Special Chapter 5
Ronmart June Pov.
"Son? Son! nurse call the doctor! my son is awake!", rinig ko pagkagising ko.
"A-Anong nangyari? n-nasa'n ako?", mahinhin na pagkakasabi ko sa kanila.
"Anak ko, masaya ako at nagising ka na, Okay na ba yung pakiramdam mo? magpahinga ka muna sandali."
"Mom? nasaan ako?", pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nandito ka sa Ospital ng State, na aksidente ka, hindi mo ba naalala?"
"Na-aksidente? saan?", anong pinagsasabi nilang aksidente, kailan at bakit ako napunta dito sa State?
"Nung andun pa tayo sa Pilipinas, kaya ka na-aksidente dahil sinagip mo yung buhay ni Sharie, hindi mo ba yun naalala?", pagpapaliwanag niya, pero...
"Sharie? sino po si Sharie?".
Bigla siyang natahimik mula sa sinabi ko, "How about Mark? Do you know him?", tanong sa'kin ni Dad.
"Mark? wala po akong kilalang Mark".
Biglang dumating yung doctor, "Doc. what's happening? why's my son can't remember anything?", tanong sa kanya ni Dad.
Nilapitan ako ng doctor, pina-ilawan niya yung mata ko na parang flashlight at parang nadismaya siya sa natuklasan niya, "I'm sorry to say but, your son have an amnesia because of the result of his brain damage. I guarantee that his memory will come back but I don't know how long it would be."
"Anak, kilala mo pa ba kami? pati yung kapatid mo kilala mo pa ba?", tanong sa'kin ni Mommy pagkalapit niya sa'kin.
"Syempre naman po, bakit ko naman kayo malilimutan eh pamilya ko po kayo."
Nakahinga naman siya ng maluwag pagkasabi ko nun, pero bakit nag-alala sila masyado sa'kin? Hindi naman sila ganun sa'kin ha?.
Simula nun, dito na kami sa State tumira, at dito na rin ako pinag-aral ni Dad ng High School. Plano sana nilang bumalik sa Pilipinas pagkalabas ko pero ako yung nagrefuse kasi wala naman akong babalikan doon at tsaka puro bad memories lang ang naaalala ko dun.
Nagulat nga ako kung bakit biglang nagbago na sila at nagkaroon din sila ng oras para sa'kin. Kahit mainis at magalit man ako sa kanila, hindi pa rin nila ako iniiwan maski na si RJ na kapatid ko, patuloy pa rin sa pangungulit sa'kin. Kaya nga gusto kong ipagpatuloy 'tong ganitong buhay namin at sa tingin ko bumalik na din sa dati ang lahat.
Pagkalipas ng pitong taon, nakapaggraduate na din ako ng kolehiyo, B.S.B.A ang kinuha kong kurso at ngayong araw na 'to, balak kong pumunta sa korea para i-manage yung Company na pinagmamay-ari namin.
"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?", tanong sa'kin ni Mama.
"Mom, my decision is final at tsaka para na din matulungan ko doon si Dad sa mga problema niya ngayon."
"Kaya naman ng Papa mong i-handle yun kahit hindi ka na pumunta eh, dito ka na lang muna pansamantala kahit 1 week lang."
"Mom, babalik din naman ako pagkatapos nun eh, huwag na po kayang mag-alala kaya ko na po ang sarili ko", biglang napatingin ako sa relo ko, "Naku, dalawang oras na lang bago ang flight ko. Ma, kukunin ko lang yung mga gamit ko, baka mahuli pa ako."
"Okay anak, mag-iingat ka sa byahe mo", at pumasok na ko sa loob, dumiretso na ko ng kwarto at kinuha yung mga gamit na gagamitin ko mula sa cabinet, kumuha ako ng konting damit at pagkakuha ko, biglang may nalalaglag na maliit na kahon kaya napatigil ako pansamantala.
"Kanino 'to?", sabi ko habang hawak-hawak ko yung kahon, "Siguro kay Mama 'to, baka naiwala lang niya...", pero bakit nacu-curious akong makita yung loob, matingnan ko nga.
"Isang Pendant?", sabi ko nang makita ko yung laman, pero bakit napunta 'to sa cabinet ko? dapat nasa kwarto 'to ni Mama kasi palagi niya namang tinatago yung mga alahas niya.
Habang tinitingnan ko yung pendant, parang napansin ko na may kakaiba sa kwentas na'to, "Pwede pala 'tong buksan, ano kaya 'tong nasa loob? siguro picture ni Mama at Papa", sabi ko habang binubuksan ko yung laman ng Pendant.
Pagkabukas ko, isang picture ng babae ang nakita ko na may mensahe sa kabila, "I Love You Sharie", yun ang nakalagay sa mensahe.
"Sharie?", ito ang pangalan na palaging kinukwento sa'kin ni Papa at ni Mama na nagpabago daw ng buhay ko, pero hindi ko pa siya nakikita simula nang tumira na kami dito sa State. "Ito siguro yung babaeng sinasabi nilang si Sharie, maganda siya", sabi ko habang pangiti-ngiti kong pinagmamasdan ko yung litrato niya.
"Sharie....Sharie...Sharie....", sabi ko habang pinipilit kong ina-alala yung pangalan niya, nasabi na nila sa'kin ang buong pangalan niya pero nakalimutan ko na ata,"Sharie...Sharie...Sharie Fa....Sharie Faye...Sharie Faye...Sharie Faye Alc...Alcal....a.....Sharie Faye Alcala? Tama! Sharie Faye Alcala nga!"
""Pero bakit wala akong naalala sa kanya, at anong kinalaman ng kwintas na 'to sa kanya?", sabi ko habang patuloy ko pa ring tinitingnan yung pendant. Nang pumasok yung sinag ng araw mula sa labas, biglang nagreflect yung kinang ng pendant sa mata ko.
"Ahhh! anu ba yan! nakakasilaw!", napa-atras ako at napa-out of balance dahil medyo naging malabo yung paningin ko. Napa-upo ako pansamantala at napahawak na lang ako ng ulo. Hindi ko alam kung ano yung nangyayari pero pakiramdam ko unti-unti nang bumabalik ang alala ko!
"Ano bang nangyayari sa'kin?! ba't sumasakit ang ulo ko?!", sabi ko habang hawak-hawak ko yung ulo ko, sinubukan kong tumayo pero pakiramdam ko umiikot yung paningin ko pati na rin yung mga nakikita ko.
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"ANAK! ANONG NANGYARI SA'YO?! BA'T KA SUMIGAW?",pag alala sa'kin ni Mommy pagkatapos niyang buksan yung pintuan ng kwarto ko.
"Mom, naalala ko na", mahinang pagkakasabi ko sa kanya.
"Naalala yung ano?!"
"MOM! NAALALA KO NA ANG LAHAT! NAALALA KO NA YUNG MGA NANGYARI, YUNG AKSEDINTE, SI MARK, AT SI SHARIE! MOM! NAKA-ALALA NA KO!!!"
Biglang napatakip si Mommy sa narinig niya at parang naluluha siya dahil gumaling na ko sa pagka-Amnesia ko.
"Mom! kailangan nating bumalik ng Pilipinas! kailangan kong makita si Sharie! di ba alam niyo po kung saan siya ngayon at anong trabaho niya?"
"Oo pero pa'nu yung flight mo?"
"Ika-cancelled ko na muna, siguro mai-intindihan naman ako ni Daddy kung bakit ako babalik ng Pilipinas, sige na po mag-impaki na po kayo, tsaka doon na din muna si RJ magco-college, siguradong matutuwa din yun."
"Oo na, oo na... masyado ka namang excited, teka lang at tatawagan ko na muna yung Papa mo na hindi ka muna makapunta doon sa korea at pati na din yung abogado natin para mapabilis yung pagproseso ng flight natin."
"Salamat Mom!", at sa sobrang saya ko, hinalikan ko siya sa pisngi.
Pagkabalik namin ng Pilipinas, syempre doon na kami ulit tumira sa dati naming mansion at namiss ko rin yung mga dating katulong namin dito, at hindi din mawawala ang butler ko. Sobrang saya ko talaga at makakasama ko ulit sila!
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...