Chapter 6 Humiliation
Rhea Mae Sitjar Pov:
"Mhia, ba't ang tagal ng bagong kaibigan mo, kaina pa kasi kami naiinip eh."
"Oo nga, at tsaka ano bang dahilan kong bakit kina-ibigan mo sya, halata naman na hindi sya mayaman katulad natin,"reklamo ng mga kasama ko.
"H'wag nga kayong magsasalita ng ganyan sa kaibigan ko, kahit ano pa yung reklamo nyo, wala kayong magagawa, kaibigan ko sya at dapat nyo na lang yun tanggapin!" inis na pagkakasabi ko sa kanila.
"Hay, nasa'n ka na ba Sharie, ba't ang tagal mo". Hindi na siguro makakapaghintay yung mga kasama ko sa ka-iinip kaya sinubukan kong puntahan sya sa loob.
Nakita ko si Sharie na nakatayo lang sa bandang dulo, parang hindi sya gumagalaw ano kaya yung nangyayari?
"Sharie! ba't ang tagal mo, tara na at----" Hindi ko na natapos yung pagsasalita nang nakita ko ang isang lalaking taga-ALPHA Section na punong puno ng dumi ng pagkain sa buo niyang katawan.
Ganito yung reaction namin ni Sharie O_O
Ganito yung reaction ng mga kasama ng lalaking taga-ALPHA Section O_o
At ganito yung reaction ng mga taong nasa paligid namin o_O
Alam ko na siguro yung nangyari kung bakit hindi si Sharie gumagalaw sa kanyang kinatatayuan kaya BESTFRIEND TO THE RESCUE!!!
"Tara na!!!"
Hinigit ko yung kamay niya, tumakbo na kami ng mabilis palabas ng Restaurant at dali-dali kaming sumakay sa kotse.
Ronmart June Pov:
"Anak ng Potek!!! ano bang nangyari??"
Habang nakikinig ako ng music sa headphone ko, ay bigla na lang umulan ng pagkain sa buo kong katawan, dahilan naman ng pagkatayo ko para malaglag yung mga pagkain.
"Tara na!", rinig ko sa isa nyang kasama habang kumaripas sila patakbo palabas.
Walang hiya tong mga babaeng yun ha, iniwanan ako? hindi man lang nag sorry sa'kin, pagminamalas ka nga naman. Pakshet na araw toh!!!
"Dude, okay ka lang ba?"
"Sa tingin mo okay ako, tingnan mo nga yung nangyari sa'kin, okay ba to?" inis na pagkakasabi ko sa kanya.
"Sabi ko nga" at hindi na sya nagsalita.
Panay yung sorry sa akin ng waiter at manager, wala naman akong magagawa nangyari na eh, alangan naman magreklamo pa ako, lalaki pa yung gulo.
"Aalis na ako"
"Dude saan ka pupunta?"
"Sa Simbahan, magdadasal" sarcastic na pagkakasabi ko sa kanya. "Edi uuwi, a-absent muna ako sira na kasi yung araw ko, nakaka inis!" =_=
Pa alis na sana ako nang biglang humarang sakin yung tatlong kababaihanna hindi ko naman kilala.
"Uhmm... Prince Mart, okay ka lang ba?"
Ano ba yung mga tanong nila, gusto ba nilang masapak? Nakita naman siguro nila yung nangyari, hindi ba obvious na hindi ako okay? Tssk..
"H'wag kang mag alala Prince Mart, ipaghihigante ka namin..."
"Pwede bang tumabi kayo, dadaan kasi ako eh", yun lang yung sinabi ko at tuluyan na akong umalis. Hindi ko na sila pinansin, ano bang kalukuhan yung sinasabi nila, ipaghihigante nila ako, saan sa waiter? ang weird naman ng mga babaeng iyon. =_=
Rhea Mae Pov:
Sa loob ng kotse, panay yung kwentuhan at tawanan ng mga kaibigan ko, wala siguro silang alam kung ano yung nangyari kanina sa loob ng restaurant, habang kaming dalawa naman ni Sharie, tahimik lang at walang imik.
"Hoy! na traumatize ka ba dyan at hanggang ngayon hindi ka pa rin dyan gumagalaw?"
Sa pag gulat ko sa kanya, bumalik na ata siya sa sarili niya.
"Mhia...", hikbi niya at parang mangingiyak na sa kaba.
"Op! op! op! wag kang iiyak, pag umiyak ka ihuhulog kita sa kotse, sige ka niyan." pananakot ko sa kanya.
"Mhia naman eh,"
"Mamaya na lang natin yan pag usapan, may mga kasama tayo dito. Baka anu pa yung masasabi nilang masasakit na salita sa'yo sa ginawa mo."
Nang nakarating na kami sa school namin, nagsi alisan na yung mga kaibigan ko maliban lang kay Sharie, hanggang ngayon hindi niya malimutan yung nangyari.
"Sharie, h'wag ka munang bumaba may pag uusapan pa tayo tungkol sa nangyari", yan lang yung nasabi ko habang sya naman naglulukmok pa rin.
Habang nasa loob kami ng kotse, pinag usapan namin kung ano talaga yung nangyari, at nalaman ko na aksidente pala yung nangyari.
"Mhia, anong gagawin ko, nakakahiya talaga??!!"
"H'wag ka na munang pumasok, sasabihin ko na lang sa titser natin na nagkasakit ka. Baka bukas o makalawa malilimutan na rin nila yung nangyari. Sa ngayon magpahinga ka na lang muna",
Hinatid ko na sya sa bahay nila at nagpaalam na rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...