Chapter 60 My Dark Knight and Prince Charming
Ronmart June Pov.
"Sige tol, a-alis na kami", sabi ni Jof. at isa-isa na silang nagsipagsakayan ng mga kotse nila, maliban lang kay Johnny naka-motor, hindi niya taste siguro ang sumakay ng kotse =_=.
Nakita ko kanina si Sharie na nakasandal sa gilid ng room namin kaso hindi ko naman siya malapitan dahil sa kanila, ewan ko ba kung nakita niya yung perform namin ni Scarlet kanina, sana naman hindi siya magtatampo sa'kin pagnakita nga niya.
Habang papalakad ako papunta sa Parking lot, nakita ko si Sharie na may kausap siyang isang lalaki, at naka-all white pa na ngayon ko lang din nakita, "Siguro kakilala lang niya", sabi ko sa sarili ko, pero ang nakakagulat lang, BA'T NIYA NIYAKAP ANG GIRLFRIEND KO?!!!!
"SINO YAN?!", sigaw ko sa kanila kaya naman laking gulat ni Sharie nung nakita niya ako.
"Ronmart!!!", sigaw sa'kin ni Sharie pero hindi ko siya tiningnan sa halip nakatingin lang ako sa lalaking kausap niya.
"Ah Ronmart, si Mark pala.", pakilala ni Sharie sa'kin sa kanya, "At Mark, si Ronmart BOYFRIEND KO".
Nung marinig yun ni Mark, parang nagulat siya at hindi makapaniwala. "Boyfriend mo 'to?!", turo niya sa'kin habang nakatingin siya kay Sharie.
Aba! parang inaasar ako nito ha!, "Bakit tol? may problema ka?", pang-aasar ko din sa kanya.
"Wala naman tol, baka ikaw meron", sabi niya habang pangiti-ngiti siya sa'kin. Sinusubukan yata ako nito, ma-try ko nga kung saan ang kaya nito.
"Uhmmm... babe?", sabi ko kay Sharie kaya naman napatingin siya sa'kin, "Ano yun Ronmart?", pagtatakang tanong niya.
"Saan mo 'to nakilala itong MUSMOS na 'to? Kawawa naman siya...", sabi ko sa kanya habang nginingitian ko 'tong kumag na lalaking 'to.
"SINONG MUSMOS?!, PINARIRINGGAN MO BA 'KO?!", galit na sabi niya.
"BAKIT?! SINABI KO BA PANGALAN MO?!".
"EH LOKO KA PALA EH! ANONG GUSTO MO? AWAY HA?!", aba, hinahamon ako nito ha!
"BAKIT LALABAN KA?! HA?!", mag-uumpisa na sana kami kaso bigla namang pumagitna si Sharie para awatin kaming dalawa.
"Wait! wait! WAIIIIT!!!!", sigaw niya at tiningnan kaming dalawa, "Pwede bang tumigil na kayong dalawa!"
Tiningnan niya ako at hinigit ako papalayo sa kanya, "Ronmart!, pwede bang pumasok ka na muna? kakausapin ko lang siya."
"Ano pa ba yung pag-uusapan niyong dalawa?", sabi ko habang pinipilit niya akong pinapasok sa kotse.
"BASTA PUMASOK KA NA NGA!!!"
"TSK!", yun na lang ang sinabi ko at tuluyan na nga akong pumasok, pero siya naman kina-usap niya muna yung kumag na lalaking yun.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomansaPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...