Chapter 17 A Nice Conversation
Sharie Faye Pov:
Ano ba naman si Mhia, hindi ako mapakali sa sinabi niya kanina na may surprise daw siya sa'kin. Ano kaya yung surprise niya? Excited na talaga ako, baka ilibre niya ako ng pagkain, ay teka sawa na pala ako sa mga pagkaing nililibre niya. Ano kaya? Damit? Hindi naman siguro. Hmmmm....
Dito kasi ako ngayon sa bahay, sinasagutan lahat ng assignment ko, pero hindi ako maka-concentrate kasi kanina pa gumugulo sa utak ko yung sinabi sa'kin ni Mhia.
"Sharie, maghapunan na tayo! Mamaya mo na lang yan sagutan yung assignment mo!" sigaw ni Nanay mula sa baba.
"Opo Nay! Pababa na po!" ano ba yan, kahit gabi nagsisigawan pa rin kami.
Pagbaba ko dumeritso na kaagad ako sa kusina at nakita ko silang nag-uumpisa nang kumain.
"Kamusta ang pag-aaral natin anak?"
"Okay lang po Nay, matataas pa rin po yung mga grado ko." Well mula pa nung first year, matataas na talaga yung mga grades ko. Kahit hindi pa ako star section noon, isa pa rin ako sa pinakamatalino sa buong kaklase namin.
"Cherry, mamaya na yang pagtitext mo, nasa gitna tayo ng pagkain." Nakita kasi ni Nanay ko yung kapatid ko na nagtitext, kaya ayun pinagsabihan.
"Pasensya na po Nay, heto kasing unknown number eh, panay text sa'kin di ko naman kilala." Ayan yung kapatid kong masungit. Matalino din siya sa klase nila ang kaso lang, malaki yung galit niya sa mga lalaki. Palibhasa kasi iniwan ng first love niya kaya naging ganyan na siya.
"Baka naman admirer mo yan, Uy si bunso may nanliligaw na sa kanya.... Ayiiiiieeh!!!"
"Ate naman eh!!! "
"Uy uy uy, tama na yan, unahin nyo muna yung pag-aaral n'yo bago ganyan, okay lang naman sa'kin kung si Ate Sharie mo, total matataas naman ang grade niya at dalaga na siya."
"NAY NAMAN!!!". At nagtawanan na lang kami.
"Mhia, anong surprise yung sinabi mo sa'kin kahapon? Halos hindi ako makatulog kagabi sa kaiisip, ano ba talaga yun?" Andito kami ngayon sa room, recess na kasi namin kaya nagkukwentuhan muna kami bago dumating yung titser namin.
"Kapag sinabi ko ba sa'yo, magiging surprise pa ba ang tawag dun?"
"Ano ba talaga yun at naisipan mo pa akong e-surprise?"
"Basta, pagkatapos ng klase, punta muna tayo sa canteen pwede ba?"
"Pwede", ano ba naman si Mhia, hindi ako mapakali dito. Ano bang pumasok sa isip niya at naisipan niyang surpresahin ako.
Nang lunchbreak na, pumunta na nga kami ni Mhia sa canteen. Ewan ko ba kung ano gagawin namin dun at excited siya. "Mhia, anong gagawin natin dito?" inip na sabi ko sa kanya, medyo kanina pa kasi kami dito naghihintay pero hindi ko naman alam kung sino yung hinihintay namin.
"H'wag kang mainip, oh ayan na 3, 2, 1" sabi niya habang tinitingnan niya yung relo niya.
And Boom it became KOKO KRUNCH!!!! <(O.O)>
Joke lang, well ganito lang yung nangyari. Habang naghihintay kami, may pumasok na isang nakakasilaw na nilalang. Biglang nag-slow motion ang lahat nang nakita ko na papalapit siya sa amin ni Mhia.
Yung mata ko, papalaki nang papalaki. Yung mukha ko parang ewan lang at parang namumula na ko sa sobrang kaba.
Tumayo si Mhia at pinakilala sa'kin yung hinihintay namin mula pa kanina. "Sharie, I want you to meet my cousin, Ronmart June Garcia" eto din pala ang surprise ko sa'yo.
Hinigit ko yung kamay ni Mhia at bumulong sa kanya, "Ano ka ba Mhia,alam mo naman na kilala ko na siya eh, ba't mo naman pinakilala siya ulit sa'kin?"
"Ano ka ba best, pinakilala ko siya kasi new cousin ko siya, at para na rin hindi ka na magselos sa'ming dalawa." At ngumiti siya sa'kin. Ano ba naman si Mhia, binalik niya pa yung gusto ko nang kalimutan.
Tiningnan ko lang si Ronmart, halos matutunaw na ako sa mga tingin niya at nabigla na lang ako sa sumunod na nangyari. Hinaplos niya yung buhok ko at ngumiti sa'kin. "Kamusta ka na Sharie? Alam mo na-miss kita, sorry pala ngayon lang tayo nagkausap muli, medyo naging busy kasi ako at ----" hindi ko na pinatapos yung pagsasalita niya ay bigla ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko kung bakit ko yun ginawa pero bigla na lang ako umiyak sa pagkakayakap ko sa kanya.
"UWAAAAAA!!!! Alam mo na-miss din kita, hindgbgbfalkfdlkgnjhndgkagkhdkfa" halos hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi ko dahil sa kaiiyak ko, siguro nabigla din si Ronmart sa ginawa ko pero bahala na.
"Pinsan, pina-iyak mo ba to" tanong ni Ronmart kay Mhia.
"Naku hindi ha, siya nga yung may gus----" , hindi niya tinapos yung pagsasalita niya kasi tiningnan ko siya na naka-puppy eye para hindi niya sabihin na nag-away kaming dalawa dahil sa kanya."Nevermind na nga lang."
"Tumahan ka na Sharie, alam mo panget sa babae ang umiiyak." Inalis niya yung luha ko sa pisngi ko at hinawakan niya yung kamay ko. Halos parang sasabog na yung puso ko dahil sa kanya. Medyo nakakakilig kasi yung ginawa niya eh...
"Tama na nga yang kadramahan mo best, maglunch na nga tayo gutom na kasi ako dito." Napaka-epal naman toh si bestfriend, ngayon ko lang nga si Ronmart naka-usap tapos aalis na kami, nakaka-sad ko naman.
"H'wag kang mag-alala best, sasama na sa'tin si Ronmart tuwing magla-lunch na tayo"
"Talaga best??" hindi ko namalayan na andiyan pala si Ronmart sa tabi ko, ayan tuloy nahihiya ako sa kanya.
"Bakit ayaw mo?"
"Heto naman si best ho, syempre gusto ko",bulong ko sa kanya. Parang ang landi-landi ko tuloy.
Edi tara na. At naging kasama na nga namin si Ronmart tuwing may pinupuntahan kami ni Mhia, syempre pinsan siya ni Mhia at pinagsabihan siya na dapat bantayan niya daw si Ronmart pag may kasalalang ginawa.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
Roman d'amourPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...