Chapter 59 First Love?

1K 23 0
                                    

Chapter 59 First Love?

Sharie Faye Pov.

1 week after ng laban namin ni Scarlet ay back to normal na ang lahat, well not really, naging Popular na kasi ako sa School at nagkaroon na din ako ng maraming kaibigan. Usap-usapan din na nagkaroon daw ng dayaan sa pagitan ng paglalaro namin kaya ako na yung nagConfirm na walang dayaan ang naganap for the sake of Scarlet pati na rin sa pangalan niya.

***kriiiiiiiiiing!!!!***

"Sino kaya 'tong tumatawag?", sabi ko habang nakatingin ako sa cellphone ko, unknown number kasi yung nakalagay.

"Hello?", sabi ko ng mahinhin.

"Yow! Sharie kamusta ka na?!"

"Eh?! Sino toh?!", tanong ko sa kanya pero parang pamilyar yung boses niya. Parang narinig ko na 'to dati pero hindi ko maalala.

"Si Mark 'to, hindi mo na ba ako nakilala?".

"Sinong Mark?, Mark Hueraz?!", sabik na pagkakatanong ko sa kanya.

"TANGEK!!! Ako toh si Mark Santillan yung kababatang kaibigan mo, hindi mo ba ako naalala?".

Biglang napa-isip ako, sino kayang Mark na 'to at bakit kilala niya ako?, "Sorry, wrong number!".

"W-Wait!", sabi niya at pinatay ko na yung phone ko. Wala talaga akong kilala na 'Mark' na pangalan eh pero bakit pamilyar yung boses niya? ang weird.

Paglunch naming anim, biglang pumasok na naman ang pangalan ng lalaking yun na naka-usap ko kanina sa Phone, "kababata ko daw?", matanong nga si Erick, siya lang kasi nakaka-alam nung bata pa kami eh.

"Erick!", pagkasabi ko nun, tumingin siya sa'kin. "Kilala mo ba si Mark?"

"Mark? sinong Mark?", pagtatakang tanong niya habang iinom na sana siya ng juice niya.

"Ewan ko, Mark Santillan daw yung pangalan niya eh."

***PRUUUUT***

Ano ba yan! parang nagiging hobby na niya yung pagtapon ng ini-inom niya ah, ayan tuloy napatingin kaming lahat sa kanya, "Si Mark?! M-Mark S-Santillan?!", nanginginig na tanong niya.

"Oo, bakit kilala mo?".

Tumingin siya sa'ming lahat pero hindi siya makatingin kay Ronmart na para bang may tinatago siya sa sa'kin, "Ah wala, wala akong kilalang Mark", at bumalik na siya sa pinagkakainan niya.

Hmmm... ano kayang tinatago ng mokong na 'toh?

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kaming lahat sa School at pumunta na rin sa mga Classroom namin pero sinabihan ko muna sina Mhia at Sharmaine na mauna na lang sila kasi may gagawin lang akong importante.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon