Chapter 9 Heal the Pain
Sharie Faye Pov:
"Nasa'n na ako, ba't puro kulay puti yung nakikita ko nasa heaven na ba ako?"
Nagising na lang ako sa isang lugar kung saan kaonti na lang yung tao, naalala ko nasa gitna ako ng kaghuluhan kung saan pinagbabato ako ng mga kababaihan, tapos wala na.
"Siguro nga patay na nga ako, kasi parang heaven na nga ito eh", sabi ko sa sarili ko habang nakahiga ako sa isang kama.
"Oh Ms. gising ka na pala." sabi ng isang lalaki na nakasuot na puti at medyo may edad na, siguro Doctor sya.
"Uhmmm... nasa'n po ako?"
"Nasa ospital ka, dinala ka dito ng isang kaibigan mo"
"Ha? bakit ako nandito, di ba nasa school ako?"
"Hinimatay ka kasi sa sobrang pagod, kaya nandito ka ngayon para magpahinga."
"Ah... ganun po ba." Naalala ko na, hinimatay pala ako sa gitna ng kaguluhan, buti na lang at may tumulong sakin.
"Teka po, nasa'n na po yung nagdala sa'kin dito?"
"Ayan sya sa gilid ng kama mo, naka-upo at natutulog."
"Sya pala yung tumulong sa'kin kanina," hindi ko man lang sya napasalamatan sa ginawa niya. Ehhh??!!, bakit parang pamilyar sa'kin tong lalaking 'to, naka All-black? at tsaka ba't hawak hawak ko yung kamay niya???!!!
Hinigit ko yung kamay ko sa kanya, sa sobrang lakas na nagising ko ata siya.
"Oh, gising ka na pala, akala ko kasi hanggang gabi ka pa magigising."
"Hoy, bakit hinahawakan mo yung kamay ko, at nasa'n yung mga kaibigan ko, siguro kinidnap mo ko no???"
"Ganyan ka ba magpapasalamat sa taong nagligtas ng buhay mo?, at tsaka bakit naman kita kikidnapin, Asa ka pa!!!"
"Ehhh, bakit mo hawak yung kamay ko, siguro nananansing ka no??"
"Ano?! ako nananansing? eh ikaw yung humahawak ng kamay ko eh, mula pa sa kotse hawak-hawak mo na yung kamay ko habang hinimatay ka, pinipilit kong bitawan mo yung kamay ko kaso sobrang higpit mong humawak kaya pinabayaan ko na lang, Tsssk.. maka alis na nga!" Asar na pagkakasabi nya sakin.
Ang sama ko naman, dapat nagpapasalamat ako sa kanya sa halip, ininis ko pa s'ya at pinagalitan. Anong gagawin ko?
"Teka," hinawakan ko yung kamay nya para h'wag muna syang umalis. "Salamat pala sa tulong mo ha, pasensya ka na sa inasal ko sa'yo kanina."
*Dug dug-Dug dug-Dug dug*
Ano 'tong nararamdaman ko,ba't ganun na lang ang tibok ng puso ko ang lakas!
"Wala yun, magpahinga ka muna dyan at lalabas muna ako para magpahangin" sabay ngiti nya sa'kin.
*Dug dug-Dug dug-Dug dug*
Pakshet naman!!! bakit nagba-blush ako, at bakit kinikilig ako sa tuwa. Hindi ko na kaya ang sarili ko, parang sasabog na yata ako sa kilig!!! AHHH!!! Bakit sobrang gwapo nya, gusto ko nang mamatay!!!
"Ah, cellphone mo pala, tumawag kanina yung kaibigan mo kung nasa ospital na tayo, pupunta sana sya dito kaso sabi ko naman, h'wag na syang pumunta baka mag cutting class pa sya dahil sa'yo, Erick ata yung pangalan niya eh."
"Salamat" at nginitian ko s'ya. Grabi ang cute nya talaga at concern din pala sya kahit ngayon lang kami nagkakilala... Ayieeee!!!!
Ronmart June Pov.
Nang nasa labas na ako ng Ospital, isinandal ko yung likod ko sa isang pader.
*Dug dug-Dug dug-Dug dug*
"Ba't ganito yung tibok ng puso ko, ang ganda niya."
Shet!!!, ba't ko nasabi yun grabi talaga ng karisma niya. Sa totoo lang hindi pa ako nagkaroon ng ganitong nararamdaman. Anuuuuuuuuuu baaaaaaaaaaaa yannnnnnnnnnnnnn!!!!
Maya maya ay pumasok na ako at tinanong ko yung doctor kung pwede na ba syang lumabas. At pinayagan naman kami, kulang lang daw siya sa pahinga kaya hindi naman malala yung kalagayan niya. Nang tumingin ako sa kanya, bigla niyang inalis yung tingin niya sa'kin, Pakshet naman!! ba't kaya ako kinikilig....hehehe
Lumabas na kami ng Ospital, habang sya naman paika-ika sa paglalakad,
"Tulungan na kita", ini offer ko yung kamay ko sa kanya kaso hindi niya tinanggap yung tulong ko.
"H'wag na, kaya ko na yung sarili ko"
Patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa nadapa siya pero hindi natuloy dahil dali-dali ko rin siyang hinawakan sa magkabilang balikat niya.
"Sabi ko na sa'yo tulungan na kita eh, ayan tuloy muntik ka nang madapa" pagkakasabi ko sa kanya na medyo naiinis, ang tigas kasi ng ulo eh...
Hindi na siya nagsalita sa halip nagtinginan kaming dalawa.
*Dug dug-Dug dug-Dug dug*
Ang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya, anu ba yan!! nakikita ko mula sa itsura nya na namumula na sya pati na rin ako. Pakshet na Author yan ah, tigilan mo na nga yan, hindi ko na talaga kaya eh!!! >_<!!!!
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomantizmPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...