Chapter 28 Last Chance
Sharie Faye Pov:
Heto na yung oras ng subject nilang Algebra. Andun lang si Mhia sa gilid ng Room nagtatago habang hinihintay niya kong pumasok sa loob. Nanginginig na yung mga paa ko pero heto na ko eh, hindi na ko pwedeng umatras pa.
“Good Afternoon po,” sabi ko habang papasok na ko ng room nila.
“Yes, may I help you Ms.?” Sabi ng professor niya sa’kin habang yung mga kaklase naman niya nakatingin lahat sa’kin.
“Sharie Faye Alcala po.”
“Ms. Sharie Faye, anong maipaglilingkod namin sa’yo?”
“Eh kasi po naiwala kasi ni Ronmart yung Notebok niya kaya balak ko po sanang ibigay ‘to sa kanya”, at pinakita ko yung Notebook na hawak hawak ko. Mali naman kung sasabihin ko na naiwan niya baka mahalata kami na magkasama kami sa iisang bahay.
Ayiiieeeehhhh!!!
Naks naman!!!
Ahem! Ahem! Ahem!
Halos lahat ng mga kaklase niya naghihiyawan habang kita ko naman sa itsura niya na parang namumula. Halata naman na nahihiya pa siyang kunin sa’kin yung notebook niya kaya ako na lang yung lumapit.
“Ah Ronmart naiwala mo ‘to kaya sinasauli ko ‘to sa’yo”, hindi siya nakatingin sa’kin pero nakikita ko na ngumingiti siya. Halos napapangiti na din ako, kaya binilisan ko nang binigay para maka-alis na ko sa mga tuksuhan ng mga kaklase nila sa’min. Parang naba-blush na ko.
Pagkakuha niya, agad na umalis na talaga ako, “Tagumpay ako!!!” yun lang ang sabi ko sa sarili ko.
Habang dali-dali akong lumabas, akala ko okay na sana pero nang biglang,
“BLANG!!!!”
“Aray ko!” yun lang ang nasabi ko habang nakahandusay ako sa sahig. Sinadya talaga akong dapain ng isa niyang kaklaseng babae kaya naman napatumba ako. Lahat sila parang naaawa sa’kin at si Ronmart naman naka face palm lang. Nakakahiya naman talaga!!!
“Scarlet!!!” sigaw ng professor nila. Siguro nakita niya yung ginawa niya kaya siya nagalit, pati na rin yung mga kaklase niya. Akala ko nga pagtatawanan nila ako, yun pala ang mga kasabwat lang niya yung tumatawa sa’kin.
“Uy girls, tingnan niyo ho, kawawa naman siya. Masakit ba?” sarcastic na pagkakatanong niya. Hindi ko lang siya tiningnan at tumayo na lang ako sa pagkakadapa ko.
“Ms. Sharie okay ka lang ba?” concern na tanong ng professor nila sa’kin habang tinutulungan akong makatayo. “Okay lang po ako Sir.” Sa totoo lang, hindi ako okay, Okay na sana yung plano namin ni Mhia kaso umepal naman ‘tong bruhang babae na ‘to.
“Scarlet! Magsorry ka sa kanya!” galit na pagkakasabi ng professor niya dun sa babaeng dumapa sa’kin.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...