Special Chapter 1

1K 22 0
                                    

Special Chapter 1

Pasensya na po kayo pero may idadagdag lang po ako sa Story. Hindi lang po si Ronmart ang biniktima nig pinsan niyang si Mhia, kundi pati na rin yung Kaibigan niyang si Sharmaine. Ito po yung istorya niya.

Sharmaine Pov:

Friday

Tapos na pala yung 30 minutes ko, kailangan ko nang pumunta sa last period. 33, 34, heto na room 35.

“Good Afternoon Sir.” Pagpasok ko, ito na yung bati ko habang nakayuko ako sa bagong titser namin sa Handicraft. Napangiti naman siya sa’kin at parang hindi makapaniwala na nakita ako.

“You must be...” tanong niya na naghihintay sa sagot ko.

“Sharmaine Camariosa po.”

“Ah yes Sharmaine, I’m really glad that you are interested to joined here in my subject.”

“Thank you Sir.”

“Your Welcome, you may take a seat anywhere in vacant chair”

Nung sinabi niya yun, humarap na ko sa mga kaklase ko, at O_O

BA’T PURO LALAKI ANG MGA KAKLASE KO DITO!!!

Yung mga estudyante sa loob, nabigla na may kaklase pala silang babae at yung iba naman pangiti ngiti lang.ibang kaklase ko nagulat Tama bang Room yung pinasukan ko?! Lumabas pa ako para matingnan yung number sa taas ng room na pinasukan ko. Pero no. 35 yung nakalagay, tama naman ha, ba’t parang pakiramdam ko mali?

Pumunta na ko sa titser para magtanong kung tama bang subject ang pinili ko. “Uhmmm... Sir may itatanong po sana ako.”

“Yes? Ano yun Ms. Sharmaine?”

“Anong subject po pala ‘to Sir?”

Ngumiti muna siya sa’kin at sinabing, “Electricity”

“E-Electricity?” pautal-utal na pagkakasabi ko sa kanya. Kailan pa ako nagka-interesadong mag-aral tungkol sa KURYENTE???

“Sir, parang nagkamali ata ako sa pagpili ng subject ko, tama po ba ako?”

“No your not, andito sa’kin yung bio-data na pinasa mo, and you wrote Electricity for your subject. Nagulat nga ako at may nagkaka-interest na babae mag aral sa subject ko.” Pinakita nga niya yung bio-data ko. At ang nakasulat dun ay  Electricity nga, syempre may white-out din akong nakita na ginamit para burahin yung sinulat ko.

“Sir pwede po bang lumipat sa ibang subject?”

“I’m sorry to say but no you can’t. Sarado na kasi ang pasahan ng bio-data sa Guidance at tapos na yung deadline para magpalit pa ng subject.”

Wala na kong magawa kundi tanggapin na lang. Isa lang ang pwedeng gumawa nito at lagot siya sa’kin, MHIA!

Nanginginig na ‘ko habang naghahanap ng mauupuan ko, yung iba kaklase ko rin na lalaki kaso hindi ko naman sila ka-close at isa pa nahihiya ako.

Lahat sila nakatingin sa’kin. Ano ba yan!!! Sa dinami dami pa ng subject ba’t napadpad ako dito? At puro lalaki pa ang makakasama ko pa.

“Miss dito ka umupo!”

“Dito na lang Miss, mukhang maganda ka naman!”

“Sa’kin ka na lang Miss beautiful!”

Pa’nu ba yan? Saan ako uupo? Nakakatakot naman yung mga itsura nila. Parang ngayon lang nakakakita ng babae.

“Sharmaine!” may tumawag sa’kin at medyo pamilyar yung boses niya. “Sharmaine!” saan ba yun nanggagaling?

“Sharmaine dito!” habang nagmamasid ako, nakita ko na kung sino yung tumatawag sa’kin at laking gulat ko na,

“M-MAX?!” magkaklase kami? Ito rin yung pinili niya?

“Dito ka na umupo sa tabi ko.”

Hindi ko maigalaw yung mga paa ko, ba’t ganito yung nararamdaman ko? Nahihiya akong tumabi sa kanya kasi, CRUSH KO SIYA MULA PA NUNG FIRST YEAR KASO INUUNAHAN AKO NG TAKOT.

Dahil napapansin niya na parang nagdadalawang isip ako, siya na yung pumunta sa’kin. Kaso nilapitan ako ng isang lalaki na kaklase ko din yata at hinawakan ako sa braso.

“Ang ganda mo Miss. Dito ka na lang umupo para tabi tayo.”

Pilit kong tinatanggal yung pagkakahawak niya sa braso ko kaso sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Hindi ako makapagsalita dahil natakot ako sa itsura niya, Panget kasi. Pero bigla naman hinawakan siya ni Max sa balikat, “Pare, pasensya na ha pero uupo siya sa tabi ko, di ba Sharmaine?”

Tiningnan nila akong dalawa na parang hinihintay yung sagot ko kaya, “O-Oo tama siya.”

Wala namang nagawa yung lalaki kundi bitawan ako. Hinawakan ni Max yung kamay ko at pumunta na nga kami sa inu-upuan niya. Umupo naman ako sa tabi niya, parang nahiya ako sa ginawa niya. Hindi nga ako makatingin sa kanya ng deritso.

“Alam mo bilib ako sa’yo.” Biglang sinabi niya sa’kin.

“B-Bakit naman?” ano ba yan, ba’t nauutal ako palagi sa kanya?

“Ikaw pa lang ang kilala kong babae na interesado din sa ginagawa ng lalaki.”

“A-Anong ibig mong sabihin?”

“Alam naman natin na panlalaki ‘tong subject, pero hindi ko alam na may babae pa lang nag i-interesado din na mag aral ng subject na ‘to.”

Napangiti na lang ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako interesado. Kasalanan ‘to Mhia! Pero medyo nagugustuhan ko,

.

.

.

.

Nevermind, hindi ko talaga ginusto to! Humanda ka talaga sa’kin Mhia!

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon