Chapter 21 Financial Problem
"Ano 'tong nababalitaan kong nagkasakit daw ang anak ko?!" Kagagaling ko lang sa Korea dahil sa business trip tapos pagdating ko dito, yun na kaagad ang mababalitaan ko?!
"Opo Master, pero magaling na po ang Young Master dahil po sa kaibigan niyang babae na tumulong at nag-alaga sa kanya hanggang sa paggaling niya."
"Babae? May pinapapasok ba kayo dito kung sinu-sino?"
"Pasensya na po Master, pero bisita po siya ng Young Master kaya wala akong magagawa kundi papasukin siya."
"May litrato ba kayo ng babaeng iyon?"
"Opo Master, eto po yung litrato niya." At binigay nga sa'kin ng butler ko yung litrato ng babae. "Gusto kong malaman ang Family background ng babaeng ito, at dalhin niyo siya sa'kin sa lalong madaling panahon! Maliwanag ba?!"
"Masusunod po Master"
Sharie Faye Pov:
"Andito na po ako--- NAY!!!, BA'T PO KAYO UMIIYAK?" Galing kasi ako sa school, pag uwi ko, nakita ko si Inay na umiiyak sa lamesa.
"Yung Tatay mo kasi anak nakakulong ngayon, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pampyansa sa kanya." Sabi niya habang humihikbi siya sa kaiiyak. Mabait naman si Tatay ha, ba't nila siya pinakulong?
"ANO PO BA KASALANAN NI TATAY?! BAKIT SIYA NAKAKULONG NGAYON?!"
"Ang dami na kasi ng utang ng tatay mo, nagreklamo na yung pinagkaka-utangan niya kaya siya pinakulong." Hindi ko alam na umu-utang pala si tatay para lang ipangtustos sa mga pangangailangan namin. Parang maluluha ako sa mga sinabi ni Nanay, hindi ko kayang makulong yung tatay ko!!!
"BA'T NGAYON LANG PO NINYO YAN SINABI SA'KIN?! HALI NA PO KAYO, PUNTAHAN NATIN SI TATAY!!!" parang hindi ako mapakali ngayon, gusto kong makita si tatay, kailangan niya kami ngayon, kailangan ko siyang makita.
"H'wag sa ngayon anak, tapos na kasi ang oras ng pagbisita, baka hindi ka papasukin dun ng mga pulis, sa ngayon mag-iisip muna ako kung saan ako kukuha ng pera para makalabas na yung tatay mo." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at parang nanghihina yung pakiramdam ko, wala man lang akong magawa para matulungan ni nanay. Ano bang magagawa ng isang katulad ko para makahanap ng pera??
Kina-umagahan, hindi pa rin mawala yung problema ko kung pa'nu ko matutulungan si Nanay para makahanap ng pera. Nakita ko si Mhia na papasok pa lang sa gate, Kung hihiram kaya muna ako ng pera kay Mhia? TAMA! tapos babayaran ko na lang siya pagnaka-ipon na ko.
"MHIA! MHI---- " hindi na ko makasigaw nang may tumakip sa bibig ko at may naggapos ng buo kong katawan gamit ang mga braso niya para hindi ako makagalaw. "SKHM KAJHF? ANUGF KAUJAHGAN NUYR SA'HUN???" ("SINO KAYO? ANONG KAILANGAN NIYO SA'KIN???")
Halos kinaladkad ako papunta sa kotse, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa tabi ko ang dalawang naglalakihan lalaki na parang Mafia yung dating. Natatakot na ko baka anong gawin nila sa'kin. Kikidnapin ba nila ako? Kidnap for ransom ba 'to? H'wag naman sana, mahirap lang kami at tsaka may problema ako ngayong dinadala. UWAAAAAAAA!!!!!
Maya-maya, pinababa na ako sa isang malaking Mansion, "Teka, pamilyar itong Mansion na 'to ha, di ba bahay ito ni Ro---------" hindi ko na natapos yung pagsasalita ko dahil pinipilit nila akong pumasok sa loob. Tumigil kami sa isang malaking pintuan na ngayon ko lang nakita, hindi kasi ako nagmamasid nang mga ibang kwarto ng Mansion dahil sa sobrang laki at lapad nito.
"Nice meeting you again Ms. Sharie Faye, may gustong kuma-usap sa'yo ngayon at gustong gusto ka niyang makita." Sabi ng isang butler na pamilyar yung mukha pero hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...