Chapter 50 Confession
Sharie Faye Pov:
Pagkadating namin sa bahay ni Ronmart ay pumasok na kami kaagad sa loob.
"Maligayang pagbabalik Young Master,at Ms. Sharie", bati sa'min ng butler.
"Maraming salamat," sabi ko sa kanya habang si Ronmart naman kinukuha yung gamit namin sa driver.
Kukunin ko na sana yung mga gamit ko kaso, "Ako na magdadala, ang bibigat kasi ng mga gamit mo", sabi ni Ronmart habang hawak niya yung bagahe na hawak ko. Wow ha, napaka gentleman niya ata ngayon"
"Salamat ha", sabi ko sa kanya, pumunta na kami sa taas para makapagbihis at makapagpahinga na rin. Si Ronmart naman, hinatid niya muna yung mga gamit ko sa kwarto at pumunta na din sa kwarto niya para makapagbihis na rin.
Naalala ko tuloy yung sinabi ko kay Mhia, ngayong araw na'to magtatapat na ako tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Pero saan ako magsisimula?
***Kling***kling***
Tumunog na yung bell, oras na ng hapunan. Medyo hapon na kasi kami umalis ng bahay kaya inabutan kami ng gabi sa pag uwi.
Pumunta na nga ako sa may silid kainan, habang hinihintay ko naman siyang lumabas ng kwarto niya. Sabay na kaming kumain, pagkatapos nun ay babalik na sana siya sa kwarto niya kaso,
"Uhmm Ronmart?" sabi ko sa kanya kaya napatigil muna siya sa paglalakad.
"Ano yun Sharie? may sasabihin ka ba?" sabi niya na medyo mahinhin.
"K-Kasi ahhhh..." Shet! ba't hindi ko masabi sa kanya? ba't kinakabahan ako?
"Kasi ano?" sabi niya habang hinihintay niya yung sasabihin ko. Ano ba yan, ba't ayaw lumabas sa bibig ko? naghihintay na si Ronmart sa sasabihin ko oh...
"Kasi ano uhh..."
Ngumiti na lang siya at lumapit sa'kin, "Alam mo, pagod ka lang siguro. Magpahinga ka muna. Matulog ka na din dahil may pasok pa tayo bukas, buti na lang at holiday ngayon. Gud Night Sharie at Sweetdreams". At inilagay niya yung kamay niya sa ulo ko para i-tap.
Parang timang ako dun nang umalis na siya at pumasok sa kwarto niya. Hindi ako gumagalawa sa kinatatayuan ko, at ang nakapaghihinayang pa, hindi ko nasabi sa kanya na gustong gusto ko siya. "Argh!!!! I hate you tongue!! i hate you!!!"
Pagka umaga, tinanong naman ako ni Mhia tungkol sa ikuku-confess ko pero,
"Ano?! ba't di mo sinabi sa kanya? sayang naman yung pagkakataon." inis na sabi niya.
"Pasensya na, nahiya pa kasi yung dila ko sa pagsasalita. Pero pangako mamaya, pagkauwi naming dalawa, magtatapat na ko sa kanya."
"Siguraduhin mo lang ha, kung hindi ewan ko na talaga sa'yo. Baka hindi na niya pansinin yung nararamdaman mo sa kanya."
"H'wag naman sana." sabi ko habang nanlulumo. "Teka, nasa'n na ba si Sharmaine?" tanong ko kay Mhia habang kumakain kami sa Canteen.
"Ewan ko, sabi niya daw hahabol siya sa'tin. Pero hanggang ngayon wala pa siya." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumingin siya sa' kin at inilapit niya ung mukha niya sa mukha ko.
"Oi! anong ginagawa mo?" pagtatakang tanong ko sa kanya.
"May sekreto ako tungkol kay Sharmaine, gusto mo bang marinig?"
Nung sinabi niya yun, hindi ko alam kung ano yung ginawa basta nilapit ko din yung mukha ko sa mukha niya, parang 2 inches lang ang layo ng mukha namin.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...