Chapter 43 Bad News
Sharie Faye Pov:
Mga ilang araw na din ang lumipas bago pa man sinagot ni Mhia si Erick at hanggang ngayon going strong naman ang relasyon nilang dalawa.
" Sharie! may extra ballpen ka ba diyan? naiwan ko kasi yung akin sa bahay. "
" Oh heto " sabay abot ko sa kanya yung ballpen ko. Sabado kasi ngayon at syempre makakasama ko na naman ang napakagwapong masungit pero mabait kong amo. Alam niya na tungkol dun sa relasyon nina Mhia at Erick. Ang pinagtataka lang niya eh bakit namaga yung pisngi niya kaya hindi na lang namin sinagot.
" Ang ingay mo naman diyan, sino bang kausap mo?" pagrereklamo niya.
" Wala! " Tsk! makabalik na nga. Nakakainis naman 'tong amo ko."
Ang naging topic namin ngayon ay kung paano mag alaga ng may sakit. At alam ko na siguro kung saan kami pupunta kapag practical na namin. Maitanong ko sa inyo, saan ba ina-admit o pumupunta yung tao kapag may sakit siya??? Oh parang alam ko na yung sagot niyo ah? Pwes mali kayo! sa Albularyo!!! Whahaha! Joke lang, tama yung iniisip niyo, sa Hospital nga.
Tinuro sa'min kung ano yung dapat namin gawin. Katulad na lang na kapag may lagnat yung isang tao. Binigyan kami ng procedure ng mga dapat naming gagawin. Kung yung babantayan namin ay may ganun ding sakit, magagamit namin yun at hindi na kami mahihirapan.
Pagkatapos ng klase ay umuwi na kami ng bahay, halos sumakit ata yung ulo ko dun ha. Si Ronmart naman, pagkatapos niyang magbihis ay pumunta na sa living room para magbasa ng libro. Nakakapanibago nga kasi hindi na siya nagkukulong ng kwarto niya.
Nang nakita ko na nagbabasa siya, bigla naman akong na-curious kung ano yung binabasa niya.
" Anong binabasa mo? "tanong ko sa kanya.
" Libro, alangan naman komiks. tsk! "
Napakapilosopo talaga niya, parang ayaw niya ngang ipabasa sa'kin eh. Pero sinilip ko naman yung title ng libro, ' That monster is my Girlfriend? ', maganda ata yun ah. Coming soon na po yan, pagkatapos ng story kong ito V(^_^)V
" Uy, pabasa naman ako oh. " sabi ko sa kanya na naka puppy eye.
" Ayoko nga!!! "
" Ang damot mo naman, sabihin mo na lang kaya yung istorya para matahimik na ko dito. "
" About a Guy, na takot magmahal ng babae. Nag aaway yung isip at puso niya kapag nagmahal siya, kaya palagi siyang iniiwan. Pero isang araw may nakilala siyang babae kung saan diyan siya natutong magmahal. Yan yung story niya, okay na ba sa'yo yun? "
" Akin na yang libro na yan. Gusto ko nang basahin! sabi ko sa kanya habang pilit kong ina-agaw yung librong hinahawakan niya.
" Ayoko nga, sabi mo tatahimik ka kapag sinabi ko sa'yo yung istorya. Ba't ngayon parang naa-addict ka na? "
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...