Chapter 20 Am I In Trouble?

1.3K 27 0
                                    

Chapter 20 Am I In Trouble?

Sa sobrang takot ko, nagtago muna ako dun sa likod ng sasakyan na nakaparada doon si kilid ng daan para hindi ako makita ng mga aso. Wala na talaga akong magawa kasi hindi ako makakadaan, lalong lalo na nakabantay dun ang dalawang aso.

"Pasensya ka na Ronmart, medyo matatagalan pa ko makaka-uwi sa inyo" sabi ko sa sarili ko, Maya-maya ay biglang umulan. Basang-basa na yung damit ko at nanginginig na ako sa sobrang lamig, hindi pa rin uma-alis yung aso kaya stranded muna ako sa kinalalagyan ko ngayon.

Sinilip ko ng mariin kung may nakabantay pang aso, pero biglang may tumakip sa bibig ko, at napasigaw ako sa sobrang gulat. Mabuti na lang at malakas yung ulan kaya medyo hindi yun narinig ng mga aso.Tinakpan niya ulit yung bibig ko at dinala ako sa mas malayo pang lugar para hindi ako panigurado makita. Nang kinuha ko yung kamay na nakatakip sa bibig ko, lumingon ako sa kanya para makita ko yung mukha niya, bigla na lang ako nagulat na si Ronmart pala yung tumakip ng bibig ko.

"Ronmart??? Ba't ka andito??"

"Ba't ka umalis nang hindi ka nagpapa-alam?" Basang basa siya ulan at sobrang putla na ng mukha niya sa sobrang lamig ng hangin. "Hindi mo ba alam na delikado nang lumabas nang ganitong oras?"

"Eh kasi bumili lang ako nang mga kakailanganin mo para gumaling ka na sa sakit mo." At pinakita ko sa kanya yung plastic na may laman ng mga pinambili ko. Halos basa na yung laman kaya kinuha na lang namin yung laman.

Hindi pa humuhupa yung ulan, nakadikit lang sa'kin si Ronmart para hindi lamigin. Halos nanginginig na yung buong katawan niya at basang basa pa yung damit niya. Wala na kong nagawa kundi ang yakapin siya. Niyakap din ako ni Ronmart para mainitan na rin yung katawan naming dalawa sa pagkakadikit namin.

"Hay salamat at tumigil na din yung ulan." Umalis na din yung aso sa daan na dadaanin ko sana. Si Ronmart naman, ayun panay pa rin ang panginginig niya sa lamig. Kasalanan ko rin naman kung bakit niya ako sinundan, sobrang nag-alala lang daw siya sa'kin kaya niya yun nagawa.

"Tayo na Ronmart at wala ng aso." Tumayo na din siya at patuloy na kaming lumakad hanggang sa makarating na din kami ng bahay niya. Nagpatulong ako dun sa manong guard para buhatin siya at madala na din sa kwarto niya.

Ronmart June Pov:

"UHAAAA!!! Ang ganda ata ng gising ko, medyo hindi na din sumasakit ang ulo ko at mabuti na rin yung pakiramdam ko." Tatayo na sana mula sa pagkakahiga ko nang biglang, "UWAAAAAA!!!! Anong ginagawa ng babaeng ito sa kama ko? Magkatabi ba kaming natulog? Pakshet naman!!!"

"Hoy gising!!! Anong ginagawa mo sa kama ko? Umalis ka nga diyan!!!" ang hirap naman gisingin ng babaeng ito, siguro tulog mantika toh.

Tumayo na ko sa pinaghigaan ko at pinanood ko lang siya matulog. Nakita ko rin mula sa tabi niya yung isang maliit na labador na may tubig at isang bimpo. Siguro napuyat siya sa pag-aalaga sa'kin kaya mahirap siya ngayong gisingin.

Aalis na sana ako kaya lang narinig ko siyang nagsalita pansamantala.

"Ronmart, okay ka na ba, hindi na ba sumasakit yung ulo mo?", nagdi-daydreaming ba 'tong babae 'to?

Hindi ko na sinagot yung tanong niya, nilapitan ko lang siya at kinumutan. Bilang pasasalamat, hinalikan ko siya sa noo, "Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa'kin ha,"pabulong na pagkakasabi ko sa kanya, kitang kita ko naman sa mukha niya na nakangiti siya habang natutulog. Ba't ang cute niya pa rin pati sa pagtulog niya? Haizzzt!!! Maka-alis na nga!

Sharie Faye Pov:

Napasobra ata yung tulog ko ha, pagkagising ko wala na si Ronmart sa tabi ko. Ewan ko ba kung okay na yung pakiramdam niya.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon