Chapter 23 New Guardian
Ronmart June Pov:
“Sige mga tol aalis na ‘ko!!!” Nagpaalam na ko kina Christian, Jof, John, Ian, at Jp. Halos parang na enjoy ako sa pakikibonding sa kanila. Panu naman kasi pinagti-tripan nila yung mga babae dun sa school. Parang mga kumag lang kung tutuusin.
“Sige dude, ingat na lang”. Pahabol na sinabi ni Jof.
Hinihintay na ‘ko ng sundo ko doon sa Parking lot. Ang ganda talaga ngayon ng araw ko, sana wala nang makakasira nito.
Pagkadating ko ng bahay, biglang nagulat ako na may sumalubong sa’kin at bigla akong niyakap. “Anak!!! Welcome home!!! Na-miss kita talaga!!!”
“Dad?! Bakit kayo nandito? At tsaka kanina pa po ba kayo???” Bakit siya andito? Akala ko may Business trip pa siya doon sa Korea.
“Hindi mo ba ako nami-miss anak?” Na-miss your face! Bakit ko naman siya mami-miss eh palagi naman kami nagsa-skype sa laptop at palagi naman siyang tumatawag kung may problema ba ako.
“Pupunta muna ako ng kwarto, pagod na kasi ako eh,” yun lang ang palagi kong ginagawa pag andito si Daddy maski si Mommy. Gusto ko lang kasi palaging nag-iisa sa bahay para walang istorbo sa mga ginagawa ko.
“Son, pumunta ka mamaya sa office dahil may pag-uusapan tayo.” Wateber!!!, ano naman kaya ang pag-uusapan namin? At kung ano man yun hindi talaga ako interesado.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan habang nakikinig ako ng music sa kwarto ko. “SINO YAN?!!!!” pasigaw ko na tanong mula sa loob.
“Young Master,pwede po ba akong pumasok sa kwarto mo?” Ah yung butler ko lang pala, “Bukas yan! pwede ka nang pumasok!”.
“Young Master, pinapatawag po kayo ng Master sa office niya.” Sabi niya habang nakayuko lang siya sa’kin.
“Sige, sabihin mo kay Daddy na pupunta na ko diyan sa office niya.” Ano naman bang pumasok sa utak ni Daddy kung bakit niya ako pinapatawag? Ano kaya yung pag-uusapan namin? Siguro-----AH! Wala akong ideya =_=
Magkapasok ko nang office niya, andun lang siya naka-upo at nakangiti lang sa’kin. “Bakit niyo po ba ako pinatawag?” Hindi ko alam kong anu yung iniisip ni Daddy pero parang hindi ko ata gusto yung pagkatititg niya.
“Naghire ako ng bago mong Guardian anak at makakasama mo siya dito habang wala kami sa Mansion, siya din ang magiging Guardian mo sa isang taon.” Yun lang pala eh akala ko kung ano na, WUHAAAAATT!!!! Alam naman siguro ni Daddy na ayaw kong may kasama ako dito sa Mansion maliban lang sa Maid at Butler ko.
“ANO?!!!! BA’T NAMAN KAYO NAGHIRE EH ALAM N’YO NAMAN PO NA AYAW NA AYAW KONG MAY KASAMA AKO DITO SA MANSION!!!!”
“Nag-alala lang kasi ako sa’yo anak na wala ka ditong kasama, ayaw kong mapahamak ka kaya napag-isip isip ko na kailangan may magbabantay sa’yo dito para kampanti ako na nasa mabuti kang kalagayan.”
“AYOKO!!!” Pasigaw na sabi ko sa kanya, hindi naman kailangan maghire siya na magbabantay sa’kin. Malaki na ‘ko, kaya ko na ang sarili ko at tsaka sino namang antipatiko na tao na ini-hire niya? Siguradong hindi siya magtatagal dito ng isang buwan.
“Wala ka nang magagawa dahil may pinag-usapan na kami,” pinag-usapan? Ano naman kaya yun? “Mr. Ronmart June Garcia my son, I want you to meet Ms. Sharie Faye Alcala your YOUR NEW GUARDIAN”
Biglang bumukas yung pintuan at nakita ko siyang pumasok ng dahan-dahan. Nakayuko lang siya at maya-maya ay tumingin siya sa aming dalawa.
O.O ß-------- Ito lang yung reaksyon ko.
“IKAW??? IKAW ANG MAGIGING GUARDIAN KO???!!!!” Nagpapatawa ba si Daddy o Ginu-GOODTIME NIYA AKO?!!! Sa dinami dami ng taong tatanggapin niya para maging Guardian ko, bakit si Sharie pa?!
Hindi lang nagsalita si Sharie, pero ako naman hindi mapakali sa sinabi ni Daddy, “HINDI AKO PAPAYAG!!!, PA-PAALISIN NIYO NA ‘TONG BABAE NA ‘TO SA MANSION, KUNG HINDI----“ parang hindi ko na kayang maituloy yung sasabihin ko lalong lalo nah na nakatingin lang sa’kin si Sharie.
“KUNG HINDI ANO?!” Nakataas na yung boses ni Daddy at parang hindi na niya gusto ang ina-asal ko.
“EWAN KO SA INYO!!!” at umalis na nga ako, iniwan ko na silang dalawa at dumeritso na ko sa kwarto ko. Nakaka-bwesit talaga!!!, bakit makakasama ko na dito yung babaeng yun? Okay lang sana kung sa school, pero dito sa bahay? Hindi ko yun matatanggap lalong lalo na’t ito na lang ang natitirang lugar kung saan makakaramdam ako ng tahimik at walang istorbo.
Sharie Faye Pov:
Parang ngayon ko lang nakitang ganyan magalit si Ronmart, mali ata yung desisyon ko na tumira dito sa Mansion niya.
“H’wag kang mag-alala Ms. Sharie, ganyan lang talaga siya pag ayaw niya yung desisyon ko, nagdadamog at parang tinutubuan ng sungay. Pero mabait naman siya kung makikilala mo siya ng maayos” Hindi ko alam na may ganito pa lang side si Ronmart pag andito siya sa Mansion niya, pero mabait naman siya pag nasa School ha.
“Kung may problema ka sa anak ko Ms. Sharie, pwede kang mag reklamo sa’kin at ako ang bahala sa ugali niya, pero h’wag mong kakalimutan na may pinag-usapan tayo?!” Ay Oo nga pala, hindi na ko pwedeng umatras sa kondisyon niya dahil may pinirmahan akong kontrata na magsisilbi akong Guardian ni Ronmart hanggang sa matapos yung isang taon.
“Opo, hindi ko po yun nalilimutan”, sabi ko sa kanya habang nakayuko. Sa ngayon titiisin ko muna yung galit sa’kin ni Ronmart hanggang sa mawala na ito.
Dinala ko na lahat ng gamit ko sa bago kong kwarto at WOW HA!!! Ang laki at ang lapad pa!!! Parang mayaman na ko pero Joke lang po yun, nakikitira lang ako dito :P , nagpasikot sikot ako sa kwarto ko, at napahiga na lang ako sa kama sa sobrang pagod.
Pero naaalala ko yung mga magulang ko, hindi pa rin mawala sa isip ko na hindi na ko pwedeng tumira dun sa tinitirhan ko. Dahil sa na-miss ko na sila, hindi ko namalayan na naluluha na pala ako sa sobrang lungkot. “Nay, Tay, Cherry..... kamusta na kayo ngayon? Alam niyo namimiss ko na kayo kahit sandali ko lang kayo nakita.” Sabi ko sa sarili ko habang humihikbi ako sa kaiiyak.
KLIIIIIIIIINGGGG KLIIIIIIIIIINGGG
Halos mag gagabi na at hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto, nakakapanibago lang kasi. Hindi din nagtagal, parang may narinig akong tunog ng isang bell mula sa labas, habang tinitingnan ko yung litrato naming magkakasama ng mga magulang at kapatid ko.
Ang ibig sabihin nun, dinner time na. Paminsan-minsan kasi binabasa ko yung rule nila dito para hindi ako magiging ewan na lang. Bilang New Guardian ni Ronmart, kailangan kong gampanan yung tungkulin ko at kailangan alagaan ko siya ng mabuti. Yun ang bilin sa’kin ni Mr. Garcia bago siya umalis kanina.
Tok-tok-tok!!!
“Ronmart, kakain na tayo, lumabas ka na diyan sa kwarto mo...” mahinhin na pagkakasabi ko sa kanya. Parang hindi ako narinig ha, “Ronmart! lumabas ka na diyan at kakain na tayo!” this time nilakasan ko na talaga ang boses ko para marinig niya mula sa loob.
“PWEDE BANG H’WAG KANG SUMIGAW? NARIRINIG KITA ALAM MO BA YUN?!!!” Aba’t siya nga yung sumisigaw eh, tapos siya pa galit? Tssk!!! Sharie maghunos dili ka, kalma lang.
“Pasensya na po Ronmart, Eh kasi kakain na tayo kaya tinawag na kita para sabay na tayong kumain.”
“KUNG GUSTO MONG KUMAIN, KUMAIN KA!!! H’WAG MO NA AKONG ISTORBUHIN DITO!!!”
Aba! Ginagalit niya talaga ako, ako na nga nagsisilbi sa kanya tapos siya pa nagrereklamo?! “Hoy! Hindi ka naman ganyan ha! Ba’t ba ganyan na lang ang galit mo sa’kin mula pa kanina ha?! May nagawa ba akong masama?!!!”
“ALAM MO? NAKAKABWESIT KA TALAGA!!! KAHIT KAILAN HINDING HINDI KITA MATATANGGAP SA PAMAMAHAY KO!!!” At sinarhan ako ng malakas. Grabi, akala ko iba siya sa mga kaibigan niya, yun pala pari-pareho lang sila. TSSK!!! Nakakainis!!!
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...