Chapter 30 Jealousy
Ronmart June Pov:
“Hindi pa ba tayo uuwi?” nabili ko na kasi yung gusto niyang Ice Cream so dapat wala ng dahilan para magstay pa kami dito di’ba? Nasa maliit na Mall kasi kami, nag suggest siya na dito kami pumunta para bumili ng Ice Cream, pero parang ayaw na yata niyang umalis.
“Eto naman, kararating lang natin dito tapos gusto mo nang umuwi. Mag enjoy muna tayo dito, Sige na.” Aish! Ano naman ang gagawin namin dito? Uupo lang habang kumakain? Saan ba dito yung tinatawag niyang mag-ENJOY?
Habang naka-upo lang kami dun, bigla namang dumating yung kaklase kong kumag. Alam niyo na siguro yun kung sino, kung hindi malalaman niyo rin.
“Sharie! Totoo bang umiyak ka sa School kanina?”tanong ng kaklase ko sa kanya.
“Ha?! Wala yun kalimutan mo na yun.”
“Hindi yun pwede! sabihin mo kung sino yung nagpaiyak sa’yo para mabugbog ko yung pagmumukha niya.”
Aba! Tapang nito ha! Sinasadya niya bang galitin ako o gusto niyang mabalik yung pagkakasabi niyang mabugbog ang mukha?
Tumingin lang sa’kin si Sharie na parang hindi alam ang gagawin. Ako yata ang tinutukoy niya na nagpaiyak sa kanya, pagkatapos nun binalik niya ulit yung tingin niya kay Max.
“Wala na yun Max, pinatawad ko na yung nagpaiyak sa’kin at nag sorry na din s’ya kaya wala kang dapat ipag-alala. Teka, anong ginagawa mo dito sa Mall?”
“Naglalakwartsa lang, hindi ko pa kasi trip umuwi. Gusto mo bang mag-ikot ikot muna tayo?”
Parang na-O-OP na yata ako ha, hindi niya ba nakikita na kasama niya ko dito? Nakakapikon na talaga siya!
Hindi ko na talaga kaya pang manahimik kaya umepal na talaga ako sa kanilang dalawa. “Pasensya na tol ha, kasama ko siya ngayon eh, kaya humanap ka na lang ng iba.”
Parang nagulat naman siya sa sinabi ko, hindi lang pala siya pati na rin yung malandi kong Guardian. “Ronmart! Andito ka rin pala, kanina ka pa ba diyan?”
Pigilan niyo nga ako at baka hindi na ‘to maka-uwi sa kanila! Gusto niya talaga tikman yung kamao ko no? Naku! kung wala lang talagang tao dito baka nabalian na ‘to ng buto. Joke lang!!! hindi naman ako ganun ka brutal.
“Hindi, kararating ko lang nga eh,” sarcastic na pagkakasabi ko sa kanya.
Wala naman siyang nasabi sa’kin sa pagkakasabi ko, sa halip binalik niya lang yung tingin niya kay Sharie. “So Sharie, gusto mo bang sumama maglibot?”, Tssk!!! Anino na lang ba ako dito at binaniwala niya lang talaga yung sinabi ko ha! pero teka, ano naman ang karapatan ko para pigilan siya na sumama sa kanya? Hindi niya naman ako Boyfriend.
“Tumingin lang siya sakin pagkatapos siyang tanungin ni Max,” ako naman inalis ko na lang yung pagkakatingin ko sa kanya. Hindi ko lang alam kong bakit ganito yung nararamdaman ko, pero parang nakakaramdam yata ako ng SELOS? Pakshet naman!!!
“Aalis na ko,” yun na lang sinabi ko, umalis na talaga ako at iniwan ko na silang dalawa. Magsama sila, at uuwi na ko.
Nang nakalabas na ko ng Mall, dumiretso na kaagad ako ng sa parking lot kung saan naghihintay na naman doon ang driver ko. Alam ko hindi kami makaka-alis kung hindi siya kasama, pero pwede ko naman tawagan yung Daddy ko na may inasikaso siya, o di kaya’y NAG-DATE kasama ang kaklase ko kaya hindi kami ngayon makakasabay.
Sakto naman na pagkapasok ko, laking gulat ko naman na pumasok din siya sa loob.
“Ikaw talaga, ba’t palagi mo na lang ako iniiwan?”
“Teka, akala ko ba sumama ka na doon sa kumag kong kaklase, ba’t andito ka?”
“Ba’t naman ako sasama dun, eh ikaw ang gusto ko.” Tama ba yung narinig ko? Ako ang gusto niya at hindi yung kumag kong kaklase?
“Anong sinabi mo?”
“Ah, A-ang ibig kong sabihin ba’t ako sasama dun eh Guardian mo ko, dapat palagi tayong magkakasama di ba?.”
“Ganun naman pala,” yun na lang ang sinabi ko pero rinig-na rinig ko naman na gusto niya ko, parang napapakilig at ako ngayon ha.
“Nagseselos ka ba sa kanya?”
“Ano?! b-ba’t naman ako m-magseselos a kanya? H-hindi no!” Shet naman!!! Hindi talaga ako sanay magsinungalin, ayan tuloy napangiti na lang siya sa’kin. Nahalata niya naman siguro na nagsisinungalin ako. Buhay nga naman!!!
Sharie Faye Pov:
Ayiiiieehhh!!! Kinikilig talaga ako, lalong lalo na nagseselos pala si Ronmart sa’min ni Max! Akala ko nga wala siyang pakiramdam, yun pala nakakaramdam din siya ng selos.
“Akala mo ba hindi ko alam yung pinagkakagawa mo?” biglang nawala yung pagkakakilig ko nang nagseryoso siyang sinabi yun.
“A-anong ibig mong sabihin?”
“Yung pangungulit mo sa’kin, pagbibigay mo ng pagkain at yung pagsauli ng notebook ko, alam ko lahat nang yun.”
“A-ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan eh.” Kinakabahan na talaga ako sa pwede niya pang sabihin. Seryoso na talaga siya.
“Hindi mo ba nahalata? Di ba nung gabing yun galit ka sa’kin? nakakapagtaka naman na bigla mo kong kinulit para lang mapansin kita.”
Nahalata niya ba yun? Naku naman. “Pangalawa, nahuli kitang nagluluto nang hating gabi, alam ko naman na hindi ka marunong magluto kaya hinayaan na lang kita. Nasunog pa nga yung manok sa kabi-busy mo sa kahihiwa. Sa tingin mo ba basta-basta na lang ako tumatanggap ng kung ano-ano? pero dahil sa pinaghirapan mo yun, inubos ko talaga yung niluto mo kahit hindi masarap.”
Pati yun, alam niya? H’wag niyang sabihin na yung pangatlo alam niya din. “Pangatlo,”sabi ko na nga ba, “Nahalata ko na may gumalaw sa gamit ko, kaya tinanong ko yung butler kong sino yung huli niya nakita. At sinabi niya naman na ikaw yun kaya nagtaka na ko kung bakit, nung tiningnan ko yung gamit ko sa loob, nakita ko na nawawala yung isa kung Notebook, bago mo pa yun sina-uli.
Wala na talaga akong masabi, huling-huli na talaga ako sa mga pinagkakagawa ko. Akala ko makakalusot ako yun pala hindi. Parang galit na siya makatingin sa’kin, pero unti unti naman nawawala yun nung may huli pa siyang sinabi.
“Pero yung pang apat,” at ngumiti siya sa’kin na parang nakakatunaw, “Hindi ko eni-expect na gagawin mo talaga yun, ang umiyak sa maraming tao. Palpak ka man sa una hanggang sa pangatlo pero nakabawi ka naman sa pang apat.”
Biglang nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na talaga ng mga mukha namin, kulang na lang ang maghalikan.
“Na appreciate ko talaga yung mga effort mo, kaya maraming salamat, ikaw na yung pinakabest na naging Guardian ko.” at hinalikan niya ko sa noo. Yun lang talaga ang hobby niya kapag nagpapasalamat siya, ang humalik sa noo. Pero sobrang kinilig talaga ako dun, para na kong bulkan na sasabog sa sa sobrang kilig. HAAAAAAAA!!!!! Napa-blush na ko!!!!!
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...