Chapter 11 First Date
Sharie Faye Pov:
"Sa Mall? Anong gagawin natin dun?
"Mag-iinuman, gusto mong sumali?", sarcastic na pagkakasabi niya.
Nakuuu!!! Kung hindi lang siya Cute at Gwapo, kanina ko pa siya sinuntok, Pa'nu naman kasi seryoso ako sa pagtatanong, siya naman sobrang pilosopo sa pagsagot. Nakakainis na sya talaga >_<
"H'wag ka ngang pilosopo, ano nga ang gagawin natin sa Mall?"
"Edi mamimili, ano bang klaseng tanong yan?", inis na pagsagot niya.
Hindi ko na sinagot yung tanong n'ya, Napaka talaga ng taong ito. Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit niya ako isasama sa Mall. Hmmm, ano bang ginagawa ng dalawang taong nagsasama sa Mall, hindi kaya nagdi-DATE???
"HOY! Anu ba tinatayo mo dyan at nakatunganga ka dyan sa kinatatayuan mo?", sigaw niya habang hinihintay niya kong sumakay ng kotse.
Grabi, hindi ako makapaniwala. Si Ronmart gusto akong e-DATE? Naku!! Imposible yun, isang Guy na Super Popular sa School namin makikipagDATE sa isang Nerd but Cute na girl na katulad ko? WHEEEE...... Imposible talaga, imagination ko lang toh.
"Iniisip mo bang magdi-Date tayo???"
Nagulat ako na andiyan na pala siya sa harapan ko, hindi ko man lang siya napansin na nilapitan niya pala ako sa kahihimahinasyon ko kanina at tsaka PA"NU NIYA NALAMAN YUNG INIISIP KO, MAY PSYCHIC POWER BA S'YA?? O.O
"H'wag ka nang umasa, pupunta lang tayo dun para bumli, hindi para magdate, Naiintindihan mo ba??"
"Oo na, oo na naiintindihan ko na", Kahit kailan ang sungit niya, BEHLAT!!! :P
Nang nakarating na kami sa Mall, pumunta na kami kaagad sa Women's Wear Department para bumili ng mga damit. Kumuha sya ng dalawang dress na nakasabit at humarap s'ya sa'kin.
"Hmmmm.. Alin ba dito mas bagay sa'yo, Ito bang pink o ito bang yellow?", tanong nya habang hinahawakan ng magkabilaang kamay niya yung damit.
Ako naman na si bruhang loka-loka hindi nakikinig sa kanya, tinitignan ko lang yung mukha niya at sinasabi sa sarili ko na, "Tayo Ronmart ang bagay sa isa't isa." Grabi, parang mababaliw na yata ako.
"Hello Sharie Yoohoo! Andiyan ka pa ba?", sabi niya habang kinakaway niya yung kamay niya sa mukha ko.
"Ah OO! okay lang ako," Ano ba yan, ba't palaging lumilipad yung utak ko sa katitingin sa kanya?
"Oh anu, nakapili ka na ba?"
"Ang alin?"
"Yung damit"
"Anong damit?"
"ARRRGHH!!! EWAN KO SA"YO, BAHALA KA NA NGA, MABABALIW NA YATA AKO SA'YO EH!!" galit na pagkakasabi nya.
"Uy teka hintayin mo 'ko", Ano bang problema nito, grabi iniwan talaga ako. =_=
Pagkatapos naming mamili ng damit, pumunta naman kami sa bibilhan ng mga sapatos, Sus! ang mamahal, hindi kaya ng budget ko yung presyo.
Habang nagmamasid kaming dalawa sa mga sapatos, may naka agaw pansin sa'kin na isang kumikintab, kulay puti at maraming palamuti na sapatos. Nang nilapitan ko, lumapad yung mga mata ko nang nakita ko yung Brand. "Isang MEMORATA, isa ito sa mga sinusuot ni Celine sa IKA (Ina Kapatid Anak)". Fan kasi ako eh.
"Wow, ang ganda naman", mahinang pagkakasabi ko.
Habang tinitignan ko yung sapatos, napatingin bigla ako sa presyo.

BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...