Chapter 2 A New Student
Sharie Faye Alcala Pov:
Sa wakas at nakarating na rin kami ng School, buti na lang at naka-abot pa kami. Nagpa-alam na si Erick para pumunta sa classroom niya, iba kasi yung section niya, at ako naman pumunta na rin sa Classroom ko. Star Section ako ng School namin at dahil sa talino ko, nagkaroon ako ng Scholarship at Tuition free pa ako, ang problema lang ay ang Miscellaneous fee kasi kahit ito lang yung binabayaran namin, malaki pa rin para sa'min. Wala tayong magagawa, mahirap eh at tsaka Private School toh!
Pagkarating ko sa room, sakto din namang nagring yung bell pero hindi pa dumadating yung teacher namin, wow ha first day of School walang teacher? it's a miracle! kaya naisipan ko munang matulog sa desk ko, puyat kasi sa kapapanood ng drama kagabi.
"Alcala, Sharie Faye... Alcala Sharie Faye? ALCALA, SHARIE FAYE!!!", pagrinig ko nun, bigla na lang akong napatayo sa pagkakatulog at sinabing, "MA'AM PRESENT MA'AM!!!", at naisigaw ko pa yun ng malakas sa buong klase kaya naman nagsipagtawanan yung lahat ng mga kaklase ko.
"Hahahaha!!!!, grabi ka Sharie! sobrang hyper mo naman!", sigaw ng isa kong kaklase, anu ba yan nakakahiya!
"Sharie Faye Alcala, bakit ka natutulog sa klase ko?, first day pa lang natin natutulog ka na kaagad?", sabi sa'kin ng teacher namin.
"Uhmm, pasensya na po Ma'am, puyat po ako eh", sabi ko sa kanya habang hinihikab ako sa antok. Hindi ko namalayan na nag-uumpisa na pala yung klase, napahimbing yata yung tulog ko.
"Sa susunod, matulog ka ng maaga para hindi ka puyatin, ayusin mo nga yung sarili mo at pumunta ka na dito sa gitna para magpakilala."
Oo nga pala, kapag first day of School ito palagi yung ginagawa namin, ang magpakilala sa harapan ng klase. Eh mula pa Elementary ganito na yung ginagawa ko eh, ano pa nga ba ang pinagkaiba?
Ay nakalimutan ko pala, Star Section Ace yung section ko, ang isa sa Star Section ng School namin, at isa din ako sa matatalino sa'ming kaklase. Oh di ba, ang galing ko noh? matalino yata to! whahahaXD... tamad nga lang.
Pumunta na ko sa harapan para magpakilala, "Hello everyone my name is Sh---", hindi pa ko tapos magsalita ay biglang may narinig kaming naghihiyawan at nagtitilian mula sa labas kaya naman nagsipag-alisan yung mga kaklase mula sa inupuan nila para tumingin, ako naman naiwan lang sa gitna habang nakangiti.
"Ano nangyari?", sabi ko sa sarili ko habang nakatayo lang ako dun mag-isa.
"Girls, tingnan niyo oh ang ga-gwapo talaga nila!!!"
"Oo nga, alam niyo na-miss ko talaga sila buong summer at tsaka parang may dumagdag sa kanila!!!"
Sinubukan kung tumingin sa labas pero hindi ko makita, ang tatangkad kasi ng mga kaklase ko kaya minabuti ko na lang lumabas para sa malapitan ko silang makita, at pagkalabas ko mula sa crowded classmate ko, as usual yung grupo na naman ng naggagwapuhang lalaki ang tumambad sa'min, mga taga ALPHA Section. Sikat kasi ang ALPHA Section kaysa sa Ace Section hindi dahil maraming matatalino sa kanila kundi dahil marami rin ang magagandang babae at mga naggwa-gwapuhang lalaki.
"Wow!!! Ang Gwa-Gwapo nilang lahat!!!"
"Oo nga, parang Angel silang bumaba sa lupa!!!"
"Jof, ang Gwapo moh!"
"Christian, ang Cute mo talaga!!"
"John, ang pogi mo!!! ahhh!!!"
"Ian, no.1 Fan mo ako!!!"
"Jp, Crush kita!!!"Sigaw ng isa kong kaklaseng babae.
"Hoy! ano ba kayo, parang ngayon lang kayo nakakita ng Artist-este lalaki ha, hindi nyo ba---"hindi pa ako tapos magsalita ay biglang nagsalita yung isa kung kaklase, at ako naman si Gaga ay naging enteresado na din.
"Mga girls, tingnan nyo may bago silang kasama"
"Asan-asan?", lakas pagkakasabi ko, bwisit na Author 'to ha. >_<
"Ayun oh, yung naka All-black."
Hinanap ko sa kanilang anim yung bago daw nilang kasama.
"Naka-All black, naka All black, naaakkkaaa aaaalll--" bigla akong napatigil at nasigaw ko bigla na,...."OOOhhh mmaaayyyy GOOOSSSHH!!! Ang Gwapo nya!!!! ahhh!!!!!" parang baliw ata ako sa pagkakasabi ko dun ha.
Imagine mo naman, Maputi, hindi masyadong matangkad pero maganda ang katawan, Curl yung hair, ang kinis ng mukha, nakakatunaw yung tingin at nakakasilaw siyang tignan.
"Uyyy, yung naka black type kita!"
"Sino yung naka-black, grabi ang cute naman nya"
"Bago ba sya dito? ang swerte naman ng School natin, maraming mukhang Artista"
Teka naalala ko si Sharmaine, isa sa mga kaklase ko, siya yung nagrerecord kung sino yung mga bagong estudyanteng nag aaral dito sa school namin, para makakuha s'ya ng bagong impormasyon tungkol sa kanila.
Tumalikod muna ako at hinanap si Sharmaine, nakita ko s'ya na nagsusulat habang pinapanuod yung anim na naggwa-gwapuhang lalaki.
"Sharmaine, meron ka bang impormasyon tungkol sa lalaking naka-black na yun?"sabay turo ko sa lalaking naka-black.
"Ah yun ba, sya si Ronmart June Garcia, isa sa mga bagong estudyanteng nag enroll dito sa school natin. Sya yung nakakuha ng pinakamataas na score sa entrance exam, at ang mga magulang niya ay isa din sa nagmamay ari ng ibang building sa school natin. Sa ngayon yan lang muna yung impormasyon na alam ko."
Talagang maaasahan talaga si Sharmaine pagdating sa impormasyon, kahit maliit lang yung nalaman ko sa kanya, atleast may alam na ako tungkol sa pagkatao ng lalaking iyon.
"Salamat Sharmaine ha" sabay kaway sa kanya.
Nang naka-alis na sila, ay bumalik na kami sa Classroom namin, parang nanood lang kami ng sine pagkatapos ay back to normal life na. Argh! nakakainis! >.<
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...