Chapter 48 Fight
Sharie Faye Pov:
"Mhia, Sharmaine aalis na ko, Gud luck na lang sa last subject niyo ha." Sabi ko sa kanila habang hahakbang na ko papalayo.
"Teka Sharie, ihahatid na lang kita, mag uumpisa pa naman yung klase namin ng 30 minutes di ba?" sabi sa'kin ni Sharmaine.
"Oo nga pala, sige Mhia aalis na kami, Bye!"
"Sige ingat ka din" sabi niya habang naglalakad na kami papalayo.
Hinintay muna namin si Ronmart sa labas hanggang matapos na yung klase nila, andito lang kami sa harapan ng room nila habang nakasandal naman yung likod namin sa isa pang Room. Isa isa na silang lumabas at nakita ko na si Ronmart na magkasabay silang lumabas ni Max.
Lalapit na sana si Ronmart sa'kin kaso inunahan naman siya ni Max, "Hi Sharie, kamusta ka na? alam mo na-miss kita."
Mapagbiro talaga itong si Max, "Ikaw talaga, mahilig kang magbiro. Palagi naman tayo nagkikita, kinakamusta mo pa nga ako araw araw tapos nami-miss mo ko? Ayos yung trip mo ha." tapos nagtawanan na lang kaming dalawa.
Habang nagkukwentuhan kaming dalawa, hindi ko naman maiwasan tumingin kay Ronmart at tsaka kay Sharmaine. Ang saya din nilang nag uusap parang nakaramdam ako ng lungkot. Pero nang biglang pinisil ni Sharmaine yung pisngi ni Ronmart, doon na talaga ako nagtampo.
"Pasensya na Max ha, pero kailangan ko na talagang umalis" alam ko mali palagi yung ginagawa ko kay Max at ina-amin ko yun. Pero masisisi niyo ba ako? kayo kaya, pag may kasama yung gusto mong lalaki na ibang babae at bestfriend mo pa, at ang malala pa napaka sweet nilang dalawa, hindi ka ba makakaramdam ng selos?
Umalis na talaga ako sa kinatatayuan ko at iniwan ko na doon si Ronmart, magsama sila ni Sharmaine. Pero deep inside may heart, nasasaktan talaga ako ng sobra lalong lalo na na malapit na yung loob ko sa kanya.
Pagka-alis ko, hinabol talaga ako ni Ronmart kaya binilisan ko pa yung paglalakad ko. Kaso naabutan niya pa ako, nakakainis naman. "Teka Sharie, bagalan mo naman yung paglalakad mo." sabi niya habang hinihingal siya.
Hindi ko lang siya pinansin at naka-isip na ko ng paraan para hindi kami magkasabay umuwi. Naglakad ako sa ibang deriksyon para maguluhan yung isip niya. "Teka Sharie, magso-shortcut ba tayo?" pagtatakang tanong niya sa'kin.
Balak ko sana siyang iligaw pero hindi naman siya mawawala dahil alam ko lahat ng pasikot sikot dito at pwede naman siyang magtanong kung saan ung deriksyon papunta sa'min.
Medyo nasa kalagitnaan na kami ng daan kung saan tao lang ang dumadaan at hindi sasakyan. Gulong gulo pa rin yung isip niya dahil hindi niya talaga alam kung saan kami pupunta. Nang nakakita na ko ng pagkakataon na hindi siya nakatingin sa'kin ay kumaripas na talaga ako ng takbo."Teka!" sigaw niya sa'kin habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...