Chapter 40 Rowena

1K 24 0
                                    

Chapter 40 Rowena

Ronmart June Pov:

 "Okay Ronmart, ikaw ang ia-assign ko para magbantay kay Rowena, maliwanag ba?"sabi ng teacher ko sa'kin.

"WTH!!! Ako?! Ba't ako?"

"Bakit may problema ba?"

"Ah, wala po", sabi ko sa kanya habang pangiti ngiti naman yung bata-batuta na nasa harap ko. Naku!!! Sarap batukan.

"Wow, ang cute niyo namang dalawa tingnan", sabi sa'kin ni Sharie habang nanlalait.

"Tsk!" yun lang ang sabi ko sa kanya.

"Sige maiwan ko muna kayong dalawa diyan at babantayan ko pa 'tong napaka cute kong alaga."sabi niya habang yakap yakap niya yung maliit na batang lalaki, at kami naman dalawa ni Rowena...Awkward!!!

"Kuya laro tayo", anyaya sa'kin ni Rowena.

"Ha? anong laro naman yung gusto mo?"

"Bahay-bahayan", ah yun lang pala. Parang alam ako na 'tong laro na 'to. Sige Game ako!

Kunwari ako yung tatay at siya naman yung Nanay, "Honey I'm home" sabi ko habang nagkukunwari na pumasok ako sa isang bahay.

"Oh andito ka na pala, magpahinga ka na muna at tatapusin ko na 'tong niluluto ko", sabi niya habang nagkukunwari siyang nagluluto.

Maya-maya ay lumapit siya sa'kin at parang may hawak-hawak siyang isang plato na parang hindi ko alam kung ano ang nakalagay.

"Honey, heto kumain ka na muna para mawala yung pagod mo."

Pagkakita ko yung nakalagay, ganito yung reaksyon ko -------->O.o

Parang masusuka ako sa nakita ko, puro earthworm at may maliliit na bato. May putik din na nakalagay at parang hindi ko na matiis tingnan.

"Wow, ang sarap naman nito", heto lang ang nasabi ko pero sa totoo lang eto yung nasa isip ko, (Yuck!!! Nakakadiri naman toh! Hindi ko na kaya, parang masusuka na ako.)

Pagkatalikod niya ay agad ko namang tinapon yung nakalagay sa plato na patago para hindi niya makita, pagkaharap niya sa'kin bigla na lang siyang nagulat, "Nasaan na yung pagkain mo?"

"Syempre kinain ko na, ang sarap kasi eh," ---->(Syempre tinapon ko, nakakadiri kasi alangan naman kakainin ko talaga yun. Yuck!!)

"Gusto mo gagawa ako ulit?"

"Wag!!!" bigla kong sinigaw sa kanya kaya naman nagulat siya, "Eh kasi baka napagod ka na kaya magpahinga ka na rin, at tsaka busog na ko." yun lang ang nasabi ko sa kanya.

Nagkabit balikat na lang siya kaya naman, "Iba naman yung laruin natin, parang bored kasi yung bahay bahayan eh. Anong gusto mong laruin?" tanong ko sa kanya.

"Habulan na lang kuya"

"Oh sige, pero humanap naman tayo ng lugar na may masisilungan, mainit kasi dito para maglaro." Pagka-alis namin, bigla akong nakarinig na sigaw mula sa likod,

"Ahhhhh!!!!! Anong nangyari sa'yo, ba't may mga bulate sa ulo mo?!!!"

Naku patay, "Tara! Bilisan natin Rowena."

Grabi yung paglalaro namin dalawa, pati ako nag enjoy din sa paglalaro sa kanya, ang bilis-bilis niyang tumakbo. Medyo matagal tagal din yung paglalaro namin kaya naman parang nakaramdam na kami ng pagod.

"Kuya pahinga muna tayo,pagod na po kasi ako."

"Sige, magpahinga ka muna diyan at kukunin ko lang yung meryenda natin sa Room niyo." Nung sinabi kasi sa'kin ng titser na babantayan ko siya, nagpunta ulit kami sa Canteen kasama si Rowena para may kakainin kami mamaya pag napagod kami, at pagkatapos naming bumili ay inilagay muna namin sa Room niya bago pa man kami naglaro.

"Sama na po ako sa'yo kuya."

At sabay na nga kami umalis para mag meryenda. Pagkadating namin, ay agad ko nang kinuha yung pagkain namin at nag umpisa na kaming kumain.

Habang kumakain kami, naiisip ko munang magkwentuhan kaming dalawa, "Kamusta ka na pala Rowena? Balita ko raw sa mga kaklasi mo ikaw daw yung pinakamatalino sa inyo"

"Naku hindi naman po, marami naman po yung matatalino sa'min at tsaka parang wala naman po yun sa'kin."

Ang bait talaga ng batang ito, at napaka-humble pa. " Eh kamusta na pala yung mga magulang mo?"

Pagkatanong ko sa kanya, bigla siyang tumahimik at parang malungkot yung mukha niya, "May nasabi ba kong masama?"

"Ah, wala naman po kuya."

At balik na naman kami sa pagiging tahimik pero maya maya, "Okay lang po sila, si Daddy wala na, iniwan na niya kami nung baby pa ako, sabi daw sa'kin ni Mommy namatay daw siya sa Car Accident."

"Sorry pala, sana hindi ko tinanong."

"Okay lang po yun kuya.", kawawa naman siya, maagang naulila sa kanyang Daddy.

"Eh yung Mommy mo? Kamusta naman siya?"

"Palagi po siyang busy sa trabaho at parang wala na po siyang oras para sa'kin. Palagi niya po akong pinapagalitan kapag na-iistorbo ko po siya, si yaya ko na lang po yung palagi kong kinakausap at wala na pong iba."

Parang ako yung tinamaan sa sinabi niya, pareho lang kami ng sitwasyon nung bata pa ako. At isa lang yung kinatatakutan ko, ay yung magaya niya ako sa paglagi.

"Huwag kang mag alala, andito naman ako para magbabantay sa'yo. At kung kailangan mo yung tulong ko, andito lang ako para sa'yo. Ipakilala mo ko sa Mommy mo ha, para naman makilala ko rin siya." sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Talaga kuya? Naku maraming salamat", at niyakap niya ako. Naku! batang toh, medyo makulit pero mabait naman pala.

"Tara, laro na tayo ulit kuya!"

"Ha?!, anong laro na naman yung gusto mo?"

"Beauty Parlor!"

Parang ayoko yung laro na yan ah, "Wag na yan! Panget yan pwedeng iba na lang?"

"Eh yun ang gusto ko eh, sige na please....."

"Ayoko, ayoko, ayoko! Promise!"

Bigla siyang naluluha kasi parang basang basa na yung mata niya at parang sisigaw na siya sa pag iiyak, Argh!!!!! Wala na kong magagawa kundi, "Sige na nga!!!"

"Yehey!!!"

Yung napakalungkot niyang mukha ay bigla na lang sumaya. Anak ng pusang gala naman oh!!!!

At ayun nga, tinali niya yung kulot kong buhok at nilagyan niya ng make-up yung mukha ko na sobrang kapal at nilagyan ng lipstick yung labi ko, teka...

"Saan mo nakuha yung make-up kit at lipstick na yan?!"

"Edi sa bag ng titser namin", tiningnan ko naman yung bag ng titser nila na nakapatong sa table niya at, "Naku, ibalik mo yan at baka pagalitan ka nang titser mo!"

At agad niya namang binalik sa bag yung mga kinuha niya. Tsk!!! Masama yun ha, dapat magpa-alam ka muna bago ka manghiram ng gamit ng iba.

Tumalikod muna ako sa kanya, kinuha ko yung salamin na nakakabit sa gilid ng room nila at, "Kyaaaaaaaaa!!!!! Anong nangyari sa'kin!!! Ba't naging ganito yung mukha ko?!" sabi ko habang nakatingin ako sa salamin.

"Kuya smile!"

***Click***

Argh!!! Sa kanya ba yung cellphone na hawak hawak niya?! Ginamit niya kasi yung camera ng cellphone niya para kunan ako ng picture.

"Halika dito bata ka! Ibigay mo yung cellphone mo sa'kin!!"

"Ayoko ko nga!!!, behlat!!!"

Ini-inis niya talaga ako, naghabulan kaming dalawa sa loob ng room niya hanggang sa lumabas siya, "Hindi ka makakatakas sa'kin bata ka!!!"

Pagkalabas ko, bigla nalang akong natulala nang makita ako ng mga kaklase ko na ganito yung mukha ko. Parang gulat na gulat sila sa nakita nila at sinarado ko na lang yung pinto ng dahan-dahan. Pagkasira ko, "Argh!!!!!!! Nakakahiya!!! Ayoko ko nang lumabas!!!".

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon