Chapter 27 A Plan
Sharie Faye Pov:
Pagkatapos ng klase, pinuntahan ko na kaagad ang Room ni Ronmart para matingnan kung okay lang siya. Nakita ko siya na nakaupo lang nakikinig sa professor niya.
Medyo nakahinga na ko ng maluwag, pero teka dapat hindi niya ko makita o di kaya’y ng mga kaklase niya. Sigurado magagalit yun sa’kin.
“Ms.... May kailangan ka ba sa loob?” Naku patay, nakita ako ng isa niyang kaklase.
Tumingin ako sa kanya na parang kinakabahan, “Naku wa-wala sige aalis na ‘ko.”
“Teka, di ba ikaw yung bagong guardian ni Ronmart?” Naku!!! Pa’nu niya alam na guardian nga ako?, sigurado pagagalitan na ako nito mamaya.
“Pa-paano mo nalaman?” hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko. Alam na niya baka ipagkakalat niya pa.
“H’wag kang mag-alala, kinuwento ka na sa’kin ni Ronmart at tsaka sabi niya sekreto lang namin yun magkakaibigan.” Ligtas na ko, ganun naman pala. Medyo kilala ko ‘tong kaklase niya kasi isa ito sa mga kabarkada ni Ronmart.
“Di ba ikaw si Johnny? Yung kinatatakutan dito sa Campus?”
“Yup! ako nga, gusto mo bang tawagin ko si Ronmart para sa’yo?”
“Naku h’wag na, pa-alis na nga ako eh. At tsaka wag mong sasabihin sa kanya na nakita mo ako ha?!”
“Bakit?”
“Basta! Mangako ka na hindi mo sasabihin sa kanya! Magpromise ka.”
“Oh sige”.
Aalis na sana ako kaso may pahabol pa siyang sinabi sa’kin. “Alam mo naging tahimik na siya mula pa kaninang umaga, kung nag away man kayong dalawa. Dapat kailangan niyong mag-usap bago mahuli pa ang lahat”
Parang pinana yung puso ko sa sinabi niya, pati ba naman siya nahalata na din sa mga kinikilos ni Ronmart. Pagtingin ko sa kanya, pumasok na siya at pumunta na sa upuan niya.
Tama yung sinabi niya, kasalanan ko kung bakit bumalik na yung dating ugali ni Ronmart. Siguro ito na yung oras para gawin yung mga sinabi ni Mhia.
Ano nga ba yung sinabi niya? ***ISIP*** ***ISIP***
Ting! Ting! Ting!
Naalala ko na! PLAN A, Dapat kulitin ko siya hanggang mapansin niya ako para makahingi ako ng Sorry sa kanya.
Pagkatapos ng klase niya, sakto naman nag-iisa siya kaya may pagkataon na kong makalapit sa kanya.
“Hi Ronmart!!! kamusta yung klase mo? Okay ba? May mga Assignment ka ba? Gusto mo ako nang gumawa? Gutom ka ba? Ipagluluto kita” hindi naman ako marunong magluto =_=. Alam ko parang timang lang ako sa ginagawa ko pero wala akong paki basta mapansin niya lang ako.
Nilagpasan niya lang ako at hindi pinansin, Alam ko naman na yun ang gagawin niya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sharie, kaya mo ‘to! GO!
“Uy, Ronmart magsalita ka naman ho,” hanggang sa makarating na kami ng kotse, panay pa rin ang pangungulit ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Nagsuot siya ng headphone para hindi niya ako marinig. Napaka talaga ‘tong lalaking ito, pero hindi ko siya masisisi sa ina-asal niya ngayon.
Nang nasa bahay na kami, ganun pa rin ang sitwasyon namin. Patuloy pa rin ako sa pagsasalita habang siya naman hindi ako pinapansin. Sa sobrang inis ko, hinablot ko yung headphone niya para matanggal, “Pwede ba, paking------“ hindi ko na maituloy yung sasabihin ko kasi biglang tumingin siya sa’kin at parang nagsisitayuan lahat ng balahibo ko.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...