar. Sabihin mo naman sa'kin ho, kanina ka pa kasi ganyan eh, may ginawa ba akong ikinagagalit mo?" sa sobrang pang iinis niya sa'kin, hindi ko mapigilan ang sarili ko at biglang napasigaw ako ng malakas at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

"GUSTO MONG MALAMAN? OO, MAY PROBLEMA AKO AT IKAW YUN!!!"

Dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko, yung lahat ng kaklase namin nakatingin sa aming dalawa. Kaya napagpasyahan ko munang lumabas ng room namin at humanap ng lugar kung saan pwede kong ibuhos ang galit ko.

Maya-maya ay bumalik na ako at tsakto namang nag umpisa na yung klase namin. Nakita ko si Mhia na nakatingin lang sa'kin at parang malungkot. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi pa lumalamig yung ulo ko sa kanya. Habang nagtuturo yung titser namin, may inabot siyang isang maliit na papel .

"BEST KITA TAYO MAMAYA SA CANTEEN", yun yung nakasulat sa papel, tiningnan ko siya pero hindi siya tumitingin sa'kin. Tinago ko yung sulat niya sa bulsa at nagpatuloy na kong nakikinig sa titser.

Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako kaagad sa canteen dahil hinihintay na siguro ako dun ni Mhia. Alam kong masama ang ginawa kong pagsigaw sa kanya kaya mabuti na rin to para makapag usap kaming dalawa.

Nakita ko siya na naka-upo sa isang bakanting table at alam kong ako lang yung hinihintay niya. Medyo konti lang yung tao kaya dito niya siguro napili para makapag-usap kami ng masinsinan.

Pag-upo ko, hindi ko siya pinansin at tiningnan niya lang ako."Shar. may gusto ka bang orderin? Ililibre kita", anyaya niya sa'kin. "PWEDE BA MHIA, MAGDIRETSUHAN NA TAYO ANO BANG KAILANGAN MO?!"

Dahil sa takot niya, nanginginig siya sa pagsasalita at parang mangingiyak na siya sa tanong niya. "S-Shar. Ano bang naging kasalanan ko at bakit ganyan ang galit mo sa'kin?"

"Magsabi ka nga ng totoo sa'kin Mhia, yung totoo ha nagkita ba talaga kayo ng pinsan mo noong sabado?" isang maling sagot mo lang Mhia, magwa-walk out talaga ako.

"Uhmm... Oo",mahinhin niyang pagkakasabi sakin. Wrong answer. "Eh kung nagkita nga kayo, anong ginagawa niyo ni Ronmart doon sa Mall?"

Nang marinig niya yun bigla siyang nagulat. "Nakita mo kaming dalawa?"

"So ano? Aamin ka na na nagdate kayong dalawa?", hindi ko na hinintay yung sagot niya at umalis na ako kaagad sa kina-uupuan ko. Habang palakad ako papalayo sa kanya, biglang may narinig ako sa sinabi niya.

"Pinsan ko si Ronmart",

Mahina lang yung pagkakarinig ko kaya tumingin ako sa kanya at nagtanong, "Anong sinabi mo?"

Tumingin siya sa'kin at inulit yung sinabi niya. "Sharie, si Ronmart siya pala yung pinsan ko na hindi ko pa nakilala." Parang gulong-gulo na na yung utak ko sa kaiisip, hindi ko na alam kung paniniwalaan ko si Mhia sa pagkakataong ito. Baka sinasabi niya lang yan para hindi kami mag away.

"Mhia, ayaw ko ng mga ganyang biro ha", parang mangingiyak na ako sa mga sinabi ko kanina na masama sa kanya at sinigawan ko pa siya kanina sa klase. "Totoo Sharie, nang sinabi ko na makipagkita kami, doon sa Mall ang tagpuan namin. Pagkatapos nun, hinintay ko siya doon at nagulat na lang ako na si Ronmart pala yung pinsan ko."

Tumutulo na yung luha ko nang sinabi yun ni Mhia sa'kin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya at parang nanghihina ako. Nilapitan ako ni Mhia at niyakap. Pagkayakap niya sa'kin, doon na ako humagulgol ng iyak.

"Uwaaaaaah!!!! Sorry talaga Mhia at pinag-isipan kita ng ganyan. Sorry talaga sa lahat ng inasal ko sa'yo, alam ko naman na hindi mo yan magagawa sa'kin pero di ko talaga mapigilan yung sarili ko na mag-isip ng ganyan. Patawarin mo ko sa nagawa ko sa'yo, Please...." basang basa na yung balikat niya dahil sa mga luha ko, sobrang na-guilty talaga ako sa ginawa ko at hindi ko na mapigilang umiyak.

"Okay lang sa'kin Best, kasalanan ko rin naman kasi hindi ko kaagad sinabi sa'yo. Pasensya ka na at ngayon ko lang sinabi. Sasabihin ko rin sana eh kaso parang mainit yung ulo mo kaya pinagpaliban ko lang muna." Sabi niya habang yakap-yakap niya pa rin ako. Ayaw kong bitawan si Mhia sa pagkakayakap ko, hanggang sa wala nang luhang tumulo sa mata ko at doon na ko tumigil.

"Alam mo Shar. may sasabihin pa ko sa'yo," sabi niya na nakangiti sa'kin.

"Ano yun Mhia?"

"Alam mo pinagku-kwentuhan ka namin ni Ronmart", nung sinabi niya yun, biglang namula yung mukha ko, lalong lalo na na ako yung pinag-uusapan nilang dalawa. "Uy, Mhia ano yung pinag-usapan niyo?"

"Secret" at ngumiti siya sa'kin na nakakaloko.

"Mhia naman eh, sige na"

"Pag-iisipan ko" at umalis na siya. Teka ba't umalis siya? Ba't niya ko iniwan? "Uy, Mhia huwag kang umalis".

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon