Chapter 22 Decision

1.1K 27 0
                                    

Chapter 22 Decision

 

Hinatid na ako ni Mamang driver ni Ronmart para bumalik dito sa School, humingi na ako ng pasensya sa titser ko dahil hindi na ko dumating sa klase niya. Pero sinabi niya sa’kin na excuse na daw ako mula pa kaninang umaga.

“Uy, saan ka ba nanggaling at bakit ngayon ka lang dumating?” palihim na tanong sa’kin ni Mhia.

“Mamaya ko na lang iku-kwento sa’yo, sa ngayon huwag lang muna kasi gulong gulo pa yung isip ko eh.” At hindi na ko kinulit ni Mhia sa pagtatanong. Buong araw kong pinag-iisipan yung sinabi sa’kin ni Mr. Garcia, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag desisyon.

Sinabihan ko nga si Mhia tungkol sa problema ko, handa naman siyang tumulong kung kakailanganin ko ng pera, pero ang problema hindi ko alam kung kailan ko siya mababayaran at tsaka ayaw kong abusuhin yung pagkakaibigan naming dalawa.

“So ano na yung desisyon mo?” tanong sa’kin ni Mhia.

“Hindi ko alam eh, sasabihin ko pa ‘to mamaya kay Nanay, hindi ko alam kung papayag siya pero dapat kailangan niya pa rin itong malaman.”

Pagkauwi ko, tinanong ko kaagad si Nanay kung kamusta na yung kalagayan ni Tatay. Ang sabi naman niya okay lang daw siya doon pero mukhang matatagalan pa bago siya lumaya.

“Magkano po ba ang kakailanganin nating pera Nay?”

“100,000 anak, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganyan kalaking pera. Pero natatakot ako para sa tatay mo, baka magkasakit siya dun at baka ano pang gawin sa kanya dun sa loob ng kulungan.” Pag alalang sabi niya sa’kin.

Sasabihin ko na sana yung kondisyon sa’kin ni Mr. Garcia pero may sinabi pa siya na parang labag sa kalooban ko.

“Anak, pwede bang tumigil ka muna ngayon sa pag-aaral? Kayong dalawa ni Cherry para maka-ipon ako ng pera para sa tatay mo.”

Tumayo na ko sa kinatatayuan ko, kung andito si tatay hinding hindi siya yun papayag na titigil ako sa pag-aaral. Nagtatrabaho siya para makapagtapos kami ng pag-aaral, tapos titigil na lang kami basta-basta lang? Masasayang lang yung pinaghirapan niya pati na rin kami ni Cherry.

“Hindi Nay, hindi kami titigil sa pag-aaral ni Cherry, may naiisip na kong paraan”, tiningnan lang ako ni Nanay at naghihintay lang sa sasabihin ko kung anong paraan yung naiisip ko.

Nang sinabi ko yun sa kanya, sa una parang hindi siya pumayag sa mga kondisyon ni Mr. Garcia pero sa huli napagdesisyunan din namin na pumayag na sa kondisyon niya.

“Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede ka pang umatras diyan”, huling nasabi sa’kin ni Nanay bago ko pa ma dial yung number na binigay sa’kin ni Mr. Garcia. Bago kasi ako umalis dun sa Mansion niya, binigyan niya ako ng calling card kung baka sakali mang pumayag ako sa kondisyon niya.

“Wala na po ‘tong atrasan Nay, nakapagdesisyon na kong ito ang pinili ko.”

“Anong napili ate?” bigla namang sumulpot yung kapatid kung babae. Hindi pa namin sinabi kay Cherry na nakakulong ngayon yung tatay namin, masyado pa kasi siyang bata para sa mga ganyan. Baka ma trauma pa siya at baka mabaliw pa siya sa kapo-problema kay tatay.

“Ah wala anak, simula ngayon, hindi na dito uuwi yung ate mo”, sabi niya na parang pinipigilan niyang umiyak.

“Ha? Magbo-board ka ba ate?” Masyado pa nga siyang bata sa mga ganito. “Oo bunso, hindi muna ako makaka-uwi dito bukas, ikaw nang bahala kay Nanay ha?.” Maski ako, pinipigilan ko din umiyak, tiningnan ko lang si Nanay at de-nial ko na yung number ni Mr. Garcia.

“Hello Mr. Garcia?”

“Oh Ms. Sharie Faye ikaw pala, so ano nakapagdesisyon ka na ba?”

Hinihintay na ni Mr. Garcia ang sagot ko, ang huli kong ginawa tiningnan ko lang si Nanay na tumutulo yung luha niya at si Cherry na walang kaalam alam sa mga nangyayari. “Opo, nakapag desisyon na po ako.”

“Good!!! So ano ang desisyon mo?”

*sigh*

***Hinga ng malalim***

“Pumapayag na po ako sa kondisyon mo”...

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon