Chapter 26 A Bad Dream
Sharie Faye Pov:
“RONMART!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Bigla na lang akong nagising at tumingin sa paligid ko, nasa kwarto lang pala ako. ”Panaginip lang pala” sabi ko sa sarili ko habang hinihimas ko yung ulo ko. Basang basa ako ng pawis, binabangungot lang siguro ako.
Maya maya napatingin na lang ako sa alarm clock ko na nakalagay lang sa desk sa gilid ng kama. “Alas tres pa naman,” at bumalik na lang ako sa pagkakahiga ko.
After 15 minutes
“HAAAAAA!!! Ano ba yan hindi na ‘ko makatulog!!!”, Bumangon na ko sa kama at pumunta sa banyo, “Aish!, tutubuan na yata ako ng Eyebag”,sabi ko habang nakaharap ako sa salamin.
Pagkabalik ng kama, ganun pa rin, hindi pa rin ako makatulog kaya minabuti ko na lang lumabas ng kwarto at dumeritso ng kusina. Nakita ko na may ilang maid pa ang gising, mga tatlo ata sila o apat. Pero hindi na nila ako pinansin pagkababa ko.
Nagtimpla na ko ng gatas para makatulong din para makatulog ako ulit. “Hindi pa ba kayo matutulog, alas tres na ha?” tanong ko dun sa mga maid. “Malapit na po ‘tong matapos Ms. Sharie” sabi ng isang maid habang tinatapos nila yung ginagawa nila.
Natulog na din sila pagkatapos nun, ako naman gising pa rin. Hindi ko pa nauubos yung gatas na tinimpla ko, at ako na lang mag-isa dun sa kusina.
Pagkatapos kong inumin yung gatas, babalik na ulit sana ako sa kwarto pero may napansin ako na bukas pa yung pintuan mula sa labas. “Siguro may tao pa dun”, sabi ko sa sarili ko. Kaya lumabas na lang ako ng bahay para tingnan kung may tao nga ba o wala.
Paglabas ko, wala naman akong may nakikitang tao kaya bumalik na lang ako sa loob. Sisirhan ko na sana yung pintuan pero may narinig akong konting ingay mula sa gilid kaya napatingin ako ng sandali. Laking gulat ko na nakita ko si Ronmart na naka-upo lang habang may hinihintay.
“Ronmart? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha, ba’t hindi ka pa natutulog?” Ba’t andito siya sa labas ng bahay, at tsaka alas tres na!
“Oh Sharie, akala ko hindi ka na lalabas.” Ano? ako ba yung hinihintay niya dito?
“Anong bang ginagawa mo dito sa labas ha?”
“Di ba sabi ko sa’yo kung may oras ka puntahan mo ko dito?” Ay!!! Seryoso nga siya sa sinabi nya, Naku Sharie naman, ba’t mo naman siya pinaghintay?
“Pwede bang pumasok ka na dito sa loob, maraming lamok diyan.”
“Di ba pwedeng mag-usap tayo dito sa labas?”
“Ayaw mo? Ilo-lock ko ‘tong pinto”.
“Subukan mo at malilintikan ka sa’kin.” Aba, tinatakot ba ko ng halimaw na ‘to?
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...