Chapter 44 Where is she?

1.1K 22 0
                                    

Chapter 44 Where is she?

Ronmart June Pov:

" Hay, ang ganda ng panaginip ko ah. Umalis na daw yung Guardian ko dito sa bahay. " sabi ko habang ini-unat ko yung katawan ko. Lumabas na ko ng kwarto at pumunta sa silid kainan para kumain.

" Ang weird naman, bakit parang ang tahimik ng bahay ngayon? At nakakapagtaka naman na hindi pa gumigising yung Guardian ko. " sabi ko habang kumakain.

Habang nanunuod ako ng t.v. sa Sala, hinihintay ko naman magising si Sharie pero ALAS ONSE NA BA'T HINDI PA RIN SIYA GUMIGISING?!!!

Tinawag ko yung butler para gisingin siya pero ang sabi niya daw umalis na siya dala yung mga damit at mga gamit niya. Pero papalitan daw siya ng bago pero mamayang hapon pa siya dadating.

" Yes!!! yung panaginip ko nagkakatotoo, sa wakas wala na siya. Whahaha!!! ako na naman ang tao dito sa bahay maliban lang sa butler at maids. "

Parang bumalik na sa dati ang lahat, wala na kong po-problemahin pa. At madali lang naman sa'kin paalisin yung magiging guardian mamaya. Makabalik na nga ulit sa Sala.

Ano ba yan, ba't parang hindi na ko sanay sa dati kong buhay? palagi ko namang hinahangad na mapa-alis siya sa bahay ko pero ngayon parang may kulang. Haist!

Tumunog na yung bell para maglunch, pumunta na ko sa silid kainan para kumain. Pero bakit parang nakakaramdam ako ng lungkot. Mag-isa lang ako kumakain habang tinitingnan ko yung upuan ni Sharie.

Wala pang anim na oras parang nami-miss ko na siya. Argh!!! bakit ako nagkakaganito? Parang hindi ito yung dating ako, yung dating masungit at suplado. Sharie please naman bumalik ka na, hindi na ko gagawa ng masama, hindi na kita aawayin, hindi na kita pagsusungitan basta bumalik ka na. Please!!!

Kasalanan ko to kung bakit umalis siya, kung hindi sana ako naging madamot hindi na sana siya umalis.

" BUTLEEEEEEEEEER!!! "

" Yes, Young Master? "

" Ihanda ang kotse, may pupuntahan ako. "

" Yes Young Master! " Hindi ako papayag na basta ka na lang umalis. Sana naman sinabihan mo ko para malaman ko.

" Young Master nakahanda na po ang kotse niyo "

" Sige maraming salamat ",

Pagkatapos kong ihanda yung sarili ko. Pumasok na ko ng kotse at umalis. Alam ko naman kung saan siya nakatira.

Pagkadating ko sa bahay nila, teka bahay ba nila to? Ba't ang laki na ng pinagbago? Basta naalala ko ito yun, bahala na kung magkamali.

" Tao po! " sigaw ko pero hindi naman malakas, sakto lang para marinig nila sa loob.

Biglang may lumabas na isang lalaki. May edad na, ito na siguro yung Tatay niya kasi may pagkakahawig silang dalawa sa itsura.

" Ano yung kailangan nila? " tanong niya sa'kin.

" Magandang hapon po, andito po ba si Sharie? "

" Sandali lang ha, " pumasok siya sa loob. " Sharie! may bisita ka sa labas! " sigaw niya.

Habang naghihintay ako sa labas, biglang may lumabas naman na isang bata, Siguro magkasing edad lang sila ng kapatid ko.

" Sino ka? " tanong niya sa'kin.

" K-Kaibigan lang po ni Sharie. " pagkasabi ko, bigla niya naman ako tiningnan pataas pababa. Bwesit na bata to ha, bakit ganyan siya makatingin?

Umalis din naman siya pero narinig kong may pabulong siyang sinabi. "Infairness, gwapo siya ha," ano naman kaya ang problema ng batang yun?

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon