Chapter 58 Sharie vs. Scarlet
Sharie Faye Pov.
"MAGANDANG ARAW SA INYO MGA MADLANG ESTUDYANTE NG EAST BERLIN ACADEMY!!!", sigaw ng Announcer kaya naman naghiyawan yung lahat ng Estudyante. "THE COMPETITION WILL START AT A VERY MOMENT SO PLEASE GET READY AND SUPPORT YOUR FAVORITE REPRESENTATIVE!"Parang mabibingi na ko sa sobrang sigaw nila na para bang excited na sila magsimula yung Competition.
Yung posisyon kasi na paglalaruan namin ay may isang Quadradong Stage sa gitna at pinaliligiran ito ng lahat ng mga Estudyante bilang audience. Sa kanan at kaliwang bahagi ng Stage ay may Buzzer na gagamitin namin at ang nasa gitna ay ang Host na magtatanong sa'min ng mga tanong mamaya.
"MayGad!!! ang daming estudyante! Mhia, kinakabahan ako!!!", sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko yung kamay niya.
"H'wag kang kabahan best! kaya mo yan, andito lang kami para suportahan ka!"
"Haizt!!! Anu ba yan, nanginginig na yung mga paa ko! Parang hindi na 'ko makagalaw sa kinatatayuan ko!", sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ko yung mga estudyante na nag-aabang. Nasa kanang sulok kasi kami ni Mhia, naka-upo lang habang hinhintay namin na magstart na yung laro sa loob ng Gym ng School namin.
"Teka, nasa'n ba si Sharmaine?", pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Parating na daw siya, may dinaanan lang siguro yun kaya nahuli."
Maya-maya ay dumating na din siya, "Pasensya -ha-ha- na kayo, na -ha-ha- huli ako.", sabi niya habang humihingal siya.
"Saan ka ba nanggaling at parang pagod na pagod ka ata?"
"May binili lang kasi ako, heto pala Sharie itago mo to sa bulsa mo.", sabay abot niya sa'kin yung bell.
"Isang bell? a-anhin ko to?"
"Basta lang.", at agad ko naman tinago sa bulsa.
"LADIES AND GENTLEMEN, WE WILL NOW START THE COMPETITION FOR WHO WILL BE THE ONE WHO REPRESENT THE AUTOMATICLY RUNNING FOR THE VALEDICTORIAN FOR THE NEXT YEAR GRADUATION. THE WINNER WILL CLAIM THE CERTIFICATE OF RECOGNITION, THE PRESIDENT OF ALL STUDENT CLASSED, THE 4-YEAR SCHOLARSHIP TUITION FREE FOR COLLEGE EDUCATION AND A 50,000 PESOS CASH!!!, SO STUDENTS, LET'S GET READY TO RUMBLE!!!!!!!!!!!!!!!!!!", pagkatapos sabihin yan ng Announcer ay agad ulit naghiyawan yung mga estudyante but this time malakas na.
Ayan na, nagsimula na yung Competition, Kaya ko to!, "FROM THE LEFT CORNER, THE REPRESENTATIVE OF STAR SECTION-ALPHA, OUR FAVORITE STUDENT MISS. SCARLET LAINE MARTINEZ!!!
"YAHOO!!! KAYA MO YAN SCARLET!!!",
"GALINGAN MO SCARLET, IDOL KA NAMIN!!!"
"GO SCARLET!!!",sigawan ng mga estudyante sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...