Chapter 12 Souvenir

1.5K 29 0
                                    

Chapter 12 Souvenir

Sharie Faye Pov:

Grabi nag-enjoy talaga ako, sa wakas nakaramdam na rin ako ng pagod. Si Ronmart naman,

"HOY!! Ba't gumagapang ka d"yan? tumayo ka nga." Grabi, sobrang pagod na siya siguro.

Mabuti pa siguro umuwi na kami, gabi na kasi at tsaka hindi pa ako nakapagpaalam kay nanay na mali-late ako uuwi.

"Mart, uwi na tayo teka ano na pa lang oras?"

"Alas dyes na." sabi niya habang nakatingin sya sa relo niya.

"ANO?!, ALAS DYES NA? ba't 'di mo sinabi kaagad? Naku patay talaga ako kay Nanay."

"Ewan ko sa'yo, hindi ka man lang nagtanong eh." sabi niya habang nakapamulsa siya.

Naku pigilan n'yo nga ako at sasakalin ko na talaga 'tong kasama ko, kasalanan n'ya naman 'to kung bakit andito kami sa Mall eh. Hay, parang wala naman siyang pakealam, sabagay ako lang naman ang pagagalitan at hindi s'ya. =_=

"H'wag kang mag-alala, nakapag paalam na 'ko sa Nanay mo na mali-late ka uuwi ngayon."

"Teka, pa'nu mo nalaman yung cellphone number ng Nanay ko? Txtmate ba kayo?"

"Tangek!! Nakita ko lang kanina sa cellphone mo habang nahimatay ka kaninang umaga mula pa sa kotse kaya ayun nakapag paalam na ko sa kanya."

"Ah buti naman pala," akala ko patay na talaga ako, buti na lang at hindi.

"Teka Sharie, bago muna tayo uuwi dadaan muna tayo sa Bookstore, may bibilhin lang muna ako, okay ba sa'yo??".

"Sige, ikaw ang bahala," sabi ko habang ngumingiti lang ako sa kanya.

Nang nakapunta na nga kami sa Bookstore, hinintay ko na lang s'ya sa labas, mabilis lang daw siya sabi niya eh kaya hindi na lang ako pumasok.

Habang hinihintay ko siya sa labas, palakad lakad muna ako habang pinagmamasdan ko yung mga tao na nasa paligid ko para hindi ako mainip, yung iba pauwi na at yung iba naman namamasyal pa kasama yung pamilya nila. Hanggang alas dose pa magsasarado 'tong Mall na 'to eh kaya medyo marami pang tao.

Sa palakad lakad ko, hindi ko sinadyang may makabangga pala ako, mag couple 'ata silang dalawa at paalis na sana. Yung girl may hinahawakang Ice Cream kaya naman natapon ito sa damit niya sa pagkakabangga ko.

"HEY! WATCH WE'RE YOU DOING FREAK GIRL!!!, inis na sabi niya sa'kin.

"Naku sorry po talaga, hindi ko po sinasadya," sabi ko habang yumuyuko ako sa kanya.

Biglang tinulak ako ng kasama niyang lalaki, kaya napatumba ako sa kinatatayuan ko.

"ANO KA BA! HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO?!" tumalikod siya sa'kin at tinanong niya yung kasama niyang babae."Sweetheart okay ka lang ba? hindi ka ba nasaktan?"

Grabi, ang OA naman ng lalaking 'to, mahina lang naman yung pagkakabangga ko sa Sweetheart niya or wateber pero kung magtanong parang nabalian 'ata yung kasama niya.

"Hindi naman Sweetheart pero tingnan mo yung damit ko ho, ang dirty-dirty na." reklamo niya.

Sa galit siguro ng lalaki, hinawakan niya bigla yung wrist ko ng mahigpit , sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya, parang mangingiyak na ako sa sobrang sakit.

"Bitawan niyo po ako, nasasaktan na po ako." mangingiyak na sabi ko sa kanya habang sinusubukan kong itanggal yung kamay niya sa pagkakahawak niya sa'kin pero wala talaga akong lakas.

"SA TINGIN MO PALALAMPASIN KITA SA GINAWA MO?! ANG DAPAT SA'YO TURUAN NG LEKSYON!!!."

Iba talaga pagmahal mo yung tao, lahat gagawin mo para sa kanya, Hayyy.... LOVE nga naman. Teka, ba't ko ba 'to sinasabi sa sitwasyon ko ngayon? OH NO!

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon