Chapter 46 Tomorrow is a New Day
Ronmart June Pov:
"Ano?! Ba't ako aabsent bukas?!" reklamo ko sa kanya. Andito kami sa terrace ng bahay nila Sharie. Sinabihan niya kasi ako na hindi muna ako papasok para magbantay ng bahay.
"Sige na, pumayag na nga ako na tumira ka dito tapos ako, konting kahilingan ko lang ayaw mo pang pumayag at tsaka may exam pa kami bukas kaya hindi ako pwedeng umabsent, sige na pumayag ka na." tapos nag puppy eye siya.
"Sige na nga! basta bukas makalawa ikaw naman ang a-absent ha?!"
"Pwedeng sa huwebes ka na lang pumasok?"
"WUHAAAAAAAT!!!"
"Sige na, pleeeeeeeeease...."
"Argh!!! Ano ba namang buhay 'to, napakamalas ko naman."
"So anu? pumapayag ka na?"sabi niya habang hinihintay niya yung sagot ko.
"Oo na, oo na. Kukuha na lang ako ng special exam sa mga na-miss kong lesson."
"Talaga? Yahoo!!!" at niyakap niya ako ng mahigpit. Parang napa-blush ako dun ha. "Ikaw na rin pala mag alaga kay Nanay, h'wag mo siyang pababayaan ha?!"
"Ano?! bakit ako? di ba pwedeng si Cherry na lang o di kaya'y si tatay?"
"Si Cherry may pasok din bukas at may long quiz pa, at si Tatay naman may duty kaya hindi sila pwedeng dalawa."
"Eh pa'nu ko siya a-alagaan, di nga ako marunong mag alaga."
"Uhmm.. gawin mo na lang yung mga itinuro sa'tin sa Care Services. Kaya mo yan, sige matutulog na ko, ina-antok na ko eh, sige Gudnight at Sweetdreams."
Iniwan na niya ako dun na parang ewan. Ba't ako pumayag dun sa gusto niya? Eh ako ang amo niya, nakalimutan niya ba yun?
Pumasok na ko sa kwarto ko, yung guest room yung pinagamit nila sa'kin eh hindi naman ako bisita at tsaka nakikitira pa ko sa kanila ng dalawang buwan. Masyado namang nakakahiya sa kanila na makitira pa ko dito.
Pagka-umaga, isa isa na silang nagsi-alisan ng bahay, at iniwan na nila ako kasama yung ilaw nilang tahanan.
"HAAAAAAAAA!!!" Nagulat na lang ako nang tumambad sa'kin yung tambak tambak na huhugasan at mga kalat sa lamesa at sahig.
"Ba't ang kalat dito? BUTLEEEEER!!!! Ay teka wala nga pala ako sa bahay, wala ba silang maid dito?" sabi ko sa sarili ko.
Wala na talaga akong nagawa kundi maghugas na lang, alangan naman tingnan ko na lang yan eh ayaw ko pa naman ng marurumi. Isa isa ko nang hinugasan at syempre hindi ko naman maiwasang makabasag ng pinggan at baso. Pasensya na lang sila eh hindi ako marunong.
Pagkatapos nun nilinis ko na yung buong bahay, grabi napagod ako dun ha. Hindi ko nga alam kung bakit ko yun ginawa basta yun lang ang pumasok sa isip ko. Pagkatapos kong maglinis ay kumain muna ako ng agahan at umakyat na sa taas para alagaan yung Nanay nila.
Pumasok na ko ng kwarto at tinignan yung temperatura niya. "Hindi pa rin bumababa." Kumuha na ko ng bimpo para punasan siya para naman bumaba yung lagnat niya. Nang gumising na siya, bigla naman siyang nagulat nang nakita niya ako.
"Nay kamusta na po yung pakiramdam niyo? masama pa rin po ba?"tanong ko sa kanya.
"Naku iho, ba't ikaw yung nag aalaga sa'kin? asan ba si Sharie?"
"Nasa School po siya ngayon eh, may exam po sila pero andito naman po ako para mag alaga sa inyo."
"Nakakahiya naman sa'yo iho, pasensya ka na ha at nag abala ka pa sa'kin."
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...