Chapter 56 Incoming Competition
Sharie Faye Pov:
"Mhia!!! Sharmaine!!!", "Sharie!!! Sharmaine!!!", "Sharie!!! Mhia!!!", "Na-miss ko kayong dalawa!!! Ahhh!!!", sigaw namin habang nagyayakapan kaming tatlo.
Nag-umpisa na kasi yung klase namin at ngayon lang ulit kami nagkita-kita pagkatapos ng mahabang Holiday!
"Kamusta yung bakasyon niyong dalawa?", tanong ko sa kanilang dalawa.
"Grabi! ang saya talaga, parang feel na feel ko yung pasko, palagi pa nga kami naglalaro ng snow dun sa Canada!", sabi ni Mhia.
"Eh ikaw Sharmaine?"
"Well, sobrang lamig ng Baguio, kahit hindi katulad ng Canada na nagso-snow, pero damang-dama ko talaga ang kasiyahan pagkasama ko yung mga Magulang ko."
Wow, ang lalamig naman ng pasko nila, nakaka-inggit pero hindi naman ako magpatalo sa kanila. "Ikaw Sharie, kamusta yung pasko mo?", tanong sa'kin ni Mhia.
"Masaya naman, kasi nakasama ko yung mga Magulang at kapatid ko pati na rin yung Magulang at kapatid ni Ronmart.", sabi ko sa kanila na nakangiti.
"Huh? ibig mong sabihin sabay kayong magkasama lahat? Kung ganun h'wag mong sabihin na nagbakasyon kayo sa Hawaii?!", excited na tanong sa'kin ni Mhia.
"Uhmm.. Oo, pa'nu mo nalaman?"
"Ahhhh!!!!! sinabi sa'kin ni Daddy, syempre pinsan ko din naman si Ronmart, nakaka-inggit ka talaga Sharie!!! doon ko din sana balak magbakasyon kaso hindi naman pumayag si Daddy kasi nakapunta na daw siya doon."
"Maganda ba Sharie yung Hawaii? Sabihin mo naman oh, sige nah...please...", nagpupumilit na tanong sa'kin ni Sharmaine.
"Maganda talaga yung Hawaii, kahit na hindi gaanong malamig pero maganda yung mga tanawin, at tsaka madalas nga kaming magswimming at mag surf dun kahit hindi ako marunong. Nag scuba diving pa nga kami at nakita ko dun yung maraming cute na mga isda at higit sa lahat masarap panoorin yung mga tao dun na nagsasayaw ng Hula."
"Naku naman, gustung gustung-gusto ko talaga dun makapunta ng Hawaii! Hindi bali pipilitin ko talaga si Daddy na makapunta doon pagdating ulit ng Pasko." taas noo na sinabi ni Mhia kaya tumawa na lang kami ni Sharmaine sa kanya.
"Classmate! andito na pala yung bagong High School News Paper natin tungkol dun sa nakaraang buwan!", sigaw ng Class Monitor namin. Buwan buwan kasi may mga natatanggap kaming News Paper tungkol sa mga events na tapos na at events na magaganap pa.
"Uy! tingnan mo oh si Erick! heto siya nung lumaban yung School natin ng Basketball sa ibang School. Panalo tayo dito!"sabi ng isang kaklase namin.
"Sharmaine! andito ka na naman sa News, hindi talaga nawawala yung Picture mo dito, hahaha!!!", pang-iinis na sabi ng kaklase namin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...