Chapter 4 A Shocking Truth
Sumama na nga ako kay Mhia kasama yung mga kaibigan nya para maglunch. na OP pa nga ako kasi yung mga kaibigan niya ay hindi nila ako pinapansin, buti na lang at palagi akong kinakausap ni Mhia, atleast tinuturing nya talaga akong Bestfriend.
Huminto yung sinasakyan naming kotse sa isang malaking 5 star Restaurant, naguguluhan nga ako eh, sabi nya maglu-lunch daw kami, eh bakit nya ako dinala dito?
"Uhmmm... Mhia, akala ko ba magla-lunch tayo, bakit andito tayo sa harap ng 5 star Restaurant?"
"Syempre, dito tayo best magla-lunch noh",
"Ha? dito? bakit dito, at tsaka sa pagkaka alam ko, ang mahal mahal ng mga pagkain dito."
"Okay lang yan best, total Bestfriend na kita, eti-treat kita" sabay ngiti sa'kin.
Hindi na ako nakatanggi, mapilit eh, at tsaka sya naman daw magti-treat sa akin, masyado naman nakakahiya pag may mayaman kang Bestfriend. (^_^)
Pagpasok ko pa lang, parang bumigat yung paa ko, ang ganda hindi ako makagalaw. Ganito pala ka ganda ang isang 5 star Restaurant. Tinawag na ako ni Mhia para maka upo na rin sa table namin. Pinagmamasdan ko yung paligid. Sobrang namangha talaga ako, may nagtutugtog ng Music, may fountain sa Gitna, magaganda yung palamuti at dumating ang F6, O_O!!!
"Mhia, anong ginagawa ng anim na naggwa-gwa--- este yung taga ALPHA Section dito?" bulong ko sa kanya.
"Anu ka ba naman best, syempre dito sila kakain alangan naman magtatambay sila dito" sarcastic na pagkakasabi niya.
"Ganun, ang so-sosyal naman ng mga tao dito, magla-luch lang sa 5 star Restaurant pa."
"Yun nga yung maganda Best eh, kapag dito sila kumakain, dumadami yung costumer namin." Sabay ngiti nya sa akin.
Sa sinabi nyang yun, bigla akong natahimik sa pagkakatanong. Tama ba yung narinig ko, "NAMIN???".Ito ba yung sinasabi nilang 5 star Restaurant na pagmamay ari ni Mr. Sitjar?
"Huwag mong sabihin Mhia na---" hindi pa ako tapos magsalita ay sya na ang tumapos.
"Yup, anak nga ako nang may ari nitong Restaurant, I'm Rhea Mae Sitjar, the one and only daughter of Mr. Sitjar, the owner of this 5 star Restaurant."
Whatttttttt!!!!!! Ito na pala yung sinasabi nilang 5 Star Restaurant na pinagmamay-ari ni Mr. Sitjar, akala ko simpleng Restaurant lang yun katulad ng iba. Pero iba na 'tong nararamdaman ko, nabalitaan pa nga sa t.v na itong Restaurant na to ay isa sa pinakamalaki at Top 1 Restaurant sa buong Pilipinas.
"Hoy!, wag ka ngang magulat best, parang ganun lang natulala ka na ka agad"
"Eh sino namang hindi magugulat, bakit hindi mo ka agad sinabi na ito na pala yung Restaurant na bukambibig ng lahat hindi lang sa School kundi sa buong lugar natin." inis na pagkakasabi ko sa kanya.
"Eh hindi naman yun importante, para sa akin pagmay bago akong Bestfriend masaya na ako. At tsaka anu ngayon kung anak nga ako ng may ari nito, wala naman siguro may magbabago di ba, BEST," sabay ngiti sa akin.
Hindi na ako nag salita at ngumiti na lang ako sa kanya. Mga ilang segundo ay dumating na yung waiter para kunin yung order namin. Binigyan kami ng tag i-isang menu para makapili kami kung anu yung gusto naming orderin.
"Uhmm, magkano po yung Arroz a la cubana?", tanong ko sa waiter habang nakatingin sa menu.
"3,500 po" sabi ni manong waiter
"HA? paki ulit nga poh?" nagkamali ata ako ng dinig..
"3,500 po!" sabi ulit ni manong waiter this time mas malakas..
"UUUWWWAAAAAAAA????? o_0 ang mahal naman! may ginto ba yang pagkain nyo!?"
Sa sobrang gulat ko, napasigaw ata ako nang wala sa oras, yung ibang kumakain, napatingin sa table namin. Panu naman kasi, parang itlog lang na may kanin at kung anu-ano pa yung nilalagay nila sa pagkain, umabot kaagad sa 3,500, I can't believe it...O_O
"H'wag ka ngang sumigaw, pinagtitinginan na tayo ho," bulong ni Mhia sa akin.
"Eh, itong Canarian wrinky Potatoes, magkano po ba?"
"4,500 po"
"Anak ng Potakti!!!! ba't ang mahal, parang patatas lang yan ha, ba't umabot ng 4,500??"
Nasigaw ko talaga yun ng malakas, grabi ang sobrang mahal naman ng mga pagkain dito, kaya pala 5 star ang tawag dito eh, 5 star din yung presyo. =_=
"Ano ka ba best, okay lang yan hindi ka naman magbabayad eh, at anak naman ako ng may ari, d ba sabi ko eti-treat kita."
Nakalimutan ko nga pala na anak sya ng may ari, kaya pala parang wala lang sa kanya yung presyo eh, napakabupol ko naman. =_=
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...