Special Chapter 4
Ito po yung mga nangyari sa Date nina Sharie at Ronmart. I hope you like it :)
Ronmart June Pov:
Habang naglalakad kami pauwi, may napansin kami ni Sharie na parang may maraming tao doon sa bandang gilid ng dinadaanan namin.
"Ronmart! Tara puntahan natin kung ano meron!", sigaw ni Sharie sa'kin habang tumatakbo kami papalapit doon sa lugar na maraming taong nakapila. Masyado kasing magulo at yung iba nagkaka-unahan pa.
Kailangan daw naming bumili ng ticket para daw makapasok kaya bumili muna kami bago pumila, pagkapasok namin "Wow!!!" Sabi naming dalawa. Isang malaking Peryahan na may maraming rides at marami din yung nagtitinda ng mga damit at sapatos. Marami ding laro at may Videokehan pa!
"Ronmart, saan natin gustong unahin?! Yung bumili muna o maglaro?!" tanong niya sa'kin at parang excited.
"Ikaw ang bahala", sabi ko sa kanya.
"Edi unahin na natin yung laro!!! Hahaha!", grabi talaga yung saya niya, parang ngayon lang nakapunta dito. Malapit na kasi yung fiesta dito sa lugar na 'to kaya siguro nagtayo muna sila dito ng peryahan pansamantala.
Punta dito, punta doon. Pagkatapos naming maglaro, sa ibang laro naman para malibang kami pansamantala. Dalawang Teddy Bear yung napanalunan niya dahil sa larong Shoot Out na kapag may tinamaan ka sa mga target ay may premyo ka. Pero yung akin lang, ako lang naman ang gumastos ng lahat...Ayos ba?
Pagkatapos naming maglaro ay namili na din kami ng mga accesories at iba pa. Magkahawak kami ng kamay kahit saan kami mapunta. Kapag nakikita ko siyang masaya, pakiramdam ko siya na yung babae na dapat kong mahalin panghabambuhay.
"Ronmart, tingnan mo may Couple t-shirt sila, saan dito yung maganda?", tanong niya sa'kin.
Tiningnan ko naman yung mga t-shirt na nakasabit na tinuturo niya. Halos lahat naman magaganda pero may dalawang t-shirt na parang nakuha yung pansin ko, "Heto maganda!" sabi ko sa kanya.
Nang tiningnan niya yung napili ko, napa-blush siya at mukhang nagustuhan na rin niya yung t-shirt na kinuha ko. Yung nakalagay kasi sa t-shirt na panglalaki, 'I Love You', at sa pambabae naman, 'I Love You too' di ba maganda? Ang sweet pa nga eh...hehehe.
Sinukat naming dalawa kung kaysa, at "Wow sir, bagay po kayong dalawa ng Girlfriend mo, Ayiieh!!!", sabi ng nagtitinda kaya naman napangiti lang kaming dalawa. Halos lahat ng nandun ay nilibot namin, lahat ng taong madadaanan namin ay lahat nakatingin lang sa'min.
Habang naghahanap kami ng iba pang pwede naming bilhin, may mga kababaihan na palaging nakatingin sa'kin at parang nahalata ko na nagseselos 'tong Girlfriend ko kaya naman, "Halika ka nga dito",
***TSUP***
Hinalikan ko siya sa labi niya sa harap ng maraming tao pati na rin sa harap ng mga kababaihan na yun, nagulat nga siya dahil sa ginawa ko pero sabi ko sa kanya, "Oh ayan, h'wag ka nang magselos diyan dahil kahit kailan hinding-hindi kita lolokohin."
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
Storie d'amorePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...