Chapter 63 I Don't have any regret

997 17 0
                                    

Chapter 63 I Don't have any regret

Mark Pov.

Wow! sa wakas may Pov. na din ako, salamat author! ;-).Bago ako magsimula, gusto ko sanang humingi ng tawad sa inyo mga readers, naging kontrabida kasi ako dito sa pagitan nina Sharie at Ronmart pero part kasi yun ng role ko sabi ni Author kaya Peace po tayo ^_^V

Okay guys andito ako ngayon sa Ospital, pero hindi sa Pilipinas kundi sa State, alam niyo ba kung bakit? heto kasi ang mga nangyari....

FLASHBACK

Nung ma-aksidente sina Sharie at Ronmart, ako yung nagdala sa kanila papuntang hospital. Habang ginagamot silang dalawa, ako naman patuloy na nagdarasal na sana maligtas silang dalawa mula sa kapahamakan, at kung mangyari yun hindi na ko magpapapakita sa kanila at guluhin pa sa kanilang pagsasama.

Nung marinig ko na gumising na si Sharie mula sa mga kaibigan niya, agad na kong nagdesisyon na bumalik sa State para mag-umpisa ulit at para na din makalimutan siya. The truth is wala na kong mga magulang, namatay silang dalawa during the car accident at pinalaki ako ng lolo't lola ko doon sa State.

Nung nagka-isip na ko, doon na din nila ako iniwan at lahat ng mga yaman ng mga magulang at lolo't lola ko naipamana sa'kin. Pagkadating ko nang State, dumiretso na kaagad ako ng simbahan para ipagdasal ang kondisyon ni Ronmart,masama daw ang kalagayan niya at isa lang ang sinisisi ko kundi ang sarili ko.

Nung isang araw, sasakay na sana ako ng kotse nang biglang may narinig ako ng sigaw ng isang babae na humihingi ng tulong mula sa sulok, nakita ko na pinagmo-molestiyahan siya ng tatlong kalalakihan kaya hindi na ko nagdalawang isip na tulungan yung babae.

"Hey! what do you think you're doing?!", sabi ko doon sa tatlong lalaki habang hawak-hawak nila yung babae.

"Mind your own business man!", hindi na nila ako pinansin at nagpatuloy na sila sa ginagawa nila kaya hindi ko na napigilian ang sarili ko na sugurin sila at pagsusuntukin. Habang nagkakagulo na kami doon, nakita ko yung babae na tumakbo at humingi ng tulong, "Buti na lang at nakalayo na siya", sabi ko habang patuloy pa rin kami sa pagsusuntukan.

Nung masuntok ko yung isa, bigla siyang bumunot ng baril at tinutok sa'kin,

.

.

.

.

.

BAM!!! BAM!!!

Biglang tumigil kami sa pag-aaway at nakita ko na tinamaan ako ng dalawang beses sa dibdib.

"F****!!! oh F****!!! Damn you man!!! why did you do that?!", sabi ng kasamahan niya.

"Sorry, I just can't help it!"

"Hey you stop right there!!!", rinig ko mula sa isang lalaki, hindi ko siya masyadong makita dahil medyo lumalabo na yung paningin ko.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon