Chapter 37 Mhia!!!

1K 23 0
                                    

Chapter 37 Mhia!!!

 

Sharie Faye Pov:

Hinintay ko talaga si Mhia dahil sa ginawa niyang gulo, kapag nalaman ng pinsan niya yung ginawa niya, siguradong lagot siya talaga!

Dumating na din si Sharmaine at parang may hinahanap siya yata sa mga kaklase namin.

“Dumating na ba si Mhia?” sabi niya na parang galit?

“Hindi pa nga eh, kanina pa nga ako naghihintay dito. Bakit mayproblema ba? Parang ang init ata ng ulo mo.”

Padabog siyang pumunta sa upuan niya, iniwan yung bag at umupo sa tabi ng upuan ko. “Sino bang hindi magagalit eh pinalitan niya yung subject na inilagay ko! Biruin mo Handicraft yung inilagay ko naging Electricity?! Tama ba yun? And the worse part, puro pa naman lalaki yung mga kaklase ko!!!”

“Pffffft!!!” parang matatawa ako sa mga sinabi niya. Hindi ko ma-imagine talaga na maging ganun yung sitwasyon niya. Pero mas hindi ko pa rin ma-iimagine si Ronmart sa naging reaksyon niya nung sabado.

“Aba, at pinipigilan mo pang tumawa ha, hmmmp!!!!”

“Naku hindi-hindi mas malala pa nga yung sitwasyon mo kaysa kay Ronmart eh.”

“Ha? Bakit?”

“Naligaw din siya sa pagpasok ng subject niya, Parang lilipad na nga yung kaluluwa niya nung nalaman niyang mag-aalaga siya ng baby.”

“Ano bang subject yung napasukan niya?”

“Care Services”

Konting tahimik...

“WHAHAHAHA!!!!” at nagtawanan na lang kaming dalawa,

“Si Ronmart mag-aalaga ng bata? Whahaha!!! Hindi ko talaga ine-expect yun!”

Hindi ba niya inisip na biktima din siya? pareho nga sila ng sitwasyon pero kung makatawa parang wagas,  mas malala pa nga yung sa kanya eh, sino namang matinong babae ang gustong aralin ang tungkol sa kuryente. At isa pa dun, siya lang ang nag-iisang babae sa kaklase niya pero parang balewala lang sa kanya.

“Uy uy uy, h’wag kang tumawa. Alalahanin mo, parehas lang kayong dalawa. At hindi pa dumadating yung suspek este yunghinihintay natin. Siguro pinagtataguan na tayo nun.

Maya-maya ay dumating na yung titser namin, and guess what sabay silang dumating ni Mhia, sinadya niya bang sumabay sa titser namin? Pero pa rin siya makakatakas sa mga katanungan namin ni Sharmaine mamaya.

Pagka-upo niya, parang ang sama ng tingin sa kanya ni Sharmaine. At ako naman nagpipipigil na tanungin siya.

“Pssst! Mhia ano na namang ginawa mo? Ba’t pinalitan mo yung subject na pinili ni Ronmart? Ayan tuloy nag mukhang ewan sa klase namin nung sabado.” Pabulong ko sa kanya.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon