Chapter 25 What did I Do Wrong?
Sharie Faye Pov:
“HOY! BABAE KA! MAY PAG-UUSAPAN TAYO MAMAYA KAYA HUMANDA KA!”
Ano na naman ba nagawa kong kasalanan sa kanya? Hindi na nga niya ako pinansin nung sinundo ko siya tapos siya pa may ganang magalit?
“Pag-usapan? Bakit? May kasalanan ba akong nagawa?” Hindi ko talaga alam kong bakit galit siya ngayon sa’kin! Ginagampanan ko naman yung tungkulin ko bilang Guardian niya ha. Ba’t ba siya nagagalit?
Pagdating namin sa bahay, padabog siyang pumasok sa kwarto niya para magbihis. Ako naman problemado dahil pagagalitan naman ako ng masungit kong amo.
Pagkatapos kung magbihis,biglang may kumatok sa pintuan ko. Parang alam ko na ata kung sino yun. “Ms. Sharie, pinatatawag po kayo ng Young Master doon sa Sala.”
“Sabihin mo sa kanya papunta na ‘ko.”
***Sighed***
“Sharie, eto na naman tayo. Kaya mo ‘to, hindi pa naman itong unang beses na pinagalitan ng amo mo di ‘ba?” sabi ko sa sarili ko habang papalabas na ‘ko ng kwarto ko.
Nakita ko siya na nakatayo lang sa Sala at wari’y hinihintay ako para pagalitan niya.
Nang nagkaharap na kami, hindi ko siya kayang tingnan kaya napayuko na lang ako habang pinapagalitan niya ako.
“HINDI MO BA ALAM KUNG ANONG GINAWA MO?” Sa totoo lang hindi, bakit ano bang ginawa ko? “MUNTIK MO NA AKONG IPAHIYA HA! BAKIT MO KO HININTAY DOON SA HARAPAN NG ROOM NAMIN? HINDI KA BA NAG-IISIP? PAMINSAN-MINSAN NAMAN GAMITIN MO YUNG UTAK MO! PA’NU KONG NALAMAN NILA NA GUARDIAN KITA?! ANO NA LANG YUNG SASABIHIN NILA?!”
Parang mabibingi na ko sa kasisigaw niya, patuloy pa rin akong nakayuko habang pinapagalitan niya ako, pinipigilan ko lang yung sarili ko na hindi umiyak. Naaalala ko kasi yung sinabi sa’kin ni Mhia na, konting tiis pa hindi lang ito para sa kapakanan ko kundi para na rin sa pamilya ko.
Pagkatapos niya akong pagalitan, dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko para magmukmok. Doon ko na nilabas ang lahat ng luha ko at sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako gaya ng iba diyang babae na matapang at walang kinatatakutan. Sensitive kasi ako sa mga ganitong bagay kaya hindi ko talagang mapigilan yung sarili ko na umiyak.
***Kriiiiiiiinnnnnnnggggggggggg*** ***Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggg****
“Sino kaya ‘tong tumatawag?” Pinahidan ko yung luha ko na tumutulo sa pisngi ko at tinignan yung phone ko.
“Si Nanay?”, nang malaman ko na siya pala yung tumatawag, tumigil na talaga ako sa kaiiyak, ayaw ko naman na malaman niya na umiiyak ako dito.
“Nay? Ba’t kayo napatawag?”
“Pasensya na anak, naka-istorbo ba ako?”
“Naku, hindi po.”
“Ah ganun ba, pasensya ka na kasi nami-miss na kita eh. Halos mag-iisang buwan ka na kasing hindi umu-uwi dito kaya tinawagan na kita para malaman ko kung nasa mabuti kang kalagayan.”
“H’wag na po kayong mag-alala Nanay , Okay lang po ako dito. Nasa mabuting kalagayan po ako, kamusta na po pala kayo?”
“Naku okay lang kami dito anak. Nagsisimula nang panibagong buhay yung tatay mo at hindi na siya umu-utang. Alam mo ba, yung kapatid mo na si Cherry, running for valedictorian sa School nila, di ba Good News yun?”
“Magandang balita nga yun Nanay, sabihin mo sa kanila na nami-miss ko na sila ha,” Sa kakausap ko sa kanila, kusang tumulo yung luha ko sa pisngi ko at patuloy ko pa rin itong pinapahiran. “Anak, umiiyak ka ba, medyo naririnig ko kasi na humihikbi ka?” parang nahalata na nga ni Nanay na umiiyak ako, pero syempre magpapalusot ako para hindi nila malaman.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...