Chapter 57 Preparation
Sharie Faye Pov;
"Okay class, that's all for today. See you tomorrow", sabi ng teacher namin at agad na siyang umalis. Tapos na yung last period namin at isa-isa na kaming nagsipag-impaki ng mga gamit namin.
"Uy, tingnan niyo mga Girls! si Ronmart, nasa labas ng Room natin!", sabi ng babaeng kaklase namin.
"Talaga?! nasa'n siya?!"
"Ayun oh!, naka-upo sa may bench habang may hinihintay."
"Oo nga noh, naku ang Cute niya talaga!!! Ahhh!!!", at isa na silang nagtitilian, Haist!, ang landi talaga ng mga kaklase ko. =_=
Teka O.O?!, bakit siya nasa labas?! Agad kong binilisan ang pag-iimpaki ko at pinuntahan siya, "Ba't ang tagal mo?", agad niya bungkag sa'kin.
"Wow! himala!, anong nakain mo at bakit ikaw na ang sumundo sa'kin? parang baliktad ata ah!", parang hindi ako makapaniwala na hinintay niya talaga ako dito. Pero ang weird, dapat ako yung sumundo sa kanya at hindi siya, ginagawa ko naman yun palagi ah.
"Tsk! bilisan mo na nga diyan at umuwi na tayo.", ang sungit naman niya, "Ako na nga magdadala ng bag mo", ang Sweet naman, I take it back what I said...hahaha!
Habang dinadala niya yung bag ko, yung mga kaklase ko naman, nai-inggit sa katitingin sa'kin.
"Ang swerte naman ni Sharie at naging Boyfriend niya si Ronmart, haist! naiinggit tuloy ako." :'(
"Oo nga, akin na lang siya Sharie!"
"Sharie, pa-regards naman ako sa Boyfriend mo oh",
"Behlat! Manigas kayo diyan!", sabi ko sa kanila.
Habang nasa byahe kami pauwi, bigla ko siyang tinanong kung bakit ako yung sinundo niya, "Ronmart, ba't ako yung sinundo mo kanina?, di ba dapat ako yung magsundo sa'yo?"
"Ba't ka pumayag sa Consequence si Scarlet?, alam mo ba na tinakot ka lang nun?"
Alam na niya pala yung tungkol sa'min ni Scarlet kanina, "Pasensya ka na, natakot lang kasi ako nung sinabi niya na papatalsikin niya yung mga kaklase ko pati na rin si Mhia at Sharmaine kaya pumayag na lang ako, galit ka ba sa naging desisyon ko?".
Pinikit niya yung mata niya at huminga siya ng malalim, "Wala na kong magagawa, nangyari na eh at tsaka hindi naman kita matitiis pagnagalit ako sa'yo."
"Ano nang gagawin natin?"
"Magdisco tayo gusto mo?!"
***POK***
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...