Chapter 39 Lets get Started

1K 25 0
                                    

Chapter 39 Lets get Started

Sharie Faye Pov:

"Hay sa wakas ay nakarating na din kami", sabi ko habang inuunat ko yung katawan ko pagkalabas ko ng Bus. Parang nakatulog nga ako dahil sa byahe, Nakikita ko mula sa labas ng gate yung mga batang naglalaro. ang cu-cute nilang tingnan!

"Okay class, please assemble!" sabi ng teacher namin habang may hawak-hawak na papel. "Ito yung magiging Practical Exam para sa unang pagsubok, kaya dapat paghusayan niyong mabuti." Habang nakikinig kami sa paliwanag ng teacher' si Ronmart naman busy rin sa pakikinig, ng Headphone. Tsk!

"Ang gagawin ninyo ay dapat magbantay ng bata na kung sino ang na-assign na bata para bantayan niyo. Gamitin niyo yung mga natutunan niyo para pasiyahin sila at tandaan niyo ito ng mabuti, H'wag na h'wag niyong paiiyakin yung batang binabantayan niyo maliwanag ba?!"

"Opo!!!", sabay naming sigaw at si Ronmart naman......pabayaan niyo na yan!!!

Binigyan kami ng tig-iisang papel, nakalagay na doon yung mga remarks na dapat naming gawin; kapag yung binabantayan namin na bata ay naging masaya----85 to 90 yung grades, kapag malungkot------75 to 80 at kapag sobrang masaya------tumataginting na 90 to 95 yung grades. Kayang kaya!!!

Habang binabasa ko yung nakalagay sa papel, parang napa-isip ako bigla, marunong bang mag-alaga ng bata si Ronmart?, well kasalanan na niya yun kung bumagsak siya. Basta ako gagawin ko ang lahat para tumaas ang grades ko.

Tinawag ng teacher yung mga bata at sakto naman na 20 sila at 20 din kami. "Mga bata, sila ngayon ang magbabantay sa inyo, pumili kayo ng dapat magbantay sa inyo at dalhin niyo siya sa'kin."

"Sana mabait na bata yung makapili sa'kin." sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko yung mga bata na pumipili.

"Ate, ate pwede po bang ikaw yung magbantay sa'kin?" sabi ng isang bata sa'kin. "Naku!!! napaka-cute ng bata yung babantayan ko, tapos mukha naman siyang mabait. Ang swerte ko talaga paminsan-minsan." at ayun nga dinala niya ako sa teacher namin para i-assign ako para magbantay sa kanya.

Habang nakapili na yung mga bata, biglang nagsalita yung isang bata na, "Teacher, kulang po kami! nawawala si Rowena!"

"Ano?!" gulat na sinabi ng teacher namin, kaya binilang niya ulit yung mga bata at, "Naku, oo nga saan na naman ba yun nagpupupunta?!."

Hahanapin pa namin siya sana nang, "Andito na pala si Rowena eh, saan ka ba nagpupupunta?" sabi ng teacher namin sa kanya. Hindi lang siya nagsalita, sa halip ngumunguya lang siya ng Candy na kabibili lang niya sa Canteen.

"Nakita ko po siya doon sa Canteen tumitingin ng mga bilihin kaso wala naman siyang pera kaya ako na lang yung bumili para sa kanya.", pagkasabi niya nun, nagulat na lang kami na magkasama pala sila ni Ronmart, kaya pala isang plastic ng candy yung dala ng bata eh. Gusto ata nito sirain yung ngipin ng bata eh.

"Titser, pwede po ba na siya na lang yung magbabantay sa'kin?" sabi ni Rowena sa Titser namin.

"Oo naman Rowena" at nilista na rin niya yung pangalan ni Ronmart sa Papel. Nang tapos na yung paglilista, agad na kaming nagtipon-tipon lahat kasama yung babantayan naming bata, "Okay Class, handa na ba ang lahat?! Lets get Started!!!!"

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon