Special Chapter 3

993 22 1
                                    

Special Chapter 3

Heto na naman tayo pipol, naalala niyo pa ba nung muntik na si Sharie mapahamak dahil sa tatlong adik? Well kung ganun, nagtataka na rin kayo siguro kung bakit magkasama sina Erick at Ronmart sa pagtulong kay Sharie, ito na po yung sagot sa pagtataka niyo.

Ronmart June Pov:

Saan na ba yun napunta yung babae na iyon? Balak niya ba akong iligaw dito? Asa naman siya. Alam ko rin siguro kung paano babalik noh. Kaso hindi ko naman siya pwedeng ewan dito, pwera na lang kung naka uwi na siya. Matawagan nga si Erick,

De-nial ko yung number niya, hiningi ko lang to kay Mhia para kung nagkaproblema man sila ay pwede ko siyang tawagan.

"Hello?" sabi ko sa phone.

"Hello? sino to?"

"Dude, ikaw ba to Erick?" sabi ko para naninigurado lang.

"Ronmart? pa'nu mo nalaman yung number ko?"

"Hindi na yun importante, nasa'n ka ba?"

"Nasa School pa tol, nagkaklase kami ngayon, mamaya ka na lang tumawag."

"Hindi pwede tol, nawawala si Sharie!"

"Ano?! di ba magkasama palagi kayong umuuwi? ba't siya nawala?"

"Eh kasi tol, iba yung daanan na dinaanan namin, hindi ko nga alam kung bakit doon kami dumaan basta sinundan ko lang siya. Pagkatapos nun kumaripas siya ng takbo, hinabol ko siya pero hindi ko na siya nakita. Siguro pinagtaguan niya ako para maligaw ako dito."

"H'wag niyong sabihin na dumaan kayo sa daanan kung saan walang sasakyan na dumadaan?!"

"Ganun na nga tol!"

"Shet!! delikado ang daan na yan, maraming adik dyang nakakalat!"

"Ano?! tol tulungan mo ko dito, hindi ko alam ang mga pasikot sikot dito, at baka nasa panganib si Sharie!"

"Sige tol, hintayin mo lang ako diyan at pupuntahan kita."

Pinatay ko na yung phone ko at bumalik ako sa daan kung saan palagi naming dinadaanan ni Sharie papuntang school at pauwi.

Paglabas ko sa daan na yun ay nakita ko na kaagad si Erick dala yung kotse niya, buti na lang at mabilis siya.

Bumaba siya ng kotse niya at hinanap namin si Sharie sa daan na dinaanan namin kanina. Medyo natatagalan nga kami sa paghahanap hanggang sa may napansin si Erick na kahina-hinala.

"Tol, may mga adik na lalaki dun oh, tatlo ata sila"

Tiningnan ko naman yung tinutukoy niya, nakita ko nga sila pero may isa pa kong nakita na tao, medyo malabo lang kasi naka upo siya. "Tol, sa tingin ko apat sila hindi tatlo."

Hindi pa rin ako kuntento sa nakita ko eh kaya nilapitan ko na lang at sumunod naman sa'kin si Erick. Nang nakita ko na kung sino yung naka upo, nakita ko isang babae na naka uniporme at medyo punit punit, teka,

"Tol si Sharie yun, nasa panganib siya!!!" sigaw ko kay Erick at kumaripas ako ng takbo papalapit sa kanila. "H'wag niyo siyang sasaktan!!!" sabi ko doon sa tatlong adik habang tumatakbo ako sa kanila.

"HAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" sigaw ko hanggang sa tumalon ako ng mataas at "HIYAAAA!!!", sinipi ko yung isang adik na nasa gitna ng sobrang lakas ko. At "BAM!!!" headshot yung inabot niya sa sipa ko at natumba siya.

And that's how the story happen...

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon