I Can Wait Forever
by: Simple Plan
You look so beautiful today
When you're sitting there it's hard for me to look away
So I try to find the words that I could say
I know distance doesn't matter but you feel so far away
And I can't lie but every time I leave my heart turns gray
And I wanna come back home to see your face tonight'Cause I just can't take it
Another day without you with me Is like a blade that cuts right through me
But I can wait, I can wait forever
When you call my heart stops beating
When you're gone it won't stop bleeding
But I can wait, I can wait forever
Chapter 1 My First day of School
***Introduction***
Sharie Faye Alcala Pov:
Sharie Faye Pov.
"Sharie, bumangon ka na diyan!!! mali-late ka na oh!", ito ang palaging linya ni Nanay tuwing umaga, Argh!!! nakaka-inis nga eh, kahit gising ka na patuloy pa rin siyang sumisigaw.
"Nay naman, huwag na nga kayong sumigaw rinig na rinig tayo ng kapitbahay!",
"Ay anak ng tokwa! kanina ka pa ba diyan?"
"Ay hindi-hindi kahapon pa." =_=
"Huwag ka ngang pilosopo, umayos ka na diyan at baka malate ka sa klase mo.", sabi niya habang nagluluto siya ng almusal namin.
Kumuha na ko ng tuwalya mula sa kwarto at pumunta sa banyo para maligo, "Buhos ng ulan, bumuhos ka 'wag mong itigil pa hatid mo ma'y ba----", hindi pa ko tapos kumanta ay biglang may kumatok sa pintuan ng banyong pinaliliguan ko.
"Ate, bilisan mo na nga diyan at maliligo din ako! sa kakakanta mo diyan baka umulan pa, sige ka ikaw pa yung sisisihin ko pagnangyari yun."
"Pwede wait?! kapapasok ko pa lang nga pinalalabas mo na ako kaagad? nagmamadali ka, nagmamadali?!"
"Ate naman eh!"
"Oo na, oo na binibilisan na nga eh", Tsk!!! anu ba yan, Ang ganda talaga ng araw ko!!!! Nakakainis!!!
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako kaagad at pumunta sa kusina para kumain, nakita ko si Nanay na tapos na siyang magluto at umupo na din siya pagkatapos kong umupo.
"Nay a-alis na po ako, baon ko?", sabi ko sa kanya habang nakahanda na yung palad ko sa harap niya.
"Oh heto 20, huwag kang gagastos paghindi naman kailangan ha?!",sabi niya habang inabot niya yung baon ko.
"Ngee?! 20? ano naman ang mabibili ko dito sa 20?", pagrereklamo ko sa kanya.
"Cornetto ate!!!", sambit naman ng makulit kong kapatid.
"Heeee!!! tumahimik ka nga Cherry, naku kanina ka pa ha!", inis na sinabi ko sa kanya. Siya si Cherry ang bunso kong kapatid na babae, at siya din kanina ang nasa labas ng banyo habang naliligo ako.
"Nanay oh, si ate ang sungit", pagsusumbong niya.
"Ano ba kayong dalawa, a-alis na nga kayo mag-aaway pa kayo, ikaw Sharie umalis ka na at baka ma-late ka pa, first day mo pa naman.", sabi niya sa'kin.
"Bleeeh!!! Behlat! pinagalitan siya ni Nanay", pang-aasar sa'kin ni Cherry.
"At ikaw naman bata ka...", sabi ni Nanay habang binibinting yung tenga niya, "Huwag mo ngang galitin yung ate mo, alam mo naman madaling magalit yan."
"A-aray! aray! opo opo! titigil na po!", sabi niya habang hinihimas niya yung tenga niya sa pagkakabinting sa kanya.
"Oh sige umalis na kayong dalawa, at tsaka mag-ingat kayo ha?!", sabi niya sa aming dalawa.
"Opo!!!", at agad naman kaming umalis. Si Cherry may School Bus na palaging sumusundo sa kanya, at ako naman naglalakad lang papunta ng School. Yung School ko kasi malapit lang kaya hindi na ako kailangan sunduin ng School Bus namin.
'East Berlin Academy', ito ang pangalan ng paaralang pinapasukan ko, isa ito sa Apat na Private School at pinakasikat na paaralan sa lugar namin. Ay oo nga pala nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko, ako pala si Sharie Faye Alcala, ang pinakamandang babae sa balat ng lupan na hindi pa kailanman nadidiscover, Echoz lang!!! Simpleng babae na ang pangarap ay mai-ahon ang pamilya sa kahirapan at ang maging Presidente ng Pilipinas, hahaha!
Habang naglalakad ako papuntang School, parang may narinig akong may tumatawag mula sa likod ko.
"Sharie! Sharie! wait for me!!!", tae, ang baduy ng pagkakarinig ko, kalalaking tao nagsasalita ng ganyan. =_=
"Oh ba't ngayon ko lang?, akala ko naka-alis ka na sa inyo?, siguro sinundo mo na naman yung crush mo noh?, Ayieeeh!!!", pang-aasar ko sa kanya.
"Tangek!!!", aray ko, "Anong crush yung pinagsasabi mo diyan, nahuli lang ako ng gising noh at tsaka pakisabi sa Nanay mo na salamat ha, kung hindi dahil sa kanya siguro tatanghaliin ako ng gising.", sabi niya na parang inaasar ako.
"Naku tumigil ka nga diyan Erick ha, baka batukan kita diyan sa pinagsasabi mo. At tsaka huwag mo ngang isali yung Nanay ko sa pagjo-joke mo, hindi nakakatuwa eh at sobrang Corny pa!", inis na pagkakasabi ko sa kanya.
"Naku, ang aga-aga umiinit kaagad yung ulo mo, edi sorry po hindi na mauulit", sabi niya na nakangiti, tsk! buti na lang at bestfriend ko siya, bestfriend na kung minsan sobrang nakakainis!
"Tsk! bilisan na nga natin at baka ma-late pa tayo", sabi ko sa kanya habang binibilisan namin ang paglalakad.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...