Chapter 5 A Little Big Disaster
Habang kumakain kami ng inorder namin, napatingin ako ng sandali sa anim na naggwa-gwa---este sa taga ALPHA Section, anu ba yan nadi-distract kasi ako sa kanila >_
Nang natapos na kaming kumain, lumabas na kami ng Restaurant at babalik na sana sa School nang biglang nakaramdam na hindi ko ina-asahan, NAIIHI AKO...
"Mhia, magsi-CR muna ako, mukhang hindi ko na talaga kaya eh"
"Sige bilisan mo lang, hihintayin ka lang namin sa kotse"
Agad naman akong bumalik at hinanap yung Comfort Room, Punta dito punta doon yung ginawa ko pero hindi ko pa rin mahanap.Buti na lang may Janitor akong nakita.
"Mamang Janitor, saan po yung CR?"
"Sundin mo lang yung deriksyon na yun tapos kumaliwa ka" sabay turo nya ng direksyon.
"Salamat po"
At sa wakas tapos na rin akong mag JINGLE, buti na lang naka abot ako.
Mula sa kalayuan, nakita ko si Mhia at ang ibang kasama niya na naghihintay sa akin sa labas.
"Naku, nakalimutan ko, hinihintay pala nila ako". Medyo napatagal kasi ako sa paghahanap ng CR eh, kaya ayun nagmamadali na akong makalabas ng Restaurant. Naglakad ako ng mabilis na medyo natataranta. Kitang kita ko kasi sa mga mukha ng mga kaibigan nya na medyo naiinip na sa kahihintay eh, nakakahiya naman.
Sa sobrang pagmamadali ko, biglang....
PAK!!!!
sumunod na yung...
BOG!!!
KLANG!!!!
and the last......
TOK!!!!
Alam nyo ba kung anong nangyari, ganito lang naman eh.. Una natapilok ako, tapos nun na Out of Balance ako kaya nabangga ko yung waiter, and the LAST but not the least natapon ng waiter yung hinahawakan niyang tray na may dalang pagkain sa isang bagong estudyanteng taga ALPHA, Walang iba kundi si RONMART JUNE GARCIA!!! Yeheyyyyyyy!!! palakpakan!!!
Ito na siguro yung pinakamalas at nakakahiyang nagawa ko sa buhay ko, MABUHAY KA SHARIE!!!! MABUHAY!!!!
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
Roman d'amourPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...