Chapter 52 Change
Sharie Faye Pov:
Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, pumunta kami sa Hospital para magamot ang lahat ng sugat ni Ronmart at ganun na din kay Sharmaine. Sabi kasi ng doctor, masyado daw maraming sugat yung natamo niya kaya kailangan niya daw dun muna magpahinga ng isang araw.
Pagkatapos daw gumaling ni Ronmart, pumunta daw siya sa Principal office sabi ni Mhia para warningan siya at harapin yung parusa para sa kanya. Binigyan si Max ng first warning din at ang parusa niya ay maglinis ng Boys Comfort Room ng isang linggo.
"Okay ka na ba Sharmaine?" tanong ko sa kanya pagkatapos siya gamutin ng nurse.
"Oo, okay lang ako, salamat aa tulong niyo ha." sabi niya habang nakangiti.
"Naku wala yun" sabi sa kanya ni Mhia habang naka akbay siya sa kanya. "Ano kaya kung mag skip tayo ngayon at gumala kung saan saan? Para naman makalimutan natin yung mga nangyari."
"Alam mo, tama ka diyan Mhia sa sinabi mo. Dapat magkaroon din tayo ng bonding paminsan-minsan", pagsang-ayon ko sa kanya.
"Alam mo Sharie, may naiisip ako"
"Ano yun Mhia?"
Biglang lumapit sa'kin si Mhia at ibinulong niya yung naiisip niya habang nakatingin lang si Sharmaine sa aming dalawa.
Hindi ko namalayan na napangiti ako sa ideya ni Mhia, "Pwede, ang ganda ng naisip mo Mhia. Ang galing mo talaga mag isip."
"Thank you, thank you" habang naka peace sign.
"Mhia, magpasundo tayp kay Erick para maihatid tayo sa pupuntahan natin.
"Oh sige eti-text ko siya."
Ako naman hinawakan ko yung galanggalangan ni Sharmaine, "Halika ka, may pupuntahan tayo." sabi ko sa kanya habang kinakaladkad ko siya palabas ng Hospital.
"Teka, panu naman yung Boyfriend mo?." tanong niya sa'kin.
"Okay lang, sige sumama ka na sa kanila at magpapahinga lang ako dito. Parang Girl bonding niyo na rin yan." pahabol ni Ronmart sa'min.
"H'wag kang mag alala, malakas yan si Ronmart, kaya nga love na love ko yan eh" sabi ko naman sa kanya.
Ngumiti lang siya sa'kin at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang nasa labas na kami, nakita na namin si Erick na nakaparada na yung sasakyan nila sa harap.
"Tara na!"sabi sa'min ni Erick at isa-isa na kaming pumasok sa loob ng kotse niya.
Nang makarating na kami bumaba na kaagad kami ni Sharmaine, at si Mhia naman kausap niya pa si Erick, "Bantayan mo dun yung pinsan ko ha." sabi sa kanya ni Mhia.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...